First

6 0 0
                                    

Reigna Acy's POV.

It's holy week and of course, may service kami for the 7 last words of Jesus before he died. I've been practicing my special number for this day, kinakabahan pa rin ako.

Anyway, ang pangalan ng mother ko ay Reynalyn Dela Vega. Ang father ko naman ay si Alas Dela Vega.

Si papa ang may ari ng Dela Vega company, obviously. Si mama naman, accountant sya. Yayamanin ba? Hindi naman. Palagi silang busy. Every Sunday lang ang free day nila. Minsan naman ay wala rin sila tuwing Sunday. Haayy. Mmm, ako nga pala si Reigna Acy Dela Vega at ang kapatid ko naman ay si Reign Ace Dela Vega.

Oo nga pala, sa Ateneo de Manila University ako nag aaral. Afford naman namin kaya go lang ng go. Doon din nag aaral yung impakto kong kapatid.

Saglit lang akong maligo. Mga 50 minutes ganun hahaha. Syempre need ng hilod. Pinatuyo ko na yung buhok ko gamit yung blower, malamang. Naglagay na din ako ng pulbo at konting lip gloss then charaannnn. Sinuot ko na yung salamin ko. Malabo kasi ang mata ko kaya kailangan ko ng salamin. Ayokong gumamit ng contact lenses. Makati sa mata.

Naturally straight ang hair ko. May pagka brown din. I love color pink! And I love hello kitty. Kaya kung mapapansin. Puro hello kitty stuff ang kwarto ko. Pink din lahat. As in lahat lahat! Hehe.

"Hoy ate ano na?! Kailan ka pa matatapos!? Next year?! Wag ka ng magsayang ng oras! Hindi ka naman na gaganda HAHAHAHA" Ayan na ang impakto kong kapatid. Akala mo kung sino.... Oh edi sya na ang gwapo! Ngudngod ko sya eh.

"Heh! Tigil tigilan mo ako Reign Ace ha?! Baka hindi kita matantsa at mabangasan kita" inis kong sabi. Tinapos ko na ang pagsusuklay ng buhok ko at lumabas na.

Inambahan ko ng suntok yung tukmol pero tinawanan lang ako. Happy sya ah. Palibhasa may lovelife. Tsk. Kebata bata eh. May girlfriend na yang impaktong yan. Girlfriend nya yung anak ng gobernador namin dito.

"Hindi na kayo natapos tapos sa pagbabangayan nyo" sita sa amin ni papa.

"Eh kasi naman papa. 'Yang si Reign napaka epal" sumbong ko. Nagbelat lang sa akin ang tukmol! Grr!

"Nye nye nye" asar pa nito.

"Tigilan mo na ang ate mo Reign Ace" suway ni mama kay Reign.

Nag ngiting tagumpay naman ako. Huh! Ano ka ngayon! Bleehhh!

"Oh s'ya, let's go. Baka malate pa tayo" sabi ni mama kaya naman lumabas na kami.

Sumakay na kami sa kotse papuntang church.

Nang makarating kami ay marami rami na rin ang tao. Naupo kami sa gitna. Nasa pinaka dulo ako, nilingon ko ang pinto ng bumukas ito at nakita kong lumabas doon ang pamilya ni Pastor.

Pagtingin ko sa gilid ni Yhanna, natigilan ako.

He's with a guy, tall, has a fair skin color, curly hair, thick eyebrows, hooded eyes with a curly and long eyelashes, he's also wearing eyeglasses.

I wasn't able to see his face fully because of the mask he's wearing.

Nilingon ko ang kapatid ko ng sikuhin nya ako.

"titig na titig ah? " sabi nya na syang ikinairap ko.

naupo sila sa harapan namin.

nagsimula na ang service sa pagbibigay ng awit, opening prayer, then the welcoming of visitors.

"Mayroon tayong dalawang bisita, thanks God" sabi ni kuya Edrick, ang leader at panganay na anak ng Pastor.

Cool Off (ON-GOING)Where stories live. Discover now