Simula

1.9K 88 2
                                    

Pilit na pinatatatag ng isang babaeng nagdadalang-tao ang loob habang mabilis na naghahanap ng makukublihan. Sa gitna ng malalim na gabi ay tinatahak niya ang kadiliman ng lugar na wala makakatulong sa kanya kung sino o ano man ang humahabol sa kanya. Naririnig niya ang nakakakilabot na halinghing. Pinigilan nito ang mapaluha. Pinalayas ito ng biyenan ng dis oras ng gabi dahil sa pagsagot nito rito,wala na ang asawa niya kung kaya kahit mapanganib hinayaan ng babae na makaalis na sa poder ng biyenan.

Napangiwi ang babae ng kumirot ang kanyang tiyan. Kabuwanan na niya at nangangamba siya na baka bigla siya manganak ng mga oras na tila hinahabol siya ni kamatayan.

Humilab ang tyan niya at napaluhod na lamang siya sa likod ng malaking puno.

"H-hindi,Diyos ko tulungan Mo ako,ang anak ko," lumuluha na niyang dasal habang hinihimas ang tyan.

Nanlamig ang babae ng maramdaman na tila may bumagsak na mabigat sa likuran niya at ganun na lamang ang takot at hilakbot niya ng makita ang nasa harapan niya.

Isang nilalang na may dalawang matulis na pangil at namumula ang mga mata nito.

Umangil ito at handa na ito dambahin siya ng bigla na lamang unti-unti ito naging abo sa ilalim ng liwanag ng buwan.
Bago tuluyan mawala ang halimaw nanlaban pa ito at kitang-kita niya na may mga pangil din ang babae ngunit ang mga mata ito ay hindi pula.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now