Sweet Dreams

38 7 5
                                    


[errors ahead]

Nagkayayaan ang tropa na magmovie marathon sa bahay at mag overnight narin kasama ko si Katheryn my gf. Hinanda na namin ang snacks pati yung movie naka ready na hinihintay nalang namin sila.

*toktok* it's already 6pm baka sila nayun pinagbuksan ko naman sila ng pinto.

"Uy Astrid pinapasabi ni kath hindi raw sya makakapunta kas--" naputol ang sasabihin ni Nina at gulat syang napatingin kay Kath na nakatayo sa tabi ko.

"akala ko hindi ka makakapunta panong nangyari e kakadaan lang namin sainyo kanina?!" naguguluhang tanong ni Kristell

Mababakas mo sa mukha nila ang gulat at pagtataka.

"Ang mahalaga nandito na ako tara na minsan lang to" nakangiting saad ni Kath

Pumasok na lamang sila at umupo sa kaniya kaniyang komportableng pwesto.
Bale si Nina,Kristell,Zein, JM at ang magkatabi ang magjowang Axel at Shanina, Aerin at Kevin naman ang magkakatabi tapos kami ni kat.
Inumpisahan narin ang movie, horror ang napili namin kanya kanyang tili na nilalamon na ng takot ang iba.

"ayan sa likod mo gago!!!" sigaw ni Shanina akala mo sya yung papatayin

Napapayakap naman sa takot si Kath sa akin, it made her more cute.

~

Mabilis na natapos ang oras natapos namin ang palabas napagpasyahan namin magkwentuhan.

"Akala talaga namin Kath hindi ka makakapunta" panimula ni Axel

"oonga e kasi halos kasasabi molang e nauna ka pa pala samin" dagdag pa ni Nina

Nabaling naman ang tingin ko kay Kath na nakayakap sa akin

"akala niyo lang yun hahahaha" saad nya habang kakaibang tumatawa

It's already 11pm habang nagkekwentuhan nakatulog na si Kath habang nakayakap sakin, bigla namang nagring ang phone ko nabaling lahat ang tingin nila sakin *Love is calling...* nakita naman nila ang gulat na ekspresyon ko

"oh bat parang gulat na gulat ka nyare sayo?" tanong ni Kristell

"sino ba yang tumawag?" tanong ulit ni kevin

Pinakita ko naman sa kanila ang cp ko patuloy paring nagriring napatingin naman ako kay Kay na mahimbing na natutulog

"sagutin mo i loud speaker mo" utos ni JM

Ginawa ko naman

"Hello?sino to?" pagtatanong ko

"Anong sino ako to love ano kaba!" sagot ng babae sa kabilang linya na kaboses ni Kath

"teka papaanong ikaw ang gf ko e kasama ko gf ko pwede ba wag mo akong pinagloloko!!" galit na sabi ko

Lahat naman sila gulat at tila naguguluhan naghihintay ng mga susunod na mangyayari.

"Love naman e hindi lang ako nakapunta ganyan kana sorry kasi sinama ako ni Dad sa work ang daming ginawa so ngayon lang ako nakatawag i'm sorry for that" patuloy na paghingi ng sorry ng babae sa kabilang linya

"tol yan dapat ang sasabihin namin wala si Kath kasi sinama sya ng papa nya" mahinang saad ni Axel

"pero paanong ikaw ang gf ko e katabi konga gf kong mahimbing na natutulog!" sagot ko ulit

"maniwala ka pls ako nga ito kung sino man yang katabi mo sigurado akong hindi ako yan swear to God love please maniwala ka" pagsusumamo nya

Naguunahan na sa pagkabog ang dibdib ko, nakatitig ang tropa ko sa bawat galaw ko dahan dahan naman akong tumingin sa babaeng nakayap sakin hating gabi narin malamig ang simoy ng hangin nababakas na sa mukha nila ang kaba at pagtataka.

"love love g-gising n-na lipat na t-tayo sa k-kwarto" utal utal kong pagsasalita habang tinatapik ang babaeng nakayakap sakin dahan dahan naman itong nag-angat ng mukha tumingin sakin suot suot ang ngiting nakakakilabot. Napalunok nalang ako sa takot nang biglang nagiba ang anyo nito at napalitan ng nakakatakot na itsura

"Tangina!!!" naitulak ko naman sya at nabitawan ko ang phone ko sa takot napa atras ako ganun din ang mga barkada ko.

"HIHIHIHIHI!" hagikhik ng babaeng kanina lang ay nakayakap sakin

"Love anong nangyayari dyan ayos lang ba kayo?!!!" boses ng babae sa telepono na sigurado akong siya na ang gf ko

"hindi kaba masaya love?" nakangising na tanong ng babaeng hindi ko parin kilala dahan dahan syang lumapit sakin at ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa napasandal ako sa pader at halos lahat kami hindi makagalaw.

Agad namang sumugod ang babae na kanina lamang ay nakayakap sa akin at mariin akong napapikit....

"FUCK!!!" pagmumura ko at biglang bumangon pinagpapawisan ako ng malamig panaginip lang pala tiningnan ko ang orasan it's already 3am humiga na ulit ako at humarap sa kanan ko at nakapikit na yumakap kay Kat lh ngunit may kung anong nagtulak sakin para idilat ang mata ko at sa pagdilat ko ang babaeng nakakatakot sa panaginip ko ang yakap yakap ko na nakangiti.

"sweet dreams Astrid"

-Stheurmes-

March 30, 2020

One Shot CompilationWhere stories live. Discover now