Chapter 31

51 10 0
                                    

SHAWN POV

HINDI KO maiwasang mapangiti tuwing naaalala ko ang nangyari kaninang umaga. Sa wakas, alam ko nang maaari akong magustuhan ni Jayce. Hindi siya tutugon sa halik ko kung hindi niya nagustuhan ito diba. Tuwing napapatingin ako sa kanya habang nagseset kami ng tent namin ay lagi ko siyang nahuhuling iniirapan ako.

Nandito na kami sa isla, maganda dito. Sa gitna ng isla ay may malawak na kapatagan na napapalibutan ng malalaking puno. May malaking bahay kaming nakikita mula rito, siguro mansyon. Siguro ay ang may-ari diyan ay siya ring may-ari ng resort at hotel. Ayon kay Mr. Hayne ay malaya kaming maglibot dito. Ang ilan namang estudyanteng katulad namin ay naiwan sa resort kasama si Ms. Jam dahil sila ang piniling manatili doon.

Natapos na kaming mag-set ni Jayce ng tent ganun din ang iba saktong alas otso. Hindi pa mainit dito dahil nasa ilalim kami ng naglalakihang puno. Sabi kasi ni Mr. Hayne ay hindi kami pwedeng mag-set ng tent sa gitna dahil doon ilalagay ang bonfire mamayang gabi. Kaya naman hindi kami malapit sa ibang tent dahil sa lawak ng kagubatan.

Pumasok si Jayce sa loob ng tent, nanatili lang ako dito sa labas dahil baka magalit pa ito sa akin. Kulang na nga lang mamatay na ako sa lisik ng mata nito tuwing napapatingin sa akin e.

Lumapit ako sa punong malapit sa tent at naupo sa malalaking ugat nito. Sumandal ako at tumingin sa maaliwalas na kalangitan.

"Shawn pare!" Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ako ng boses.

Isa sa mga kaibigan ni Jayce ang nasa harapan ko, may kasama ito na sa pagkakatanda ko ay lagi na itong sumasama sa kanilang magkakaibigan.

"Bakit?"

"Si Jayce? nasaan?"

"Nasa loob ng tent." Sagot ko sa kanya.

"Ahh sige salamat. Ako nga pala si Kiano Reid pare." Tumango ako saka inabot ang kamay niya para maki-pag shake hands. Kiano pala ang pangalan niya, pansin kong kulay tsokolate ang mga mata niya. Okay that's enough.

"Elias Varoni bro." pakilala naman ng kasama niya. I too accept his hands and shake hands with him.

"Sige ha, kakausapin lang namin si Jayce." sambit ni Kiano. Tumango lang sa akin ang nagngangalang Elias.

"Sige." ani ko.

Nanatili lang akong nakaupo sa ugat ng malaking puno habang nakatanaw sa mga tents.

Hindi nagtagal ay nakita kong lumabas na sina Kiano at Elias kasama si Jayce na mukhang bugnutin. Mukha namang natatawa ang dalawa sa itsura ni Jayce, ako nga rin ay hindi mapigilang matawa. Napatigil ako sa pagngiti nang mapabaling si Jayce sakin. Umirap ito sa akin at saka ako binigyan ng dirty finger na lingid sa kaalaman ng dalawa.

"Oi Shawn pare! sasama si Jayce samin, ikaw? gusto mo sumama?" medyo may kalakasang tanong ni Kiano.

"Uh saan ba?" interesadong tanong ko. Of course, I still want to come because Jayce will be there.

"Mag-ikot ikot lang dito sa gubat. Hindi naman daw tayo mawawala kasi hindi masyadong malawak itong isla." Paliwanag ni Kiano.

Agad akong tumango kahit kitang kita ko sa mukha ni Jayce ang pagsalungat sa desisyon ko. Wala itong nagawa nang sumunod ako sa kanila at tumabi sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay, tinatanong kung may problema kahit alam kona. Ngunit lalo lang ako nitong tinaasan din ng kilay tsaka ako inirapan

BUONG ARAW kaming naglibot sa kagubatan, taking some pictures, having fun while walking. We just came back when it's time for lunchtime.

Ngayon ay malapit na namang dumating ang dilim kung kayat nautusan kaming mag-set ng bonfire sa gitna ng lahat ng tents. Ang iba naman ay busy sa pag-grill ng steak malapit lang sa amin. Si Mr. Hayne ay nandun lang na nakaupo hawak hawak nito ang dslr, ngayon ko nga lang din nalaman na gustong-gusto niya palang kumukuha ng mga litrato.

FALLING FOR YOU (Ongoing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon