KABANATA 1

47 6 8
                                    

"Class dismissed."

Habang inaayos ang gamit ko ng bigla akong sikuhin ng bestfriend kong si Aia. Agad akong napabuntong-hininga at pagod siyang tinignan. Nakakastress ang last subject namin.

"Ano ba?" singhal ko siya. Pero ang loka-loka nginisian lang ako na parang baliw. Nagtataka nga ako kong bakit siya ang naging bestfriend ko.

"Guess what?"

"Hindi ko pa alam." tamad kong sagot sa kanya.

"Iyong admirer mo.  Hello! Nasa labas hinihintay ka! Ang haba naman ng buhok mo talaga girl." sabay hablot sa buhok ko at ginulo pa. Tinaasan ko siya ng kilay at pinakitang wala akong pakialam. Agad siyang ngumiwi sa inasal ko. Whatever.

Yes. I do lot of admirers pero ni isa wala akong gusto sa kanila. Kung hindi babastedin ay pinapahiya ko para alam nila ang totoong ugali ko. Like effective naman. No problem. Yes. I'm a bitch.

"H-Hi Athena. P-Pwede ba kitang ihatid?" saad  niya habang di nakatingin sa akin. Pansin ko na rin ang tinginan at bulungan ng mga estudyante sa hallway. Nag-aabang sa susunod kong gagawin. Agad akong ngumisi siguro kung nakakamatay ang paninitig baka patay na ako.

"Bakit?" taas noo kong tanong habang nakahalukipkip sa harap niya. Samantalang, ang bestfriend ko ay umiiling na lang sa tabi na parang sanay na sa ganitong eksena.

"D-dahil g-gusto kita.." Agad siyang nag-angat ng tingin na halos diko mapigilan ang sarili sa pagkamangha dahil sa abong mga mata nito. And wow! He's gorgeous. What the fuck!? But he's a nerd. Hindi ko siya type.

"Sorry but I don't like you." sabay ngiti sa kanya. Agad akong hinatak ni Aia para umalis na dahil halos hindi maipinta ang mukha ng lalakeng iyon. Well. Sorry for him coz the feeling is not mutual.

Agad akong kinurot ni Aia at kunwaring sinabunutan.

"Alam mo di ako makapaniwalang may bestfriend akong heartbreaker,"

"At least maganda." sabay ngisi.

She rolled her eyes na parang sawang-sawang na siyang sabihin ko iyon. I quickly smile to her kahit ganon ang ugali ko. She's always my best friend ever. Siya lang ang nakakapagtiis sa ugali ko.

"Tara sa canteen. Libre moko!" sabay angkla nito sa braso ko. Agad akong umiling dahil 100 pesos lang ang laman ng wallet ko. I let out sigh at tumingin sa kanya. Alam na niya ang ibig sabihin non kaya ngumiti na lang siya sa akin.

"Sige na nga! Libre kona. Pasalamat ka maganda ka!"

I chuckled with her.  Hindi ko rin maiwasan na mahiya sa kanya dahil halos dalawang linggo ng hindi pa nagpapadala ng pera sina nanay at tatay. Kaya kahit gustuhin ko man na tawagan sila kong bakit pero nanaig pa rin ang hiya sa aking sarili. Siguro dipa sila nakaani. Lord, isang taon na lang gragraduate na po ako. Tiis-tiis na lang.

Agad umorder si Aia ng madalas kong irequest sa kanya. Dinuguan with puto. Mabilis lang kaming kumain dahil gagawa pa kami ng thesis at wala pa kaming title. Nakakadrain ng utak. Buti na lang maaga kaming uuwi ngayon dahil brainstorming pa lang ang ginawa namin sa title.

"Athena, hindi ako makakasabay pauwi sayo. I forgot to tell you earlier na may date kami ni Alex." she giggled after saying that. Landi!

"Ikaw na may jowa." singhal ko.

"Kulang ka kasi sa landi girl!"

Agad ko siyang hinampas ng mahina sa braso. Pero tumawa lang ang hunghang!
She finally left me when Alex join on our girl talk thing. Kahit puro kalandian lang naman mga sinasabi ni Aia.

Hindi ko maiwasan na tumingin sa langit. Lagi kong pinapangarap na sana maging ibon na lang ako. Katulad sa ibon na nakikita ko ngayon na malayang lumilipad papunta sa kung saan. Malaya at masaya. Diko maiwasang ngumiti kahit pagkalaman na akong baliw dito. Walang masama mangarap.

Sa gitna ng paghihintay sa jeep, agad akong nanlamig ng makitang papunta sa direksyon ko ang taong gustong-gusto kong makita araw-araw. Lord, salamat sa araw na ito na pinagkaloob mo.

"Hoy babae! Pwede ba! Tantanan moko sa kakapadala ng mga ganitong basurang pagkain sa akin!'

Simbilis ng kidlat ang pagkawala ng ngiti sa aking labi dahil sa narinig. Gusto kong lumubog sa oras na iyon pero matatag akong tao. Ganito akong pinalaki ng mga magulang ko. Matapang at hindi nagpapaapi. Pero patawad, pero mahina ako pagdating sa kanya. I'm weak with Jacob.

"Sige, ipagluluto na lang kita ng bago. Teka! Ano bang gusto mo? Huwag ka ng magalit. " sabay hawak sa braso nito na agad inalis na parang nandidiri sa akin. Diko maiwasang matawa sa kanya.

"Don't touch me!" asik nito na halos mamula na sa sobrang inis sa akin.

"Arte! Ano ba gusto mong kainin kasi?"

"Dika ba makaintindi? Oh, sadyang boba ka lang! Ayokong nakikipaglapit ka sa akin, at isa pa hindi kita gusto at hindi ako magkakagusto sa isang katulad mo! You know? Hindi ka pasok sa standards na gusto ko! Bitch!" sigaw nito sa mismong mukha ko na halos magtalsikan ang laway nito. Mabango naman.

Inihagis nito ang plastic na laman lang naman ay ang ginawa kong puto para sa kanya. Agad akong napaatras dahil tagos na tagos sa loob ko ang mga sinabi niya na parang hinihiwa ka niya ng dahan-dahan ng kanyang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Agad akong napayuko ng tadyakan niya iyon sa harapan ko at inaapak-apakan. Nagsinghapan ang mga nasa paligid ko sa ginawa niya samantalang ako na parang walang pakialam sa ginagawa niya.

"Dumi ka lang sa paningin ko, Athena" saad nito bago ako tinalikuran kasama na rin ang putong magdamag kong ginawa. I guess i have a bad day today.

SHADOWS IN THE PASTWhere stories live. Discover now