kabanata 25

879 32 4
                                    

"nay, amoy sunog po." Natauhan ako ng marinig ko ang boses ni Hyohan. Nawala ako sa huwisyo kaya sa pagkabigla ko nakalimutan kong mainit pala ang takip ng kaldero. Agad akong nagtungo sa lababo at nagsandok ng tubig sa dram para bubuksan ang kamay ko na napaso.

"Ate, ayos ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni Camille.

"Ayos lang ako."pinilit kong tatagan ang boses ko. Ayaw ko kasing mahalata nila sa boses ko na di ako okey.

"Ako na po ang magluluto ate. Baka pagod na po kayo kaya po kayo natataranta." Magalang na alok nito sa akin.

Mabuti na nga siguro yun. Dahil parang gusto ko ng umupo at magpahinga.

"Ayos lang ba sayo?" Nag-aalinlangan kong tanong.

"Opo ate. Pahinga na po muna kayo. Baka napapagod na din si baby." Matamis na ngiti ang sinukli ko dito. Mabuti nalang talaga nandito si Camille.

Naglakad na ako diretso sa kwarto. Parang gusto ko na kasing magpahinga. Wala talaga akong ibang naiisip ngayon. Dahil ang mga nangyari kanina ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Si Matt at Avory.

Bakit ba kasi iniisip ko pa siya? Wala lang naman siya sa akin. Tukoy ko kay Matt.

Pahiga na ako ng sumulpot si Hyohan sa harap ko. "Nay, okey ka lang po ba?" Lumapit pa ito sa akin at yumakap.

"Bakit baby? Mukha bang di okay si nanay?" Pabiro kong tanong.

Lumungkot ang mukha ni Hyohan. Nakatingala ito sa akin habang nakayakap.

"Nay, ok lang pong wala akong tatay. Basta kasama po kita." Napakunot ang noo ko sa tinuran nito.

"Bakit? Ayaw mo na ba ng tatay?" Naguguluhan kong tanong. Dati kasi umiiyak pa ito para makita lang ang ama. Kaya nga ng malaman nitong si Matteo ang ama nito sobrang saya nito. Kaya hindi maalis ang kunot sa noo ko sa tinuran nito ngayon.

"Gusto po." Malungkot pa din ito.

"Ehh, bakit sabi mo okay lang na wala kang tatay?" Kinabahan na ako ngayon. Parang alam ko na kung bakit Ito nasabi ni Hyohan.

Nakita nya kaya si Matt at Avory sa labas? Nakita nya kaya ang mga nangyari kanina? Sana hindi.

Mas hinapit ko si Hyohan at inalo ang likod. Hindi ko pa man na kukumpirma ang tinutuloy nito ay parang ramdam ko na ang sakit. Hindi ko na napigilan ang pagsagi ng kirot sa puso ko. Nangilid ang luha sa aking mata hanggang sa tumuloy ito sa pagtulo.

"N-nay, mahal po ba ako.... tayo ni tatay?" Sa mga oras na ito ang hinala ko kanina ay nasagot. Naramdaman ko nalang ang basa sa suot kong damit banda sa mukha ni Hyohan na nakayakap sa akin.

"N-nay, Mahal po ba tayo ni tatay?" Pag-uulit nito sa tanong. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Hyohan ngayon.

Ang hirap sagutin ng tanong nito. Hindi ko alam kung anong isasagot. Noon pa man nangarap na si Hyohan ng buong pamilya. Pamilyang Hindi ko kayang ibigay.

Pero isa lang ang alam ko. Mahal siya ni Matt. Mahal ni Matteo ang anak namin. Dahil ramdam ko yun noon sa bawat araw na dumadalaw Ito sa bahay. Noong panahong nakikipaglaro Ito kay Hyohan.

"Oo baby. Mahal ka ni tatay. Palagi mong tatandaan na mahal ka ni tatay." Ayokong magalit si Hyohan sa sarili nitong ama. Ayokong kamuhian nya ito. Alam ko namang Mahal ni Matt si Hyohan. Pero hindi ko masagot ang tanong ni Hyohan na kung mahal ba kami ni Matt. Dahil hindi ko alam kung mahal ako ni Matt. Hindi ako umaasang mahalin niya ako.

Umalis si Hyohan sa pagkakayakap at matamis na ngumiti sa akin kahit hilam ng luha ang mga mata.
.....

Kinabukasan mga halik sa mukha ko ang nagpagising sa akin. "Gooooood morniiiiiing nanay." Masiglang bungad sa kanya ni Hyohan.

Love Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now