Bed of Roses

12 7 0
                                    

[errors ahead]

~Well, this hotel bar's hangover whiskey's gone dry.
The barkeeper's wig's crooked and she's giving me the eye.~

I saw him from afar sitting under the tree,agad akong lumapit sakaniya...

"Hi! Can I sit beside you? Btw I'm Azalea"

Pagtatanong ko

"Sure,I'm Peter Sky"

Umupo na ako sa tabi niya at isinandal ang likod ko sa puno. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Ipinikit kona lamang ang mga mata ko at dinama ang hanging dumadampi sa aking balat.

"Bakit ka nga pala nandito?"

Pag basag niya sa katahimikan...

"Hindi ko alam basta't dinala nalang ako ng mga paa ko dito, ninais kong magpahinga dahil sa hindi malamang dahilan ang katawan ko'y pagod na"

Saad ko...

"Ganyan rin ang nararamdaman ko noon hanggang sa isang araw nagising na lamang ako at nahanap ang kapayapaan, dito mismo sa lugar na ito"

Bakas ang kasiyahan sa mukha niya na sana ako rin.  Sana ay mahanap korin iyon.

~Well, I might have said yeah
But I laughed so hard I think I died~

Sa pagdaan ng mga araw, palagi kaming nagkikita sa ilalim ng punong iyon, kung saan kami unang nagkakilala. Pinaramdam niya sakin ang saya at pagmamahal na hindi ko hiningi ngunit kusa niyang ibinigay. Mas napalapit ang loob ko sakniya, gumawa kami ng maraming ala-ala. Masasayang ala-ala na hindi ko akalain matatagpuan ko dito sa lugar na ito kasama siya.

~Now as you close your eyes
Know I'll be thinking about you.~

"Mahal sana pagdumating yung araw na kailangan mo ng lumisan sana'y hindi mo ako makalimutan"

Nakahiga siya aking mga hita hawak hawak ng mahigpit ang aking kamay. Hawak na tila ayaw ng bumitaw pa.

~While my mistress—she calls me
To stand in her spotlight again.~

"Ano kaba ano bang pinagsasabi mo?! Hinding hindi kita iiwan,hinding hindi ako aalis sa tabi mo"

'Yan lamang ang naging sagot ko, dahil sa totoo niyan may pangamba sa puso ko.

~Tonight I won't be alone,
But you know that don't mean I'm not lonely.~

"Tumawag ka ng doktor gumagalaw na siya! bilisan mo!"

Nagpalinga linga naman ako upang hanapin ang tinig na iyon ngunit wala akong ibang nakikita kundi kami lang.

"May problema ba?"

Tanong ni Peter

"May naririnig lang akong boses na tumawag daw ng doktor dahil gumalaw na daw siya"

Ang mukha niya'y napalitan ng lungkot, lungkot ng pangungulila.

"Mahal ito na yata ang araw na sinasabi ko. Patawad dahil hanggang dito nalang tayo, patawad dahil hindi kita pwedeng makasama hanggang sa panibagong buhay mo."

Pamamaalam niya na nagbigay ng kalituhan sa utak ko.

~I wanna lay you down in a bed of roses,~

"Ano bang pinagsasabi mo diba't sabi ko hindi ako aalis hindi kita iiwan"

"Kailangan kapa nila sa mundo isang taon rin silang naghihintay sa pagbabalik mo kaya't sana'y huwag mo silang biguin, bumalik kana sa kanila."

~For tonight I'll sleep on a bed of nails.~

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya saan ako babalik? kanino? Gayong ang alam ko siya lang ang tanging mayroon ako.

"Alam kong mahirap pero kailangan  hindi tayo maaaring magsama kailangan mo ng umalis."

Nakangiti siya ngunit hindi maitatago ang lungkot sa mga mata..

"Edi sumama ka sakin doon mas masaya bubuo pa tayo ng mas maraming ala-ala"

~Oh, I wanna be just as close as the Holy Ghost is,~

"Mahal na mahal kita huwag kang mag alala palagi kitang babantayan malay mo sa susunod na habang buhay magkita tayong muli sa susunod na habang buhay bubuo muli tayo ng mga ala-ala, Sa susunod na habang buhay mahal."

"Mahal na mahal rin kita Peter"

Hanggang sa tuluyan nanga akong inagaw ng liwanag sakaniya pabalik sa aking katawan.

Pagdilat ko ng aking mata naguunahan na ang mga luha pumatak sa pagnanais na kumawala, kumawala sa sakit ng mga ala-ala mula sa himbing ng aking pagpapahinga.

~And lay you down~

Limang buwan na ang nakalipas simula ng makarecover ako sa coma sinubukan kong hanapin kung may social media account bang nageexist si Peter. Hindi naman ako binigo nakita ko ito ngunit ang huling mga laman ay tungkol na sa pamamaalam, mga nakikiramay. Isang taon na pala ang nakalipas ng mawala ka halos kasabay lang nang macoma ako. Agad akong nagtungo kung saan siya nakahimlay at hinanap ang tanging puntod ng pinakamamahal ko sa saglit na ala-ala.

"Mahal andaya mo naman e nauna ka kaagad sakin sayang nahuli ako ng dating. Hinanap kita at heto ako sa harapan mo. Salamat sa maikling panahon na nakapiling kita, salamat sa mga binuo nating ala-ala na magpahanggang ngayon saki'y nanariwa pa. Ramdam kopa ang higpit ng mga hawak mo na nagsasabing huwag na akong umalis sa tabi mo ngunit kailangan. Akala ko sa totoong buhay lang pwede masaktan kahit pala sa aking himbing na pagkatulog ay pwede rin pala."

~I wanna lay you down in a bed of roses,~

"Bantayan moko ha gaya ng pangako mo. Sa susunod na habang buhay Peter babaunin ko ang ating mga ala-ala , sa susunod na habang buhay gagawa tayo ng mas maraming pa ....hintayin moko sa susunod na habang buhay"

~For tonight I'll sleep on a bed of nails.

Oh, I wanna be just as close as the Holy Ghost is,

And lay you down on a bed of roses.~


-Stheurmes-

Author's Note:

Thank you so much for reading and don't forget to vote. All your time wasted in reading my story is so much appreciated. Stay safe and God bless. Ily.




One Shot CompilationWhere stories live. Discover now