04

121 7 5
                                    

kung gaano ka durog ang fried chicken yun din siguro kadurog ang pagmumukha ng kupal na to kung masuntok ko siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

kung gaano ka durog ang fried chicken yun din siguro kadurog ang pagmumukha ng kupal na to kung masuntok ko siya. nakakainis ang nga moves niya dude. walang originality.

kanina hinawakan niya ang pisngi ni daisy. muntikan ko na ngang ibato sa kanya ang buto ng manok. para din akong timang kanina kasi dali-dali ko ring pinunasan ang mukha ni daisy ng wet wipes. nakaka ulol ang mga moves niya ha.

nasaan na ba kasi yung mga backup ko. kailan ba nila to ililigpit. nababanas na ako sa pagmumukha ng kupal na to.

"hatid na kita mamaya sa inyo daisy."

"tsk---- sorry pre ako kasi maghahatid sa kanya mamaya." sabi ko. hindi ko na siya nilingon kasi mas maiinis lang ako sa pagmumukha niya. baka tuluyan ko ng ibato tong buto ng manok.

"ahh ganon ba. sayang naman, ingatan mo siya ha."

kung makapagsabi siya ng ganyan parang hindi ko iniingatan si daisy ha. gusto mo suntukan nalang? gago

"kahit na hindi mo ako sasabihan ng ganyan. iingatan ko parin siya. ano ako ulol para ilagay siya sa pahamak? gago"

kinurot naman ako ni daisy dahil sa sinabi ko. napapansin ko na ha, kanina niya pa ako kinukurot. ako na nga ang na-aapi ako pa ang sinasaktan. ang songs naman. tumahimik ako at kumain nalang.

"sorry anton, sasabay kasi ako kay Asher. next time nalang. pag pasensyahan mo din to si Asher. mabait talaga to ewan ko nalang kung ano nakain niya ngayon kung bakit naging ganito siya."

"kumain siguro siya ng ampalaya. sobrang bitter niya eh---"

automatic agad akong napalingon sa kay pansit canton. Oo, na bibitter ako sa inyong dalawa. hindi sana ako magkakaganito kung hindi ka sumapaw sakin.

"ano sabi mo?--"

"wala pre--- sabi ko okay lang, naiintindihan ko."

nagawa pang magmalinis ng kupal. mabuti pa't manahimik nalang muna ako. nag-usap lang silang dalawa habang ako naman sobrang sama na ng tingin ko sa kanya. kung nakakamatay siguro ang titig siguro dead on the spot na tong kupal na to.

"Anton---" napalingon agad kami ng bigla nalang may dumating sa table namin. ay nandyan na nga backup ko.

"oh Gav, what's up?" nakipag bro fist pa siya kila gav at dylan. akala ko ba hindi sila magkakilala? bakit may pa ganyan na sila.

sumulyap sila gav at dylan sakin. kumindat pa din si Gav sakin. kindat palang ni Gavin. matic na may kademonyohan na naman siyang gagawin.

"pinapatawag ka ni sir chubs sa guidance office. " 

"huh? bakit daw?" litong tanong niya.

"aba't ewan ko-----baka pag-uusapan niyo yung about sa rambulan na ginawa niyong mag tropa."

huh? anong gulo? maski ako naguguluhan sa pinagsasabi ni Gavin. may rambulan pala dito sa school. hindi masyadong halata na basagulero tong si pansit canton ha.

"h-huh? patay na----"

"nako, pumunta ka na dun. narinig ko pa naman na balak nila kayong ikick out."

pucha sandali... kick out? makikick out siya? ay mas mabuti yun. para naman lumayo na siya kay daisy. nasa akin parin talaga ang huling halakhak. dream come true na siguro yung mawala siya sa love story namin ni loves.

"shit, patay ako ni mama-- daisy mauuna na muna ako. next time nalang." hindi na nagawang sumagot ni daisy kasi tumayo na siya at dali daling umalis ng cafeteria.

tumawa naman sila Gavin at Dylan. lito naman kaming nakatingin sa kanila. bakit tumatawa sila?

"gav malupit ka. ramdam ko ang kaba ni Anton." tumatawa sabi ni dylan. huwag mung sabihin na-----

ay tanga...

hahaha ngayon ko lang din na realized kung ano ang ginawa ni Gav. pucha ang lupit ng sayad sa utak ng isang ito. walang patawad, pati guidance office dinamay niya na.

natawa nalang ako habang si daisy naman ay lito parin nakatingin sa kanila. manhid talaga siya, pati kalokohan ni Gav hindi niya napansin katulad ng hindi niya pagpansin sa nararamdaman ko. awts gege.

"shh ka lang diyan choi---oh maiwan na namin kayong dalawa diyan ha. enjoy kayo sa moment niyo---" nakangisi nitong sabi

"asher galingan mo diyan. ikaw ang manok ko." tinapik niya ang balikat ko at umalis na sila.

nilingon ako ni daisy "ano yun?"

nagkibit balikat lang ako at tahimik nalang kumain.

"galit ka ba?"

pssh. bahala ka diyan loves. nagtatampo ako sayo. di tayo bati.

"hoy, galit ka?" ngumuso siya

"huwag kanang magalit hindi ko naman siya gusto eh."

lumingon agad ako sa kanya at ngumiti. hay nako love ang rupok ko talaga sayo. tsk..

Cherish (Falling Flower Series #1 Sequel)Where stories live. Discover now