PROLOGUE;

49 3 1
                                    

Kararating ko lang galing ng pilipinas. Nakatayo ako dito sa labas ng airport naghihintay ng masasakyan ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Nakita ko sa screen ang isang text. Binukasan ko ang message.

"Magkita tayo sa may station ng tren. 7:00 pm."

      Received; 6:40 pm
   
Pagtingin ko sa wristwatch ko at 6: 45 na. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa station ng tren. Ilang sandali lang ay narating ko agad yun. Naglakad ako sa hallway ng station hila-hila ko ang maleta. Natanaw ko sa dulo ng hallway ang isang lalaki pormal lang itong nakatayo habang nakatingala sa langit. Ang lalaking minsan ko ng nasaktan ng paulit ulit.

Naka suot siya ng itim na coat na hanggang tuhod ang haba. Buwan ngayon ng December winter season. Madilim ang kapaligiran tanging ilaw lang na galing sa hallway ng station ang nagsisilbing liwanag.

Tumigil ako sa paglalakad at nakita Kong tumingin siya sa gawi ko at nakangiting naglakad papalapit sakin. Pero kahit takpan ng malawak niyang ngiti ang mga mata niya samu't saring emosyon ang naroroon.

Nanlalambot ang aking tuhod at parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya ng ganyan.

Naramdaman Kong pinangingiliran na din ako ng luha ng unti unting lumapit siya sakin. Hindi ko maipaliwanag ang bawat emosyon na nasa loob ko. Na alam Kong ito na yung time na iiwan niya rin ako.

"Nice to see you again." Kahit anong ngiti niya ay mas lamang pa rin yung sakit na nararamdaman niya. Damn it.

"I miss you." Mahinang sambit ko. Kumibot kibot ang labi ko na parang ano mang oras hikbi na ang lalabas sa bibig ko.

"You don't have too, kasi kung patuloy mo akong mamimiss Hindi mo ako makakalimutan" Hindi parin maalis sa mukha niya ang ngiti pero dun ako mas nasasaktan.

Hindi ako umimik sa sinabi niya at deretso lang akong nakatitig sa mga mata niya.

"Hayss ang laki na ng pinagbago mo Simula nung huli tayong nagkita." Aniya

"Ikaw din naman ahh." Pinipigilan ko ang maluha kaya iniwasan ko ang tumitig sa mukha niya dahil dun mas nasasaktan ako.

"Hahaha bumalik ka na, kaya ngayon ako naman ang aalis." Naguguluhan akong tumitig sa kanya. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako doon na tuluyang bumagsak ang mga luha Kong kanina pa gustong kumawala.

Nagpakiramdaman lang kami hanggang sa until unti ng lumalabas sa bibig ko ang hikbi. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang kanyang hinlalaki.

"A.... Anong  ibig mong sabihin?" Kahit humihikbi sinikap kung magsalita.

"Kaya kita pinapunta dito kasi gusto Kong magpaalam sayo." Dun ko rin nakita ang pagbagsak ng luha niya ang dating lalaking nagpapalakas ng aking loob ngayon ay umiiyak ng dahil sakin.

Napatungo ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko pero alam Kong higit na nasasaktan siya.

"Naka pag decide na ako.... Na sa London ko tatapusin ang pag aaral ko ng med." Tumingin ako sa kanya at nakangiti na ito sakin.

"Kung saan ka masaya... Doon ka dahil alam Kong magiging matagumpay ka." Pinilit Kong ngumiti sa kanya kahit mahirap.

"Thank you. At sana magkita ulit tayo." Umagos na ulit yung luha ko. Tumango lang ako sa kanya kaya niyakap niya ulit ako.

"Di ba sabi mo sakin... A tight hug for an ending can warmth the coldest heart.." Naramdaman ko na mas lalong humugpit ang yakap niya. Pero ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang paparating na tren kaya tuloy tuloy na pag agos ng luha ko sa isiping iiwan na ako ng lalaking minsan na akong minahal pero Hindi ko yun nasuklian.

Tumigil ang tren kasabay nun ang pagluwag ng yakap niya sakin. Hanggang sa tuluyan na siyang bumitaw. Tanging ngiti na lang ang ibinigay niya sakin bago siya tuluyang sumakay ng tren.

I start hating the winter season.

To be continued

Marklovesyouu.

IF WE ARE A SEASONTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang