Chapter 4

39 9 0
                                    

Chapter 4
Twin

Matapos ng agahan kanina, dumiritso ako sa aking kwarto upang maligo at upang makapunta na rin sa Grocery store para makabili ng mga makakain.

Hinarap ko ang sarili sa salamin habang suot-suot ang damit na binigay sa akin ni Yeofole. Kulay itim ito na blouse na may disenyong rosas sa kaliwang balikat.

Ako lang ata ang nag-mo-move-on na sinusuot o ginagamit ang bagay na binigay ng taong rason kung bakit nag-mo-move-on.

Napabuntong hininga ako at kinuha ang puting sneakers ko. I love wearing this one when I am going out in just a normal day of weekend.

Nang makalabas ako’y naabutan ko si Quein na nakaupo sa sofa. Tutok na tutok siya sa pelikulang kanyang pinanood.

“Umalis na siya…” aniya habang tutok na tutok sa telebisyon.

Alam ko kung sino ang tinutukoy niya kaya napatango na lamang ako. Buti naman at umalis na siya. Baka ipagtabuyan ko pa siyang kung magtatagal pa siya.

“Mag-go-grocery muna ako, Quein.”

Tanging tango lamang ang kanyang sinagot. Napatingin ako sa telebisyon at napailing nang makitang k-drama na naman iyon.

Lumabas na lamang ako sa condo at sinara iyon. Naka-lista na ang kailangan kong bilhin sa notes ng cellphone ko.

Nang makarating sa garahe. Agad kong pinindot ang key fob at agad na pumasok sa loob and drive to the nearest grocery store in town.

Tatlumpong minuto lamang ang byahe ko patungo roon. Agad akong kumuha ng cart at agad na ini-isang tinunton ang kinalalagyan ng mga bibilhin ko.

I was checking the nutrition list of the chips I’m holding when someone grab it from my hand. Kunot-noo kong tinignan ang sumira sa tahimik kong pagtitingin.

Agad na nakasalubong ko ang anak ni Satan, no other than Throne Julius.

“What are you doing here?” tinaasan ko siya ng isang kilay. “Sinusundan mo ba ako?”

He gasped and raised both of his hand making him took off his hand from his cart. Napalunok ako. Hindi niya naman pala ako sinusundan. Bumibili rin pala siya kagaya ko.

“Ang assuming…” bulong niya. “Why would I follow you here?”

Napaismid na lamang ako at naglakad na papalayo sa kanya. Nakakahiya iyon,Georina. How could you assume things that are not worth it to assume?

Mariin akong napapikit nang marinig ang yabag niya sa aking tabi.

“Woah! So what are you doing here, Nerdy?”

“Obvious ba?” sarkastikong ani ko at bahagyang tinuro ang cart na tinutulak ko.

He laughed. “Hindi eh.”

Napairap na lamang ako. Mas binilisan ko ang paglalakad ngunit sunod pa rin siya ng sunod. Hindi talaga ako assuming eh, but his action is telling that my instinct is right, that he’s following me because he wanted to let my day as bad as it could.

Makita nga lang siya’y sira na ang araw ko, paano pa kaya kung asarin niya ako hindi ba? That would be disastrous. Baka hindi ako makapagtimpi at baka makagawa kami ng eksena kagaya kagabi.

“By the way, naka-move-on ka na ba kay Yeofole?”

Hindi ko siya pinansin. Tinignan ko ang nasa listahan, at bahagyang tinulak ang cart patungo sa lugar kung saan naka-display ang mga prutas.

Quein likes apples and oranges.  I should buy her lots of them.

“Sabi ko nga, hindi…” patuloy pa ring pagsasalita ni Throne sa tabi ko.

Wishing You Were A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon