CHAPTER 25 - RIVALRY

17.7K 292 40
                                    

CHAPTER 25 - RIVALRY

Pauwi na kaming tatlo nila April at Pure. Pagdating namin sa bahay andon si Jes nagaantay sa may labas.

"Miko... kanina pa kita inaantay." Sabi sa akin ni Jes.

"Anong problema mo?" Sabi ko sa kanya.

"We need to talk. please. Please!"

"No." Sinimulan ko ng buksan ang gate.

"Please KC. Please!" Tinignan ko si Pure. Tinaasan lang niya ako ng kilay. Si April naman nakabusangot.

"No." Sabi ko ulit.

"Please KC---"

"Kausapin mo na. Para tigilan ka na." sabi ni Pure at pumasok na siya kasama si April.

"Anong gusto mong pagusapan."

"Yung tungkol sa atin." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Tinabig ko naman ito agad.

"Wala ng tayo Jes. yun lang ba ang sasabihin mo?"

"I'll explain.. Si Elisa kasi.. lately, madami na siyang threat na natatanggap. Then puro pangalan mo ang nakalagay. Doon ko lang napansin na iba na talaga ang nangyayari." Tinignan ko siya ng mabuti.

"Anong ibig mong sabihin?"

"May gustong sumira sa iyo. Ewan ko kung sino. Pero nasisigurado kong hindi iyon si Elisa."

"Osige. Kung hindi nga si Elisa, baka naman yung mga katropa niyo. Di ba?" pagtataray ko sa kanya. Diba may possibility? Ayaw nila sa relasyon namin ni Jes.

"Pero hindi rin magagawa iyon ng mga kaibigan ko. Ilang years na kami magkakaibigan, pero... pero walang nangyaring ganun."

"Oh, anong gusto mong palabasin ngayon?"

"I'll protect you KC. No matter what."

Little Miss Gangster [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon