/2/ Change, Focus and Build New

9 0 0
                                    

[Emerald]

This is just my 3rd day of this school and yes, I'm a transferee, from big school in Davao City (Ateneo) to this private small community college here in Quezon City. Actually, sa Manila talaga ako pinanganak at lumaki but when I was 5 years old nagdecide parents ko na lumipat sa place ng mother side ko dahil na rin sa trabaho ni Daddy. For 15 years doon kami tumira sa Davao at ngayon ay bumalik na naman dito.

Tiningnan ko ang wristwatch ko, 5 Minutes nalang at malelate na ako. Pagdating ko sa classroom note lang sa door ang nadatnan ko.

'No class this morning! Please proceed to the gymnasium.'

Gymnasium? Hindi ko alam saan yun dito. Magtatanong na sana ako sa isang janitor ng may biglang may tumawag sa 'kin.

"Emerald!" Agad akong tumingin sa likuran at hinanap ang boses. "Hey! I guess naliligaw ka na naman."

"Hi Jewel." Siya yong unang nakilala ko dito dahil magkaseatmate kasi kami sa 1st and 2nd class. "Actually, hindi ko pa alam kung saan ang gymnasium dito." Nilapitan niya ako.

(Jewel Angela Gomez, 21 years old. Smart, may panindigan, palaban at independent woman. Kapag alam niyang sa kanya, ginagawa ang lahat para makuha.)

"Great buti nalang nakita kita kaya sabay na tayo." Tumango lang ako at ngumiti ng bahagya. "Ahh ... may hand sanitizer ka ba? Naubusan kasi sa cr."

"Oo meron." Kinuha ko naman sa bag at binigay sa kanya. "Wala ba tayong klase ngayon? Bakit pinapapunta tayo sa gymanasuim?"

"Hindi ka ba nakatanggap ng text message kahapon?" Naglagay siya ng konting sanitizer sa palm niya at kinalat sa buong kamay.

"Hindi pa ako nakacheck ng messages since last night eh." Hindi kasi ako gaano gumagamit ng cellphone.

"Thank you!" Binalik niya ang hand sanitizer sa akin. "Actually, nagpost bandang 4pm kahapon sa announcement board na may meeting tayo ngayong umaga. Kaya walang klase ang morning and afternoon session."

"Ahh ganun ba. Dumiretso kasi ako sa exit gate pagkatapos ng klase ko kahapon."

"Kaya pala hindi mo na nakita. Anyway, let's go baka magstart na." Inakbayan niya ako sa likud at naglakad na kami papuntang gym.

Pagpasok namin sa entrance napansin kong konti lang ang mga studyante, may mga student din na nakaskyblue polo at nakapants na nasa stage nagseset up ng sa sound system, may iba ding nag-aassist sa mga studyante sa attendance table.

Pumila ako for attendance at sinabayan ako ni Jewel. Habang nagsusulat ako ng pangalan kinakausap ni Jewel yong lalaking nakaskyblue na polo.

"Akala ko nga makakasabay siya sa amin ngayon hindi pala pwedi." Parang malungkot na pagkasabi ni Jewel.

"It's against the protocol Jel. Kung afternoon session dapat mamaya pa talaga mag attend ng meeting." Sagot naman ng lalaki.

"I see, bakit kasi nagchange pa siya ng schedule niya eh."

"Magkikita din naman kayo mamaya." Natatawa ang lalaking nakapolo.

Napansin ni Jewel na tapos na akong magsulat.

"You're done?"

"Mm." Sagot ko sabay tango. Tiningnan ko yong kinakausap ni Jewel, there naklaro ko ang nakaprint sa polo nila at officers pala sila dito. He smiles at me and I give him a force smile.

"Sige, Marcus upo na kami don."

"Sige Jel." Kumaway pa ang lalaki.

Hinawakan ni Jewel yong kamay ko at sabay kaming umalis at umupo sa 4th row ng seating arrangement.

A word to lastUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum