YESHA FLAIRE PARKSabay-sabay na kaming lumabas ng gate kasama ang dalawang love birds hehehe.
"Dito na lang kami, see you tomorrow guiz." Pagpapaalam ni Jeon sa amin.
Tumingin ako kay Kianna at saka ngumiti ako ng makahulugan at nahulaan naman niya ito kaya ngumiti lang ito.
"Enjoy your date huh." Natawa silang dalawa kaya naki tawa naman ako sa kanila.
"Hahaha si Yesha talaga." Natatawang usal ni kianna.
Umalis na ang dalawa pinagmasdan ko lang silang papalayo sa kinatatayuan namin.
"Tara." Ngumiti ako kay won at sabay na kaming naglakad, mabuti na lang at may makakasama na ako sa tuwing uuwi ng bahay.
"Ahh Won pwede magtanong?" Tanong ko habang nasa malayo ang aking mga mata kahit hindi ko makita ay alam kong natigilan si Won.
"A.. Ano yun?" Tumingin ako sa kanya at sinalubong ang nagtatakang titig niya sakin.
"Bakit bigla ka na lang umalis ng hindi nagpapaalam sakin?.. Naguguluhan pa rin ako kahit na matagal na iyon... Nung sinabi sakin ni mama na umalis ka ay agad kitang pinuntahan sa bahay ninyo at nagbabakasakaling naroon ka pa pero nabigo ako." Inalala ko nung mga panahon na yun kung babalik ba ang kaibigan ko o baka dahil nasawa na ito sa ugali ko kaya ito umalis. Ngumiti ako ng maalala ko kung paano ako nagtatampo kay Won. Pinangako ko sa sarili ko na kapag nagkita kami ay hindi ko siya papansinin pero kinain ko lahat ng iyon.
"Noong una hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit pinili ni Mom na sa Gosan na lang kami manirahan.... Sa bawat araw na lumipas ay binabagabag ako ng aking konsensya na iwan ko ang nag- iisa kong kaibigan... Nalaman ko na na lang na naka buntis pala si Dad kaya kami umalis dito sa Seoul." Naramdaman ko ang matinding kirot na nararamdaman ni Won. "Hindi ako naniwala noong una sa sinabi sakin ni Mom kaya patago akong bumalik dito at inalam kung totoo ba ang mga sinabi niya sakin... Ngunit tama siya.. At nung panahong iyon sakto namang nanganak ang asawa niya." Tumindi ang pagnanais kong malaman ang lahat ng nangyari kay Won kaya hinintay ko pa siyang mag kwento.
"Bakit hindi ka sakin nagpakita nung sinabi mong patago kang bumalik dito?" Nagtatampo kong tanong sa kanya.
"Nakita kita sa park ng gabing yun, lalapitan sana kita kaso alam kong galit ka sakin kaya hindi na lang ako lumapit sayo." Tumingin ako sa kanya ng magka salubong ang mga kilay.
"Hayy hindi ako galit noh... Nagtampo lang ako sayo." Taas kilay na sagot ko. "Pero anong balita sa Daddy mo?"
YOU ARE READING
IF WE ARE A SEASON
FanfictionLove is just like a season. Hindi mo alam kung kailan ba ito magbabago o kung pangmatagalan na ba ito? Minsan we admire that we find the true love that will never be change. Pero minsan nasasaktan. We born in this world not to be a perfect person bu...