Larawang Kupas

3 1 0
                                    

[errors ahead]

"Lolo sino po ito?bakit po kahawig ko yung babae?"

Tanong sakin ng apo ko hawak ang kupas litrato ng isang lalaki at babae.

"Ayan ba apo? nais mo bang marinig ang kwento tungkol sa litrato na iyan?"

Tumango naman ito at agad na tumabi sakin.

"Siya si Luis at ito naman ay si Esmeralda sila'y wagas na nagiibigan ngunit tutol ang mga magulang ni Esme dahil isang hamak na mahirap lamang si Luis. Ngunit walang nakapigil sa pagmamahalan nila apo. Sumuway si Esme sa kagustuhan ng kaniyang mga magulang, patagong nakikipagtagpo ito sa kaniyang iniibig kahit na naipagkasundo na itong ipakasal sa anak ng Gobernador...."

Huminto ako sandali upang sariwain ang mga ala alang ito.

"tapos po?"

"Naguusap lamang sila sa pamamagaitan ng palitan ng liham, liham na punong puno ng pagmamahalan at ang naging tulay ang matalik na kaibigan ni Luis, ngunit isang araw palihim silang nagtagpo gaya ng nakagawian tumakas muli si Esme ngunit sa pagkakataong ito iyon na ang huling pakikipagkita niya sa pinakamamahal niyang si Luis...sinundan si Esme ng kanyang ama at mga tauhan nito dinakip si Luis at ikinulong, doon siya ay pinahirapan"
Pagtuloy ko ko sa aking kuwento

Muling bumalik ang mga ala ala na pilit kong kinakalimutan.

"Palihim siyang dinadalaw ni Esme nakakalusot ito kahit may bantay, nais ipapatay ng Ama ni Esme si Luis ngunit bago iyon apo nangako si Luis na kapag muli siyang isisilang sa hinaharap hahanapin ang pinakamamahal niya mula sa nakaraan at ganun din ang ipinangako ni Esme....." dagdag ko pa

Unti unting namuo ang mga luha sa mga mata ko ngunit pinigilan ko ang pagpatak nito.

"Dumating ang araw ng kaniyang nakatakdang pagbitay... Puno ng hinagpis at sakit ang namumutawi sa puso ni Esme... Binaril ito sa ulo dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay, labis ang lungkot ni Esme ng mga panahong iyon, di lubos akalaing kikitilin nito ang sarili niyang buhay at may iniwang sulat nakalagay ang mga katagang 'susundan kita sabay tayong muling isisilang at hahanapin ang isat isa sa hinaharap at ipagpapatuloy ang ating pagiibigan na wala ng hadlang'..."

Huminga ako ng malalim at siya namang pagtatangong ng apo ko.

"Lo pano niyo po nalaman ang story nato?"

Ito ang tanong na matagal kong itinago ang kasagutan ngunit kailangan kong harapin.

"Natatandaan moba ang kaibigan niyang naging daan sa kanilang palitan ng liham at bakit siya nakalusot sa bantay... Apo ako ang kaibigan at bantay na iyon pero ako rin ang naging dahilan kung bakit nawala si Luis ako ang naatasang kumitil ng buhay nito dahil nalaman ng Ama ni Esme na ako ang naging tulay at kapag hindi ko ginawa iyon ang mga magulang ko ang papatayin niya wala akong magawa ng mga oras nayun kaya't labis labis ang paghingi ko ng tawad at ang litratong ito hawak hawak niya ito nang patayin ko siya"

Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Patawad kaibigan, ngunit tila ba pinaglalaruan ako ng tadhana.

"Esme anak andito na sila Luis kasama ang pamilya niya upang mamamanhikan"

Sigaw ng kaniyang ina, agad naman niya akong inalalayan at hawak hawak niya parin ang litrato. Sa paglabas ay napatingin ito sa hawak niyang litrato at kay Luis.

"Lo? K-kamukha po ni Luis ang L-Luis na nasa litrato!"

Oo't kamukha nga nilang dalawa ang lalaki at babae sa litrato.

"Apo ito na ang ikalawang pagkakataong magiging tulay muli ako ng pagmamahalan nila Esme't Luis at sa pangalang pagkakataon na ito ay wala ng magiging hadlang sa pagiibigan niyo, nahanap niyo na ang isa't isa"

Naguguluhan ito ngunit nakuha parin nitong ngumiti. Nilapitan nito si Luis at mahigpit na niyakap ang isa't isa. Walang kupas ganon na ganon parin sila. Lumapit sakin si Luis upang magmano.

"Maraming salamat sa ikalawang pagkakataong naging tulay kang muli wag kang mag alala kaibigan napatawad na kita"

Sambit nito at ngumiti hindi ako nagdalawang isip na yakapin muli ang matalik kong kaibigan at iniabot saknya ang isang larawang kupas mula sa kanilang nakaraan.

05/13/20
-Stheurmes

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot CompilationWhere stories live. Discover now