/1/ TIME TO HEAL THE WOUNDS

16 0 0
                                    


[Emerald]

Umuulan at wala akong ibang naririnig kundi ang mga patak lang ng ulan. May bagyo ba? Hindi man lang ako nakadala ng payong.

Teka, nas'an ba ako? Waiting shed? Wala bang klase ngayon? Bakit ako lang dito? Teka, bakit may tugtug eh wala namang ibang tao.

Saktong paglingon ko sa likuran may biglang tumawid sa kalsada, lalaki at nakawhite na longsleeves,  may dala-dalang gitara at mga libro. Buti nalang may tao na. Teka, kilala ko ba to? 

Tatawid na siya ng kalsada, para siguro magpasilong din dito sa waiting shed. Nasa kalagitnaan na siya ng kalsada nang nahulog ang mga bitbit niya kaya mas nababasa na siya.

Bigla akong may hawak na payong kulay pula na tila pa nagteleport at hindi ako nagdalawang-isip na puntahan siya para payongan at tulungan. 

Nasa harapan na niya ako pinapayongan siya habang kinukuha niya yong mga gamit na nahulog at nababasa na rin ng ulan. Tahimik lang akong nakatayo sa harapan niya hanggang sa napansin niya ako at tiningnan mula paa hanggang ulo saka siya tumayo.

Hindi ko maaninag ang buong mukha niya. Ang tanging nakikita ko lang ay ang ngiti niya sabay sabing 'Hindi ka nagbago, ikaw pa rin ang Emerald na nakilala ko.'

                                                                                            *****
"Kring ... Kring ... Kring ..." Inabot at pinatay ko ang maingay na orasan sa bedside table ko. Pikit matang umupo ako sa kama at humikab. Ang dilim pa para mag 6am. Maya-maya nakarinig ako ng ingay mula sa sala. I heard my family singing a worship song and they do that every day. Tiningnan kong mabuti ang orasan. Ugh 5:03am pa. Iniba na naman ng ate ko ang alarm clock. Binagsak ko muli ang katawan ko sa kama at tinakpan ang tenga ng unan para hindi marinig ang ingay nila hanggang sa nakatulog ako ulit.

Nakaramdan ako ng malamig na hangin, kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata at nakita ang isang pigura ng lalaki binubuksan ang kurtina ng kwarto ko. Malamang tapos na silang magworship at magdevotional.

"Good morning anak!" Masiglang bati ni Daddy at umupo sa kama. "Bumangon ka na dyan at baka malate ka. 6:10 am na oh." Tinulongan akong bumangon ni Daddy.

"Good morning dad." Kinusot ko ang mga mata at tumingin sa bintana. "Umuulan pala." Halos pabalong kong sabi.

"Buong maghapon daw uulan ngayon dahil may bagyo sabi sa balita." Inaayos ni Daddy ang unan at kinuha ang kumot sa katawan ko at inupi niya.

"Dad, ako na niyan." Akma kong kinuha ang kumot pero hindi binigay ni Daddy.

"Baka matulog ka na naman ulit kaya, ako na! Bumangon ka na dyan at maligo na." Wala akong nagawa at tumayo na. Halos araw-araw ganyan ang set-up namin ni Daddy. Gigisingin niya ako at hinahanda ang school uniform ko.

(Ronald John Dela Cerna, 42 Years Old. Retired Military, maasikaso at mapagmahal sa mga babaeng mahal niya sa buhay. Ang asawa at dalawang mga anak niya. Lahat gagawin para sa ikabubuti ng kanyang pamilya. Sinasakripisyo ang sariling pangarap para sa kanila.)

Pagkatapos kong maligo wala na si Daddy sa kwarto ko. Nakatupi na ang kumot at maayos na ang kwarto. Nakita ko ang school uniform sa kama na nakaplansta na at sinuot ito. Tiningnan ko ang sarili ko salamin pagkasuot ko ng ID. At kumawala ng isang mabigat na buntong hininga.

(Emerald Divine Dela Cerna, 22 years old. A decent woman with an angelic face with her morena beauty. People always judge her as what she looks in the outside, but if you're going to know her more there's something about her that only words can tell.)

A word to lastWhere stories live. Discover now