/3/ He knew me

8 0 0
                                    

[3] He knew me

Hindi ko pinakitang nagulat ako sa pagsulpot niya. Napansin ko ang suot niya, nakaskyblue polo at may tatak na 'President' sa bandang dibdib. Hindi ko siya namukhaan kanina sa gymnasium. Medyo malayo kasi ang kinauupuan namin sa stage.

Hindi ko siya pinansin at tinuon ko ulit ang atensyon sa paghahanap ng libro.

"Ang sungit naman. How are you?" Sinusundan pa rin niya ako hanggang sa makalipat ako sa kabilang bookshelf pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Napatigil nalang ako nang hinarangan niya ang dadaanan ko. "Anong libro ba ang hinahanap mo? Tulungan kita."

Medyo naubos na ang pasensya ko dito sa ungas nato kaya hinarap ko na siya. Tiningnan ng deritso at nagpakawala ng buntong hininga.

"Alam mo ..." Tiningnan ko ang ID niya at napansin niya yon.

"Ahh ... Lucas by the way." Inalok niya ang kanang kamay sa akin. "Lucas Cornejo." Tiningnan ko lang ang kamay niya at hindi tinanggap ito.

"Alam mo Mr. Cornejo, kung mang-iisturbo ka lang po, please ... wag ako." Walang emosyong sinabi ko sa kanya at dali-daling pumunta ng counter para hiramin ang mga librong nakuha ko.

"Eh, hindi naman kita dinidisturbo tutulongan pa nga kita eh." Sinundan pa rin niya ako hanggang sa counter pero hindi ko pa rin siya pinapansin at nagfifill up ng form.

"Bro! Tara!" Sabay akbay sa kanya ng lalaki palayo.

"Bro teka lang. Hihiram ako pa ako ng libro." Nagpupumiglas siya sa pagkaakbay ng lalaki sa kanya.

"Pwedi mong hiramin yong akin." Sinulyapan ko ang dalawang lalaki paglabas ng library parang siya yong kausap ni Jewel kanina.

Pagbaba ko ng library sakto naman tumawag sa akin si Daddy na nasa gate na siya. Binuksan ko ang payong at handa ng maglakad sa ulan ng may bumangga sa akin at nahulog ang mga dala kong libro. Buti nalang hindi nabasa.

"Naku! Sorry Sorry Miss. Kasalanan ko." Tinulongan niya akong pulutin ang mga libro kaya nasulyapan ko ang ID niya. Pero hindi school ID, kundi philhealth ID.

"It's okay. May kasalanan din naman ako." Binigay niya sa akin ang libro pagkatayo namin. "Working student ka ata." Nakita ko ang pagkataka sa mga mata niya. "Ahh yong ID mo kasi."

"Ahh yong ID ko hindi pa pala napapalitan. Hehe oo working student ako sa McDo ako nagtatrabaho." Humble niyang pagkasabi sa akin.

"Mm I see." Nginitian ko siya.

"Sige ha nagmamadali kasi ako. Sorry ulit." Sinundan ko siya ng tingin ng tumakbo siya paakyat ng library. Hindi ko maiimagine na kaya ng ibang tao ang maging working student. Kasi kung ako malamang hindi ko kakayanin 'yon.

*****

Maingay ang kusina na nagmumula sa mixer pagkadating namin ni Daddy dahil nagbebake daw si Mama. Kaya pagkatapos kung magbihis dali-dali akong bumaba para tulungan siya. Kasalukuyan kaming nagsasalang ng mga cookies sa oven. Nagtimpla na din ako ng gatas para pagkaluto mainitinit pa kung kainin.

"Kailan po matatapos ang pinapagawa ninyong shop ma?" Tanong ko habang nakaupo sa barstool.

"Baka next month katapusan matatapos na 'yon anak. Pasalamat nga ako sa ate mo dahil kahit busy siya, tinutukan pa rin talaga niya ang pagpapagawa no'n habang wala pa tayo dito." Sagot ni Mama habang naglalagay ng sugar sa mixing bowl.

Noon pa gustong makaroon ng Bread and Pastry Shop si Mama pero hindi niya nagawa nong nasa Davao pa kami kaya tinuloy ni Ate at Daddy ang plano nang makalipat na kami dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A word to lastWhere stories live. Discover now