BRING BACK THE TIMES

103 8 14
                                    

Ninth Entry 💚

--------------------------------------

Masayang ikaw, masayang ako saan nga ba mapupunta ang lahat?

Minsan natanong ko din sa isip ko ng makilala ko si Angel, para bang ayaw ko na siyang pakawalan ayaw ko ng mawala pa ang isang taong dahilan kung bakit naabot ko lahat ng meron ako.

Meron ako, at lahat ng akin ay kaniya kasi ang lahat ng ito ay binuo at plinano ko para sa aming dalawa.

Hindi ko nga lubos maisip kung paano nangyari basta ang alam ko nangarap lang kaming dalawa, nangarap ng nangarap hanggang sa pareho naming nakuha ang lahat, naging abogada siya at naging doctor ako.

Ayaw maalis sa isip ko ang mga pinag daanan naming hirap paminsan minsan naiiyak nalang ako habang nakatitig sa kaniya.... Madalas pa ay nabubulong ko sa hangin na "ang swerte ko"

Having her, siguro yun ang pinaka magandang regalo ng panginoon sa akin yung siya.

Madalas masasabi nating swerte tayo kasi binibigyan tayo ng panginoon nang pag asa sa buhay na makamit ang hiling natin, to be a doctor, a nurse, a lawyer to have a great job mag karoon ng mga bagay na gusto natin pero ako...

Sobrang laking biyaya na ng makasama ko siya.

Angel lang malakas haha!

Ngunit, hindi pala lahat pang habambuhay hindi lahat nag tatagal.

Minsan madaya pala kasi yung akala natin na habambuhay nagiging ilang taon lang.

Ilang taon ka lang makakasama, akala ko noon infinity yun pala temporary.

"Erik, kanina ka pa hinahanap ng Tita Regina mo"

Nalingon nalang ako ng mag salita sa likod ko si Manang

Hindi ko na namalayan ang pag lubog ng araw kakaisip sayo Hon.

"Opo Manang masunod na po ako"
Aniko bago nagbalik muli ng tingin sa labas ng bintana

Mukhang maganda ang panahon, gusto ko kasi mag drive mag pahangin sa labas dahil para hindi naman uulan.

"namimiss mo siya ano, nakatitig ka na naman kasi sa labas ng bintana"

Nagulat pa ako ng marinig muli ang boses ni Mananga and this time nasa tabi ko na siya akala ko kasi iniwan na niya ulit ako.

Natango naman ako at binigyan siya ng pilit na ngiti

Ngiti na may bakas ng pait

Ayoko naman kasing maging sinungaling sa simpleng tanong nayun.

Sa totoo lang simula ng mawala siya sa akin para bang wala ng araw na hindi siya sumagi sa isip ko.

Araw araw na ginawa ng Diyos lagi kitang iniisip Hon, kung okay ka lang ba?

Mahal mo pa kaya ako?

Kailangan kaya kita ulit makikita?

May mahal ka na bang iba?

Miss na kita Hon!

Tatlong taon na walang ikaw pero sa tatlong taon na yun walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo.

Sa tatlong taon na yun ikaw lang hinahanap ko.

"kung mahal mo bakit hindi mo siya pinag laban"
She asked

Napalunok nalang ako ng mag kakasunod sa tanong ni Manang

Hindi nga ba?

Parang sa pag kakaalala ko lahat ginawa ko para makasama ko siya pero.... Siya ang umayaw dahil lang sa isang pag kakamali.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jan 09, 2021 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

YOUR TITLE,MY ISTORIWo Geschichten leben. Entdecke jetzt