Chapter 2

331 145 213
                                    

Aoi




"Prend, kumapit ka sa akin, ha? Kahit ‘yung kapit na pang mag-jowa, keri na ‘yon! Alam mo naman, ‘di ba? Nakuwento ko na sa ‘yo na desester ‘tong sasakyan ni Kuya!” salita ni Maureen. 

Siya ang nag-iisang matalik na kaibigan ko rito sa lugar namin. Magda-dalawang taon na kaming magkakilala, pero hindi ito nagbabago. 

Funny pa rin.

Nakilala ko siya sa covered court, na hindi nalalayo sa bahay kung saan kami nakatira. Nagkatabi kami no’n sa isang pila nang magbigay ang barangay namin ng grocery para sa mga residente ng St. Kalikasan dito sa Makati, matapos ang dumaang bagyo na ikinalungkot nang marami. Halos lahat kasi sa lugar na ito ay nilipad ang mga bubong, ang iba naman ay hindi na talaga kinaya kaya nagiba na. Pasalamat na lang kami ni Reen, dahil hindi nabilang ang aming tinitirhan doon. Pero syempre, nakipila na rin kami no’n. Sayang din kasi ang grasya. 

Likas sa kanya ang pagiging madaldal. Masaya siyang kasama at kausap. Halos buong storya yata nang buhay nito ay nakuwento na niya sa akin, dahilan, kaya hindi ako nakaramdam ng pagkabagot kahit na inabot kami ng hapon sa pila no’n. 

Simula noon ay lagi na kaming nagbabatian sa tuwing nagkikita sa daan. In-add niya rin ako sa fb saka siya nag-chat. Buti na lang ay nakilala ko siya agad, kahit na naka-wacky pa ito sa kanyang profile picture.

Nakakatawa talaga siya. Para bang hindi ito nagkakaroon ng problema, kahit na minsan ay napapansin ko mula sa kanyang mga mata ang kalungkutan. 

Alam ko, na mahirap ang maging mahirap. 

“Huy, Prend!” 

Napabalik ako sa kasalukuyan nang kumaway ito sa ‘king harapan.

“Bakit ka natutulala diyan? Na-shockings ka ba sa sinabi kong desester ‘tong e-bike ni Kuya?” salita niya sa akin.

Napaawang ang mga labi ko.

"A-ano bang desester ang pinagsasabi mo?" mahinahon kong tanong.

"Uhm, ‘yung kapag ano . . . ‘pag— basta! Baka kasi mapahamak ka, eh!” Napalunok ako dahil sa kanyang sinabi.

"D-disaster ba?" tanong ko nang ma-gets ang sinabi niya.

Sandali siyang nag-isip saka tumalikod sa akin, sumakay siya sa e-bike bago muling nagsalita.

"Iyon nga, tama! Ang galing mo diyan, Prend. Iba talaga kapag nakatuntong ng calends, ‘no? Anyways, sakay ka na. Baka ma-late tayo!” Nangunot ang noo ko habang paupo sa likod nito. 

Tama ba ako ng dinig?

Tumikhim ako, umayos muna ako ng upo saka nagsalita, "Friend, ano naman ‘yung calends na sinasabi mo?" hikpa kong tanong sa kanya. 

"Ano ka ba, Prend? Hindi mo 'yon alam? Shockings! Nag-aral ka kaya sa calends!" tugon niya habang pinaaandar ang e-bike na sinasakyan namin.

“You mean— college?"

Kahit gets ko siya ay dinadaan ko na lang sa pagtatanong kapag meron itong sinasabi na alam kong mali. ‘Yun lang kasi ang alam kong paraan para maitama siya. Ayoko na ma-offend ang kaibigan ko. 

"Oo— yata? C-college ba ‘yon?” nag-aalangan niyang sagot, "Kaloka naman pala! Bakit parang ang daming mali? Eh, halos magkakatunog lang naman ‘yon!” 

Napangiti na lang ako at napailing sa sinabi nito.

"Siya nga pala, Reen.” Tumikhim ako.

“Yezzy?” sagot niya sa akin.

Sublimation Where stories live. Discover now