WAG MO AKONG IWAN MAG ISA

82 7 0
                                    

Eight Entry 💚

------------------------------------------

Sa malawak, magulo, nakakarindi ay nakakatakot na mundo, kaya mo bang mag isa?

Lahat tayo ang gusto may makasama kahit isa na handang sabayan ang gusto natin, may parehong pangarap sa buhay at handang samahan ka sa tagal ng buhay na meron ka.

Pero totoo nga ba na lahat may kaniya kaniyang nakatakda? O minsan isa lamang pag mamakaawa na walang bahid ng pag mamahal pero kasama mo.

Ang hirap siguro noon ano?

Kasama mo buong buhay mo pero hindi ka mahal

I'd rather chose to be alone than having this one person who doesn't love me from the start.

"Angeline"

Naramdaman ko nalang ang pag yugyog sa katawan ko ng damuhong boses babaeng ito at alam na alam ko kung sino ito kahit hindi ko pa namunulat ang mga mata ko

"tigilan mo ako o sisipain kita"
Pag babanta ko dito

Nadapa ako ng higa at ninamnam ang lamig ng bawat unan na kayakap ko.

Ngayon lang makakatulog ng ayos tapos aabalahin, siguri tinotopak na naman ito!

"kung hindi ka babangon baka hindi mo na siya makita?"

Natataranta na bumangon ako at nagderetso sa banyo para maligo

Taragis bakit ko ba nakalimutan na ngayon nga pala ang alis niya!

"Yenggay bakit naman late mo akong ginising"
Sigaw ko pa habang nag babanlaw ako ng katawan

Syet ang lamig pa naman kaya ayokong naliligo ng ganito ka aga e hindi ko naaasikaso ang mainit na tubig para naman kalmado katawan ko after

"hoy babaita kanina pa kita ginigising ikaw pa nga itong nambanta na sisipain mo ako"
Sigaw nito pabalik

"at tsaka bilisan mo na para makaalis tayo ng maaga baka mamaya traffic na"
Dagdag pa nito

Hindi ko naman sinasadya na maitutok sa kaniya ang shower na hawak ko ng sumilip ito sa banyo habang nag sasalita

"Angeline naman eehhhhh"
Galit nitong sigaw

Singer ka ghourl apakatinis ng boses ha!

Kasalanan ko ba na sumilip siya at nagulat ako HAHAHA

LT LANG YUNG ITSURA NIYA NA BASANG BASA ANG BUONG DAMIT KAYA NO CHOICE AT NAG PALIT ULIT!

"uyyy sorry na"
Pag lalambing ko dito ng nasa sasakyan na kami

"ewan ko sayo, nilamig tuloy ako"
Inis nitong sabi habang nag dadrive

"yenggay wag kana magalit"
Hinawakan ko ang isa niyang kamay at nag iyak iyakan sa tabi niya

Minsan lang mag inarte e haha alam ko naman na hindi ako matitiis ng mahal kong bestfriend.

"bahala ka"
Tipid niyang sabi

Kinalas ang hawak sa kamay ko habang naka focus sa kalsada

Natigilan ako, habang nakatitig sa labas hindi na ako umimik pa dahil baka magalit siya lalo

Pero.... Ang totoo nag eemote ako haha lakas trip ko ngayon e!

"saan ba ako nag kamali"
Naiiyak kong bulong sa hangin

Syet baka maawardan ako HAHAHA

"huyy anong sinasabi mo diyan"
Aniya pero hindi ko yun pinansin

YOUR TITLE,MY ISTORIWhere stories live. Discover now