Chapter 33. Catch

9.4K 310 9
                                    


Kumalas na ako sa yakap niya at pumasok na sa loob ng sasakyan. Hinilamos ko ang dalawang palad sa mukha. I wiped my tears dry and fixed myself too. Pumasok na din siya at mariin lang na tinitigan ako.


"Take me home, Conrad. E-uwi mo na ako."


His jaw clenches while his hands are on the steering wheel. He diverted his stare back in front of him.

Sa dami ng nangyari sa araw na ito, ay hindi ko na alam kung alin ang mas papaniwalaan ko. I know myself, and I believe in what he told me. Tama na sa akin iyon at gusto ko ng magpahinga at matulog.

"Conrad... Please take me home."

Hindi na siya nagsalita at pinaandar na ang sasakyan. Tahimik kami buong biyahe hanggang sa makarating kami ng bahay. Lumabas din agad ako sa sasakyan niya na hindi siya nilingon man lang.

I open our gate and did not shut it. Nasa kanya na iyun kung papasok siya sa loob o hindi.

Si Mommy pa ang sumalubong at nagbukas ng pinto. I only kissed her and walk straight upstairs to my bedroom. Pabagsak pa akong nahiga sa kama at pinikit na ang mga mata ko.

My phone beep, and I see a message from Conrad.


Conrad:

Good night, babe. I love you...


I stared at his message and did not even bothered to reply at him. Pakiramdam ko kasi bumagsak ang balikat ko at nanghina ako sa lahat ng nalaman ko.

I don't even know what's the purpose of my plan now. Siguro hihinto na ako at sasabihin sa kanya ang totoo? Or probably the best part is breaking up with him? Ewan ko!


ISANG LINGGO akong pilit na iniwasan siya. I never went to my table. I never even joined Grasya and Gina. Everyday after my classes I go out and have my lunch somewhere and I don't go back anymore to the school. Ginagawa ko ang ibang reports sa labas ng paaralan, at minsan ay sa bridal boutique na ni Stephanie.


Panay ang text message ni Conrad at tawag, pero hindi ko sinasagot ito. He even visited me at home three times at night in a row, but I excused myself of having a bad headache and I cannot face him. Lahat ng mga mensahi niya ay hindi ko binabasa at tinititigan lang. Napuno na nga ang inbox ko sa messages niya, pero hindi ko pa rin pinansin ito.


I just want my space and I need a break for myself. Gusto ko kung harapin ko man ulit siya, ay buo na ako at kaya ko na.

"Ano ba kasing iniiwas iwas mo, Candy? He already told you that it wasn't him. Anong problema?" si Steph.

Bumuntonghininga ako sa panghuling final report na ginawa ko.

"I don't know, Steph. Hindi ko pa siya maharap ng maayos, saka na 'pag okay na ang pakiramdam ko."

"Saka na 'pag okay na ang pakiramdam mo? At kailan naman iyon? Sa susunod na buwan? In two months? Three?" Pamaywang niya.

"Come on, Candy, kilala kita! I know you are trying to push him away from you. Ganyan ka naman talaga kahit noon pa," irap niya.

"I just want my me time, Steph. Haharapin ko rin siya."

"Kailan nga?"

"Ewan ko... Basta!"

"Ayusin mo nga ang buhay pag-ibig mo, Candy. Ang gulo! Huwag kang tumulad kay Miguel. Sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa. Magkapatid nga naman kayo ano?"

Nahinto ako nang maalala si Kuya Miguel at si Yvette. Kaya napatingin ulit ako kay Steph ngayon na abala na sa ginagawa niya.

"Steph?"

"Hmm?"

"About Kuya Miguel and Yvette? May alam ka ba?"

Tumayo siya at kinuha ang damit na nakasabit sa gilid bago humarap sa akin.

"I don't know what's the story behind them. Pero karma na 'ata siya ng kuya mo. Mabuti nga sa kanya!" Irap niya at naupong pabalik sa mesa niya.

I stared at her properly. I find it weird that she never ever like kuya at all? Imposible naman na hindi siya nagka-interest sa kuya ko.

"Don't you like Kuya Miguel, Steph? Wala ka bang naramdaman na spark sa kanya?"

Ngumiti na siya at napailing na.

"I do like him as my dear brother. Iyon lang iyon at ganito na kami. May mga bagay na hindi pwede at alam namin iyon, Candy..."

"Kahit ba minsan hindi ka nagkagusto kay kuya?"

"Well, there was a time... But that's all. We value our friendship more. Mas kampante kami sa ganito."

"And why are we talking about myself, Candy? Ayusin mo kung ano man ang nangyari sa inyo ni Conrad. I've heard he's going back tonight to Manila for an emergency and then back to Japan."

Nahinto ako sa ginagawa at nag-angat nang tingin sa kanya. Parang huminto ang tibok ng puso ko ng marinig ito.

He's leaving tonight? And to Japan too? Dang it! Kaya agad ko na kinuha ang cellphone sa bag at binasa ang lahat ng mensahi niya na hindi ko nabasa ng isang linggo.

Good god, grief! Heck! I can't even wait to go on the details while reading it. Kaya imbes na basahin lahat ay tinawagan ko na siya. Panay pa ang tingin ko sa oras. Alas tres pa naman ng hapon at hindi pa siguro nakaalis iyon patungong Manila.


Ilang beses pang tumunog ang cellphone niya pero hindi niya sinagot ito. Kaya nag panic na ako, at isa-isang inayos nang mabilisan ang mga gamit ko sa mesa ni Steph.

"Oh, are you leaving already? Ang aga pa?"

"He's not answering me, Steph. Anong oras ba ang last flight niya pa Manila?" Taranta kong tanong sa kanya.

"Around seven tonight? I think. Bakit?"

Nataranta na ako. Kung pupunta ako ngayon sa condo niya ay tiyak maabutan ko pa siya. Pero kailangan kong e-submit ang reports mamaya, dahil kailan na ito ng paaralan. Pabalik-balik pa ang tingin ko kay Steph at nalilito na ako sa sarili ko. Dang it!

"Steph, do me favor please," sabay bigay ko sa kanya sa mga reports na nagawa ko, at nalito na tuloy siyang tinangap ito.

"What's this?"

"Take this all to Grasya at the school. Final reports ko iyan. E, kailan 'yan ma submit ngayon e, Sabado bukas. Please..." Halos nagmakaawa na akong nakatitig sa kanya, at ngumiti na siya.

"Go and catch your prince! Ako na ang bahala nito," kindat niya.

"Salamat, Steph! I love you!"

.

C.M. LOUDEN

When A Billionaire Meet His Candyrella (MBBC#3)  Where stories live. Discover now