Chapter 6

8K 212 3
                                    

Mapupunit na ang pisngi ni Jillian sa pagkakangiti ng umagang iyon. Naalala na naman nya kasi ang nangyari nang nagdaang araw sa pagitan nila ni Erik. Una, masaya sya dahil napagdesisyunan nitong magmoved on mula sa kabiguan nito kay Bianca. Pangalawa, ngumingiti na ito sa kanya. Pangatlo, pinapansin na sya nito at hindi dinededma. At pang apat, hindi na niya alam ang dahilan. Basta ay napapasaya sya nito just by thinking about him.

Napapraning na ata ako.

Maraming nakapansin sa napakaganda nyang mood ng umagang iyon. Maging ang mga pasaway nyang estudyante ay napansin iyon.

Sobrang excited sya na makita ang binata. Subalit mag-aalas-diyes na ng umaga ay ni anino nito ay hindi nya napagkikita kaya napagdesisyunan nyang tignan ang time card nito.

EXCUSED FOR THREE DAYS DUE TO SEMINAR

Napanguso sya. Hindi naman pala darating ang kanina pa nyang hinihintay.

Bagsak ang balikat nyang bumalik sa clinic. Nalaglag mula sa bulsa nya ang kanyang pitaka. Binuksan nya iyon at tinignan ang larawan ng binata.

"Matapos mo akong paligayahin ng limang araw, hindi mo man lang ako pananagutan?" Pagdadrama nya. Dinutdot pa nya ang larawan nito gamit ang kanyang daliri.

Nangalumbaba sya. Ang lungkot naman ng buhay nya. Tiyak mami-missed nya ng sobra ang binata.

Bat ba affected ako masyado?

Ipinagpatuloy na lamang nya ang trabaho sa boring na araw na iyon.


It was Sunday afternoon at walang kagana-ganang bumangon mula sa pagkakahimlay sa kanyang kama si Jillian.

"Hoy Jillian! Bumangon ka na nga dyan! Tirik na tirik na ang araw oh!" Si Nicole iyon, ang kanyang pinsan. Mukhang maagang natapos ang trabaho nito ng araw na iyon dahil may araw pa at naroon na ito sa kanilang bahay. Isa kasi itong event stylist kaya once matapos ang trabaho nito ay maari na agad itong umalis dahil may assistant naman ito na magre-retouch roon.

She turned her head.

"Oo nga eh, kasing-tirik ng mata mo at anong nangyari sayo? Bat mukhang peacock yang mga mata mo?" Bukod kasi sa makulay na eye makeup nito ay kulay orange at green ang pekeng pilikmata nito.

"Hay nako Jillian! You wouldn't understand the art of image styling."

Muli syang bumalik sa pagkakahiga.

"Art? Oo nga eh, mukhang abstract yang mukha mo."

Tumaas ang kilay nito. Sanay na sila sa asaran nilang dalawa. Lalo na at iba-iba ang ayos nito kapag umuuwi ito. Though she must admit, magaling ito sa trabaho nito at pinipilahan talaga ito ng mga ikakasal, debutante, magsasagala at mga may birthday.

"Hah! One day will come Jillian at magmamakaawa ka sakin na ayusan ka. Tignan natin kung malai-lait mo pa ang aking dexterity." Iwinagayway pa nito ang kamay. Tumunog ang kanyang cellphone. Tanda na mayroon siyang natanggap na mensahe. At dahil nasa study table nya at nagcha-charge ang kanyang telepono ay pinaabot niya iyon kay Nicole subalit ito na ang nagbukas niyon.

"Ay! From an unregistered number."

"Hoy! Akin na nga yang cellphone ko—"

"Ay-ayan! O! I-meet mo daw sya at 7 PM sa Circle's Event Makati Shangri-La. Erik Peralta."

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sinabi nito. Bumagsak pa sya sa kama sa pagmamadaling bumangon. Inagaw nya rito ang kanyang cellphone.

DOCTORS ORDER:

Meet me tonight at 7pm at Circle's Event Makati Shangri-La.

Don't be late.

The Doctor's Order Book 1: Erik & JillianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon