29

91 8 26
                                    

"dan, paki inform nga si Ms

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"dan, paki inform nga si Ms. Genevieve na hindi parin gumagana yung printer."

ang mahal ng tuition fee tapos sira naman ang mga gamit. tsk, kanina pa kami nagkaproblema sa printer kaya natagalan kami dito sa library. buti nalang talaga at excuse kami ngayon hapon.

madami na ang mga estudyante sa library, uwian na kasi at deadline na ngayon sa research papers. kailangan maipasa namin to ngayon kasi next week, oral defense na namin.

"lipat nalang daw tayo sa computer lab. kasi madami na din daw mga naka waiting sa ibang printer." sabi ni Dan pagkabalik niya.

jusko, ang layo ng computer lab dito sa library. nasa kabilang building pa.

"gago--- sana pumunta nalang tayo kanina doon. tara na nga." stress na yung leader namin. kanina pa yan nagdadabog. kulang nalang batuhin niya yung mga ka groupmates namin na walang ambag. 

sa totoo lang naiinis na din ako, may isang ka groupo kasi kaming walang ambag. yung tipong wala talaga. puro lang pa-ganda, sumama pa siya samin ngayon para daw tumulong. pero ang gaga, ayun nakipag chikahan sa kaibigan niya sa kabilang table.

pinagsabihan na namin siya kanina na kapag hindi siya tutulong samin tatangalin namin siya sa groupo. nagmakaawa pa siya samin na huwag daw namin siya tanggalin kasi tutulong daw siya. pero hindi parin nakinig----- hanggang salita lang siya bhei. ang sarap niya talaga sampalin with kindness.

"pano si Sanchez girl?" tanong ni Kyle kay Mika.

"iwan niyo na si Sanchez diyan----- hindi naman yan tutulong sa'tin. puro lang pacute--- mukha namang paa."

sandali---- gaga, ang harsh talaga ng leader namin. hahaha

"tara na----ichat nalang natin siya na tinanggal na natin siya sa group---"

"tinutulunggan na nga natin siyang pumasa pero hindi niya naman tinutulongan ang sarili niya. so ano pa ang silbi ng ginagawa natin?"

tama nga naman kasi si mika. paano siya papasa kung tumatanggap lang siya ng suhol sa iba. palagi kasing nababagsak si Sanchez sa lahat ng subject. kaya bilang kaklase niya tinutulongan namin siya. pero napupunta lang sa wala ang lahat. tamad din kasi. hayst--- buhay parang life.

umalis na kami sa library at naglakad na patungo sa computer lab. okay narin na sa computer lab kami, malamig kasi doon.

"psttt---"

"daisy!" napalingon agad ako sa tumawag sakin.

si Anton lang pala, akala ko sino. nagulat ako ng makalapit ito sakin---- umakbay kasi siya sakin. naiilang ako sa paraan ng pag-akbay niya sakin.

"a-ah anton--" inalis ko ang pagka-akbay niya sakin. chansing ka dude.

"oh--sorry hehehe." nahihiya niyang kinamot ang batok niya. wow, shy type ka dude? parang kanina lang lakas mung maka chansing sakin.

"ano kailangan mo?" diretso kung tanong. pinagpatuloy ko na rin ang paglakad. sumunod naman siya sakin.

"saan ka papunta?"

"sa computer lab. kailangan pa kasi namin iprint yung research paper namin."

"wow coincidence or not, papunta din ako doon-- ayiee meant to be na ba tayo?"

ngi--- papunta lang siya doon meant to be na agad? kabagan ka nga. sarap tampalin ng bibig nito. sorry nalang siya, may asher na ako. kaya hindi na gagana sakin yang mga banatan niya.

"parang hindi naman. hindi kasi tayo bagay." diretso kung sagot. ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa sa kanya. kasi i don't want him to assume na magugustuhan ko din siya. kasi duhh--- obviously, nakikita ko lang siya bilang kaibigan.

noong nag confess siya sakin sa rooftop i already told him na hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman niya. hanggang kaibigan lang ang kaya kung ibigay sa kanya. but he begged.

nag makaawa siya sakin na susubukan niya raw. he also told me na he would help me find A.K daw. actually, he's a nice guys naman. i already considered him as my friend na rin.

"ouch, na hurt ako daisy ha."

tumigil ako sa paglalakad at napabuntong hininga. tinignan ko siya ng diretso.

"Anton--- diba napag-usapan na natin to? I'm sorry talaga Anton pero hindi ko talaga kayang suklian ang nararamdaman mo sakin. kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo." i sadly said.

he weakly smiled at me "hindi na talaga? kahit konti man lang?"

tumango ako bilang sagot sakanya. napayuko ito at malungkot na ngumiti.

"ang swerte niya talaga sayo---" tumingin ulit siya sakin at ngumiti.

"kasi kahit na wala siyang gawin, siya parin talaga ang pipiliin mo. siguro karma ko nga talaga to. to be honest, hindi ako ito---hindi ko ugaling magmakaawa sa tao na gustohin ako pabalik. pero iba ka, ha---" natawa siya at nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"ibang-iba----- kaya siguro nagustuhan ka ni Asher. ang swerte niya. sobrang swerte niya." napangiti ako sa sinabi niya.

"maswerte din ako sakanya. he alone complete's me. Anton, don't be sad. kasi hindi mo pa katapusan. you still have a chance to find the one who really meant for you. bata pa tayo, maybe one day dadating rin yung taong nakatadhana sayo."

"kaya Anton, i hope you'll wait for her. just be patient, okay?" i tapped his arm. kaya ngumiti ito at tumango sakin.

"can i hug you? kahit ngayon lang?" tumango ako at yinakap siya. wala namang malisya sakin ang hinihingi niya.

"can we still be friends?"

"yeah, friends."

________________________________

Cherish (Falling Flower Series #1 Sequel)Where stories live. Discover now