Huling Kabanata

1.6K 97 14
                                    

Nagtutumbahan ang bawat puno sa pagdaan ng nagbabanggaan na kung ano saka makikita sa ere ang pagbabanggaan muli niyun. Bawat sanga ay nababali sa pagdaan ng dalawang nagbubungguan sa ere kapag bumababa ang mga ito sa kalupaan.

May gumapang na ngisi sa mga labi ni Hessah ng masukol niya ang katunggali niya.

"Shit!!!"marahas na bulalas nito.

Agad na sinakop niya ang nakaawang na mga labi nito at bago pa ito makatugon agad na tinapos niya ang halik na kinamura muli nito.

"Huwag mo ako bitinin!"anito na kinatawa niya sabay iling.

Isang iglap nakakulong na siya sa mga bisig nito.

"Yare ka sakin mamaya,mahal kong asawa,"saad nito.

Tiningala niya si Gabrielle na ngayon ay asawa na niya. Matiin na tinitigan ang gwapo nitong mukha na mas namukadkad pa mula ng mabuhay ito muli. Akala niya tuluyan na siya nitong iniwan. Akala niya hindi nito tutuparan ang pangako nito na pakakasalan siya nito. Siya na ang pinakamasayang nilalang sa buong mundo na makilala si Gabrielle. Hindi niya iniisip na darating ang oras na magmamahal siya at may magmamahal sa kanya at tatanggapin ng buong puso.

Habam-buhay pa niya ito makakasama dahil mismo ang tadhana na ang gumawa ng paraan upang makasama niya si Gabrielle. Sobrang nagpapasalamat din siya sa Taas na binigay nito sa kanya ang lalaki.

"Gwapong-gwapo ka talaga sakin,Misis.."nakangisi nitong pukaw sa kanya.

Natawa siya sa sinabi nito. "Yeah,mas gumwapo ka kasi ngayon,hay..kaya makikipagsabunutan talaga ako sa babae kapag may umakit sayo,"aniya na kinangisi nito.

"So possessive..ganun din ako. Makakasapak ako kapag may lalaking tumitig man lang sayo,"mariin nitong sabi na kinatirik niya ng mga mata.

Kahit kailan hindi niya matutumbasan ang pagiging possessive nito. Napapailing na niyakap niya ng mahigpit ang asawa.

Nasa harap sila ngayon ng Talon.

"Dito ko nakausap si Lola Veronica at sinabi niya sakin na hindi pa oras na manatili ako rito,"saad ng asawa pagkaraan ng isang sandali.

Bigla siya binalot ng lungkot ng maalala ang dating kaibigan.

"Sabi niya din na bumalik ako sayo,"dagdag nito.

"Salamat dahil...tinanggap mo ako at kung ano ka ngayon,"madamdamin niyang sabi.

"Tanggap na tanggap ko kung ano ako ngayon dahil makakasama kita habam-buhay at syempre...masasabayan na kita lalo na sa kama,"pilya nitong sabi na kinatawa niya.

Puno ng pagmamahal na nginitian niya ang asawa na mataman na nakatitig sa kanya.

"Hindi ako magsasawa na pasalamatan ang iyong Lola dahil sa kanya dahil kung hindi kami nagkakilala malamang hindi ako magkakaroon ng isang taong na tinanggap kung ano ako at syempre hindi kita makikilala,"aniya.

Ngumiti ang lalaki. "Gusto niya maging masaya ka hindi dahil utang niya ang buhay niya sayo..mahal na mahal kita,Hessah.."madamdamin nitong sabi.

"Mahal na mahal na mahal din kita,Gabrielle.."puno ng pagmamahal niyang tugon sa asawa at nagtagpo ang kanila mga labi.

Tunay nga na makapangyarihan ang pag-ibig. Tatanggapin ka nito kahit ano at sino ka pa man at kung ano ang estado mo sa buhay. Ang pag-ibig ang magbubuklod sa inyo.

Gaya ng pagmamahal nila ni Gabrielle. Ang walang hanggan na pag-ibig na binigay ng tadhana at ng nasa Itaas.

                            Wakas

Mataman na pinagmasdan ni Amjad ang katawang ni Rowena. Kung siya lamang ang masusunod tatapusin na niya ang buhay nito pero hindi siya hinayaan ni Hessah na gawin iyun. Hindi niya maintindihan ang kaibigan. Ito ang dahilan kung bakit nagkagulo pero gusto pa nito mabuhay ang babaeng ito.

May pulso pa ito kahit na ang bawat ugat nito sa katawan ay unti-unti ng nangingitim dahil sa hindi pa niya matukoy kung anong lason ang kumakalat sa katawan nito. Pinag-aaralan pa niya ang lumalason rito bago siya makagawa ng potion na lulunas sa lason.

Marahas siya napabuga ng hangin. Sakali man gumaling ito siya na mismo ang papatay dito sakali guluhin nito ang masayang pagmamahalan ng kaibigan na si Hessah at Gabrielle.

Akalain mo nga naman nakatagpo ng pag-ibig ang kaibigan.

Bago pa man siya makaramdam ng inggit agad na iwinaksi niya iyun. Wala sa isip niya na magkaroon ng sakit ng ulo. Ayaw niya magambala sa pag-aaral niya pagdating sa medisina at sa paglalakbay na rin.

Pero...patawarin mo na ang sarili mo..

Ipinilig niya ang ulo at muli isinara ang takip na gawa sa makapal na salamin kung saan naroroon nakahimlay ang katawan ng babae sa loob ng salamin iyun.

Inilock niya ang pribadong laboratory na wala sinuman na pinapayagan na pumasok.

Hinubad niya ang suot na kulay pulang laboratory's robe at sinabit sa sabitan iyun bago siya tuluyan lumabas sa silid na iyun.

May magandang lugar siya na pupuntahan. Kapag nagsawa na siya saka siya babalik upang magtrabaho muli. Hindi siya magsasawa na libutin ang buong mundo hanggan sa makalimutan niya ang mapait na nakaraan niya.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Magandang umaga,hapon at gabi mga Kaseries!

Nakatapos na naman si Inday Angge,finally😅🥰

Maraming-marami salamat sa inyo lahat sa pag-abang at pagbabasa.

Hanggang dito na lamang po ang kabanata ni Hessah  at Gabrielle 😍😍😍

Sana nagustuhan niyo!

Happy new year satin lahat!

Susunod na po ang Book 2.

Salamat muli ng sobrang marami.

Ahm,isingit ko na rin po hehe.

May gusto po ba sa inyo umorder ng books ko The Beautiful wolf series 1 po Amelia Stonex po..reservation po niya is till the end of february..kindly do search Howling Wolf Publishing ..kung may gusto po umorder.

Salamat po ulit sa inyo lahat.

Sana hindi kayo magsawa na mag-abang ng aking mga akda at sa mga darating pa na akda ko!

Lovelots!

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now