Chapter 23

18 1 0
                                    

Chapter 23
Hiding

Hearing that voice from a familiar person lead me to ran away. Abot-abot ang kaba sa aking dibdib habang hinahanap ang pintuan palabas.

Hindi ako dapat magkamali. Only one person called me by my second name and that is Yeofole. Anong ginagawa niya rito? Is he here with Throne?

Nang mahagip ang pinanggalingan ng munting liwanag na mistulang ilaw sa loob. I hurriedly run towards the door.

Nang makalabas, agad akong huminto at ibinalik ang tingin sa loob habang nakahawak sa aking mga tuhod.

Those guys who kidnapped me holds baseball bats. Baka anong gawin nila kina Yeofole!

Pero ano nga bang meron at bakit may mukhang gangster sa loob? Sa mga pelikula ko lamang iyon nakikita, hindi ko akalaing may ganito pala sa totoong buhay.

“Hays…”

Napatingin ako sa aking likuran ng may narinig na boses galing doon. Napaawang ang aking labi nang makitang ang lalaki itong panay ang alok sa aking mag-lunch kasama siya… Si Juro.

“What are you doing here?” Tanong ko.

Kung narito siya, siguro’y tama nga ang hinala kong si Yeofole ang patagong pinakawalan ako.

Kung gayon, kailangan ko silang puntahan. Nanganganib ang buhay nila sa mga lalaking iyon!

Tatakbo na sana ako papasok ngunit may humila sa akin pabalik, dahilan kung bakit naudlot ang pagtakbo ko patungo sa loob.

“Huwag ka ng pumasok,” aniya. “Baka mas lalo lang lumala ang lahat.”

Napakunot ang aking noo. What is he saying? Bakit naman lalala ang lahat?

“Basta… manatili ka na lang rito kung hindi mas lalo lamang siyang magagalit kung mapapahamak ka pang muli,”

Mas lalong kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Binitawan niya ang pagkakahawak sa aking kamay at binalik ang pagkakasandal sa isang kotseng kulay puti.

“Sinong tinutukoy mo?” ani ko.

Sino ba kasing tinutukoy niyang magagalit kapag papasok akong muli? Dapat nga’y matuwa sila dahil tutulungan ko sila na makalabas din.

Sa halip na sumagot, tinignan lamang niya ako at bahagyang napailing. “Hindi ko alam na ganito ka pala ka slow, Miss…”

Mag-sasalita pa sana ako ngunit naudlot na naman dahil sa sigawang narinig ko sa pinto at ang sunod-sunod na paglabasan ng mga lalaking may dala-dalang baseball bat.

Madali akong hinila ni Juro patungo sa kanyang likod habang nakatingin sa mga lalaking hawak-hawak ang iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Mapapansin din ang mga pasa nila sa mukha. Mas lalo akong naguluhan sa nakikita. Bakit may mga pasa sila? Did they hurt each other? Magkakampi na nga tapos magkakasakitan pa? Ang tanga.

Napa-atras ako ng makita ang paika-ikang leader nila. Masama ang timpla ng mukha nito habang nagdudugo ang kanyang labi.

“Babalikan kita Julius!” sigaw niya. “Babalikan kita!” muling sigaw niya.

He looked at me. Napahawak ako sa braso ni Juro ng wala sa oras. “See you soon, Georina Mary…” huling aniya bago tumakbo kasama ang kanyang mga kasamahan.

“Ang gago lang?” Juro exclaimed and looked at me. “As if namang makakalapit pa siya sa’yo,”

“Nasaan na ang mga ‘yon?!”

Sabay kaming napalingon sa bukana ng tingin ko’y abandonang gusali nang biglang may sumigaw galing roon.

Binitawan ko ang braso ni Juro habang masamang tinitigan ang lalaking pangisi-ngising inilibot ang tingin sa paligid.

Alam kong si Tren ito dahil sa nakakalokong ngiti niya at sa mapayat niyang likod. Nang mapansing wala na ang mga lalaking hinahanap. Agad siyang bumaling sa amin habang ang mga ngiti’y hindi pa rin mawala sa kanyang labi.

“Grabe! Tatlo lang kami tapos sila Labing-isa tapos tumakbo pa? Mga walanghiya!” saad niya. Nahimigan ko ang pagmamayabang sa kanyang boses.

“Let me guess…” Juro put his left hand in his chin. “Throne did it all, right?”

“Grabe ka naman!” ani ni Tren. “May isa kaya akong sinuntok…”

Ano raw sinuntok? My eyes widen from that. Huwag mong sabihin na gangster din ang mga ito?

“Hi Nerdy!” ani ni Tren habang inaakbayan ang nakangising si Juro. “Kamusta? Okay ba ang pagsagip namin sa’yo?”

I rolled my eyes. Sa tingin ko’y siya nga ang nagsira sa buhay ko noong highschool. Grabe ang inis ko kapag naririnig ko ang mga pagyayabang niya.

Hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya, ganoon na lang? Kung umasta parang walang atraso sa akin.

“Hey cousin. Are you okay?”

Naibaling ko ang tingin sa bagong dating. Hindi nga ako nagkakamali. Yeofole is here.

He hurriedly walked towards me. My eyes widen when he hugged me tight. Tingin ko’y luluwa na ang puso ko sa sobrang pintig nito.

“Glad we made it right on time,” he whispered.

Naguguluhan ma’y hinayaan ko na lamang na tumibok ang puso ko. Gusto ko mang lumayo at piksiin ang pagkakayakap niya sa akin ngunit parang may sariling isip ang aking mga kamay na yumakap rin sa kanya.

I would definitely regret this moment once I finally move on, but for now, let me feel the hug of my love whose unfortunately my cousin.

Ilang sandali pa’y bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin. He smiled and caressed my hair.

“You definitely need a bodyguard now, Mary…” he said that made my brows forrowed.

“Huh? Why do I need a bodyguard?”

Sa tingin ko nama’y wala akong kaaway. Maliban sa lalaking tawa-tawang nakikipag-usap kay Juro.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Tatlo silang nasa loob kanina.  Where is Throne?

Hindi kaya napurohan siya? Or worse he died inside? My eyes widen. No! He can’t die!

“Where is he?!” hindi ko mapigilang ibulalas.

Napatingin silang tatlo sa akin. Kumunot ang mga noo nila sa biglaang tanong ko. Natataranta kong tinuro ang abandonadong gusali.

“Is he still inside?! Is he dying?! Bakit hindi kayo nagtatawag ng ambulance?!” sunod-sunod na ani ko.

Nagkatinginan si Juro at Tren ngunit hindi nagtagal ay bumunghalit sila ng tawa. Si Yeofole nama’y pailing-iling na ngumingiti.

“You didn’t like him but you looked like you like him, cousin…”

“Huh?”

Napailing si Yeofole at bahagyang tumabi kung kaya’t nakita ko ang lalaking prente kong maglakad galing sa loob.

Muntik ng umusbong ang aking dugo ng makitang ni-isa’y wala itong galos o di kaya’y pasa na kagaya ng mga lalaking nag-uunahang lumabas kanina.

“What?” he asked when he finally reach us.

Tumigil sa pagtawa si Tren at pinilit ang sariling mag-seryoso kahit na halata namang pinipigil niya lamang ang matawang muli.

“Wala naman,” aniya. “It looks like someone is hiding the feeling…” makahulugang dagdag nito at bahagyang kinindatan ako.

Wishing You Were A StrangerWhere stories live. Discover now