CHAPTER 65 - YOU'RE VERY SPECIAL TO ME

13.7K 223 49
                                    

CHAPTER  65 – YOU’RE VERY SPECIAL TO ME

I pushed him so hard. “Nani yatten dayo?!” (what are you doing)

“Gomen..” (sorry) yumuko siya. Then walked out.

He said he loves me..

My reaction?

Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit!

Pero paano na ito? Paano ko sasabihin kay Prince na... na si Pure ang gusto kong pakasalanan at hindi siya? Ayoko siyang masaktan. Umamin siya sa akin na mahal niya ako.. ngayon Kumiko Claudette ano ng balak mo?

Bumalik na lang ako sa kwarto ko at sinubukang matulog.

But I failed.

“Ano ng gagawin ko?”

Kinaumagahan ilang kami ni Prince sa isa’t-isa. Mahahalata mo naman eh.. actually, AKO ang lumalayo hindi siya.

Nagbreakfast kami ng sobrang tahimik. Siguro napikon na din siya kaya nagsalita na siya.

“About last night.. lahat ng nangyari.. lahat ng sinabi ko.. kalimutan mo na.” Sabi niya. “May kailangan kang sabihin hindi ba?” Nagulat naman ako sa sinabi niya.

“Paano mo nalama—“

 

 

“Narinig ko kayo ni Kiyoshi na naguusap. Ngayon, gusto ko ikaw ang magsabi sa akin.. mismo.” Tumingin siya sa akin ng diretso. Ako?

Ewan ko pero takot ako sa kanya. Seryosong seryoso kasi siya. Hindi ko pa naman masyadong tantsa ang ugali nito. Kasi ang pagkakaalam ko sa taong ito masyadong easy-go-lucky. Patawa lagi, at minsan lang magseryoso. Parang ngayon lang ehh.

“Ano ba Claudette. I’m waiting!” Sabi niya sa akin na kalma ang itsura. Pero halata mo sa boses na medyo galit at inip.

Huminga ako ng malalim. Okay eto na.

“Gusto kong si Kiyoshi ang pakasalan ko. Tutal naman magkapatid kayo, panganay ka nga lang. Pero pwede na din iyon. At least magisang pamilya pa din kayo.” Tumingin ako diretso sa mata niya.

Little Miss Gangster [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon