ANG PAG IBIG KONG ITO

205 16 13
                                    

First entry 💚


KAMUSTA NAMAN KAYA ANG BUHAY NA MERON AKO?

BEING WITH THE PERSON YOU LOVE IS WHAT EVERYONE DREAMED OF

BUT BEING THE PERSON YOU LOVE AND NOT ABLE TO BE HAPPY IS MISERABLE.

Yes,nagmahal ako ng taong mahal na mahal ko pero hindi ako makuhang mahalin pabalik,ULIT.

Nagmahal ng taong MALI PALA.

Saan,kelan at hanggang kailan ba magiging ganito ang takbo ng kapalaran ko.

Pero hindi ba pag mahal mo handa kang masaktan at magmahal ng paulit ulit.

Siguro ganun talaga ang kwento namin ni Erik!

"Love papunta na ako sa office mo"
Ani ko ng makausap ko siya sa telepono

"Wag na Ge madami akong tatapusin at tsaka maaga kang magpahinga dahil baka malate din ako ng uwi"

"Sige"

Paano ko ba masasabing mahal ako ng taong mahal ko?

Sa gawain ba?

Sa ugali?

O sa pinapakita niyang pagmamahal?kung meron?

Being with him for years akala ko magiging masaya kami tulad ng dati

Masaya ngang sasabihin pag kinasal ka sa tong mahal mo,pero hindi ko inaasahan na ang saya na iyon ay pwede pang magbago.

May mga saya na panandalian lang

Mga saya na masasabi kong hanggang dito nalang

Once,twice ilang beses ng nagloko pero hindi ko makuhang sumuko dahil nandun pa rin ako sa salitang KASI MAHAL KO.

Nanibago ako sa itsura ng bahay o sadyang wala lang improvement simula ng ikasal kami

Kaya naisipan ko na ayusin at lagyan ng kaunting gamit ang bawat parte nito.

Naisip ko na mamili ng gamit gayong gabi pa din naman ang uwi ni Erik.

"Angeline?"
Pagtawag pa ng babae sa likod ko

"Yen?"
Ani ko ng malingon ito

Grabe ang tagal din naming hindi nagkita

"Angge grabe namiss kita,kamusta ka na?"
Mahigpit na yakap naman ang sumalubong sa akin

"Okay naman ikaw kamusta kana?"

"okay naman,teka kamusta kayo ni Erik?"
Nakasimangot niyang sabi at tiningnan ako mula ulo hanggang paa

"Grabe ka naman makatingin okay naman eto busy sa pagiging mabuting asawa niya,ma-saya naman"
Medyo nalungkot pa ako sa huling salita

MASAYA???

HINDI KO ALAM KUNG NARARAMDAMAN KO PA ANG SAYA.

PARANG SA AKIN PARE PAREHO NALANG ANG EMOSYON NG TAO.

"Hindi halata Angge,kilala kita. Kaibigan mo ako at lahat ng nangyayari sayo alam ko"
Aniya

Wala na akong nagawa kundi muli siyang yakapin ipatak ang mga luhang kinikimkim ko ng matagal

Para akong mag isa sa mundong pinasukan ko.

Akala ko noong nagpakasal kami ay may makakasama na ako habambuhay,pero sa pagtagal nito nararamdaman ko ang pagiging isa.

Para akong nauubos at hindi makabangon sa paglubog ko.

"Am I not enough or it's just hindi na ako ito?"
Naiyak ko pang sabi

"No you are so much enough,ang problema lang hindi mo kayang kontrolin labanan ang puso mo dahil sa pagmamahal mo sa kaniya"

"Paano ko gagawin kung gayong siya lang ang iniisip ko?"

"Then you have to accept the fact that you chose the life that you never expect to be like that"

"Ipaglaban mo yung pagmamahal mo sa kaniya kahit masakit,kahit mahirap,kahit hindi ito ang gusto mo. Kasi wala ka naman din magagawa but to accept it and love him knowing that you can't leave him because you loved him"

Medyo ginabi pa ako ng uwi dahil nag aya siya na mag dinner.

7 pm na rin siguro ng makauwi ako and hindi ko inaasahan na mas mauuna siyang umuwi dahil ng sasakyan niyang naka park sa garahe.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang siya na seryosong nakaupo at nakatingin sa akin.

"Saan ka galing?"
Kunot noo pa niyang sabi

"Sa mall may binili lang ako at tsaka..."

"Namili ng ano?"
Pagputol niya sa sasabihin ko

"Mga gamit dito sa bahay"
Tipid kong sabi at sinarado ang pintuan

"Next time magpaalam ka ng hindi ako uuwing walang makain. You better take care the dog hindi yung lalabas ka ng bahay ng walang kwenta naman ang bibilhin"

"Wala bang gamit dito sa bahay at kailangan mo pa mamili"

"Eh bakit kaya hindi mo ako samahan o kaya kumuha ka ng katulong para sa mga lintek na asong yan at para din may nagluluto ng pagkain para sayo! Gusto ko lang naman ipaalala sayo na hindi kita pinakasalan para maging katulong mo. At kahit kailan ay hindi ko gugustuhin na maging katulong mo lang dahil nandito ako para maging asawa at ina ng mga anak mo hindi maging kasambahay mo lang. At itong mga gamit na ito bakit sobrang big deal hindi naman pera mo ang ginastos ko ha * pinagbabato ko pa ang mga ito sa harapan niya. Pagod na pagod na ako Erik! Yung mga sermon mo na hindi ko na kayang marinig. Mga panloloko mo na baka isang araw ay maging dahilan ng pagkamatay ko. At yung pagdurusa ko sa lintek na pagmamahal na ito. Hanggang kailan ba tayo magiging ganito?"
Mahaba kong lintaya na kahit volume one ng boses ko ay hindi ko maiparinig sa kaniya

Mga salitang gusto kong ibato sa harapan niya pero hindi ko makuhang sabihin.

"Sorry,magluluto nalang ako"
Tanging nasabi ko sa kaniya

"Wag na nawalan na din ako ng gana"
Aniya at nagpatiuna ng umakyat sa kwarto.

Sa pagmamahal hindi ka dapat nagmamadali at basta basta.

Hindi perket dumating yung panahon na masaya kayo ay habambuhay na ito.

Lahat ng bagay ng babago,lahat ng nararamdaman nagbabago at lahat ng tao pwedeng magbago.

Gusto kong ilabas yung sakit na dulot ng pagmamahal ko sayo pero ayaw kong madamay ang iba sa problema na meron ako.

Sabi ko noon ANG MAHALIN KA AY ANG PINAKA MAGANDANG NANGYARI SA BUHAY KO AT ANG PAKASALAN KA AY ANG PINANGARAP KO BUONG BUHAY KO.

PERO NGAYON,

MASASABI KO NA SANA KAPALARAN KO AY MAGBAGO.

Mahal kita mula noon hanggang ngayon,mahal kita kahit masakit. Mahal kita kahit na ako ang nagpapasaya sayo. Mahal kita kahit mahirap.

HINDI KO INAASAHAN ANG GANITO PERO KAILANGAN KONG TANGGAPIN AT MAHALIN ANG PAG IBIG KONG ITO.



Vote and Comment down your title 💚


YOUR TITLE,MY ISTORIWhere stories live. Discover now