CHAPTER 48 - CONFUSED

14.4K 202 23
                                    

CHAPTER 48 – CONFUSED

Week passed, ni hindi ko man lang napansin na dumating na pala si Pure. Hindi ko muna siya pinapansin. Ganun na din si Ace kahit lapit siya ng lapit.

“Kumiko!” Biglang may tumawag sa akin mula sa likod. Hindi ko na lang pinansin dahil alam kong si Pure yun. Nyemas!

“Kumiko!” hinigit niya ang braso ko. Naabutan na pala niya ako. Hinirap niya ako sa akin. “May problema ba? Bakit hindi mo ako kinakausap?” Sasabihin ko na ba? Ayokong maglihim ng galit! Ayokong magpakamartyr! Ayokong magpakatanga! Hindi ako katulad ng iba na hindi sasabihin kung ano ang nakita at kung ano pa lalo na pagmay kinalaman sa inyong dalawa.

Exacto namang patungo rito si Ace. Tumakbo ako palapit sa kanya at kinuha sa bulsa niya ang phone.

 

“Woah! Easy lang Kumiko.” Sabi ni Ace. Nangalkal na ako at yun! Exacto andito pa. Lumapit ako unti-unti kay Pure.

“Sino to? Anong ibig sabihin nito?” Sabi ko sa kanya at pinakita ang litrato sa cellphone ni Ace.

“Saan mo naku—“

 

 


“Ako ang nagtanong kaya sagutin mo!!”
Sinigawan ko siya. Sarap niyang bugbugin! Ayaw pang magexplain, daming alam!

“She’s my friend from Japan. Childhood friend specifically.”

 

 

“Ahhh~ So ganito na pala ang magkaibigan ngayon.. Naghahalikan. Now I know.” Sabi ko in sarcastic way. Binigay ko kay Ace ang phone niya at hinila siya palayo.

“Akala ko ibabagsak mo na phone ko!” Sabi ni Ace ng makalayo layo kami kay Pure. Ayun iniwan namin siyang nakatulala.

“Well, maybe you’re right Ace. Hindi ko nga talaga siguro siya mahal. Maybe? Ugh! It’s just that he loves me! Siguro—“

 

 

 

“Siguro iniisip mo na mahal mo siya kasi sinabihan ka niya ng I Love You. Gusto mong bumawi sa kanya sa lahat lahat. Ganun ba ang ibig mong sabihin?”

 

 

“Hindi ko alam. Magulo ang utak ko ngayon, at ang weird.. hindi gago ang puso ko ngayon.” Sabi ko at umupo sa bench. Nakatitig ako ngayon sa mga nagsosoccer. Andito kami sa gilid ng field.

Little Miss Gangster [BOOK 2]Where stories live. Discover now