Second

6 1 0
                                    

Reigna Acy's POV.

"Reigna anak? Naka uwi ka na ba?" Bumangon ako at binuksan ko ang pinto.

"Opo ma. Bakit? Wala pa ho ba si Reign?" Sabi ko.

Tinignan ko kung anong oras na. 5:30 pm na pala.

"5:30 na. Wala pa si Reign, Ma?" Tanong ko.

"Pauwi na rin siguro. Nagmerienda ka na ba? Halika. Naghanda ako ng merienda" sumunod ako kay mama sa baba.

Pagkalapag ni mama ng plato ay narinig namin ang boses ni Reign.

"Ate?! Mama?!" Sigaw nya.

"Nandito kami sa kusina Reign" Sabi ni mama.

Pumasok naman si Reign sa kusina. Nakangiti ng malawak. Tsh. Lumapit sya kay mama at humalik sa pisngi ganun din sakin.

"Uyyy! Pancake! Ako rin Ma! Teka magbibihis muna ako" excited nyang sabi.

Natawa nalang kami ni mama. Napaka takaw talaga kahit kailan. Tsk tsk. Tinulungan ko si mama. Naghanda ako ng baso at sinalinan ko ng juice. Nang matapos na ay bumaba naman si Reign.

Kinuha ko yung pinggan ko at lumipat ako sa sala. Binuksan ko ang TV tsaka ako tumulala.

"Lalim ah" kunot noo kong tinignan si Reign.

Napangiwi ako ng makitang sponge bob na ang palabas. Pero kalauan ay ngumiti at umiling iling nalang ako.

"Isip bata" bulong ko. Favorite kasi niya ang sponge bob.

Nang matapos akong kumain ay nagpunta na akong kusina at hinugasan ko ang pinagkainan ko tsaka ako umakyat at nagpunta sa kwarto ko.

Sumalampak ako ng higa sa kama ko at tumitig sa kisame.

Hindi ko alam kung bakit pero gustong-gusto kong hilain ang oras para mag Sunday na, para makita ko siya.

Saturday night, nakahanda na ang isusuot ko para bukas. Kakanta ulit ako kaya nagpa-practice ako.

After namin kumain ng dinner ay nag-practice lang ako ng ilang beses bago naghanda para matulog.


Tahimik lang ulit akong kumakain habang nag-uusap sila.

"Saan niyo ba gustong mag fellowship?" tanong ni kuya Edrick.

tumingin lang ako saglit bago magpatuloy sa pagkain.

"Paanong fellowship ba ang gagawin kuya?" ani John, pang-apat na anak ni Pastor.

"Dadalhin ko gitara tapos magkakantahan tayo, then devotion" sagot naman ni kuya.

nang tapos na akong kumain ay tumayo ako at pupunta sana sa lababo para ilagay 'yung pinagkainan ko pero nahinto ako kasi may humarang sa akin.

nag-angat ako ng tingin at nakita kong si Jace 'yun.

"Ako na" kinuha niya 'yung plato ko. hindi na ako nakaimik kasi nagulat ako.

Cool Off (ON-GOING)Where stories live. Discover now