KABANATA 3

17 5 1
                                    

Isang sampal iyon para sa akin ang sinabi niyang iyon.  Aminado akong mas lalo akong nasaktan dahil sa huli nitong sinabi. Desperada.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagtratrabaho kana dito? Alam mo namang hinihintay lang kitang tanggapin mo ang offer ko sayo, diba? At bakit dito pa sa mismong...okay fine." saad ni Aia. Nakita niya mismo ang mainit na eksena kanina dahil dito pala sila kakain ni Alex. Sasabihin ko din naman sa kanya kaso naunahan lang ako ng hiya at humahanap lamg talaga ako perfect timing.  Break time ko ngayon at may isang klase pa ako mamayang hapon. Hinawakan niya ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa. Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Nahihiya na kasi ako sayo. Pero balato muna 'to sa'kin." saad ko at nginitian siya. Agad siyang napabuntong-hininga sa sinabi ko bagamat tutol man pero wala na din siyang nagawa.

"Kailan ka ba titigil sa kagagahan mo sa kanya, Athena." Aia asked me seriously.

She called my name kaya alam kong seryosong seryoso siya ngayon. As she witnessed earlier kung paano ako tratuhin ni Basti. Halos sugurin na niya kanina ang lalake kung di lang siya pinigilan ni Alex. Hindi ko din alam na kanila ang restaurant na'to. Mabuti na lang talaga mabait ang mommy nito dahil hindi naman maiiwasan ang aksidente sa workplace.

Aia knows too much about what happened between us in Basti. Aaminin kong madami pa ring nagkakagusto sa akin but I insisted on declining them. I only want him.

Umiling ako," Alam mo ang sagot ko dyan."

"Even the smallest things about you. Hindi ka niya maalala." prangka nito.

"But I remembered all his details even the smallest with him. Pero magpupursige pa rin ako. Hindi ako susuko, Aia." I said while looking her eyes. She sighed in defeat.

She held my hand tightly. Ramdam ko ang sakit at awa sa kanyang mga mata. But I assured her with a smile.

"Kung saan ka masaya, doon ako." saad niya. Agad dumako ang tingin ko kay Alex ng hawakan niya ang kaliwang kamay ni Aia. Pansin ko sa mata ng lalake ang paghanga at pagmamahal sa kaibigan ko.

"Let's eat? Libre ko." pukaw ni Alex sa aming dalawa. Agad akong tumango kaya humalakhak ang dalawa. Sumenyas si Alex sa waiter para kunin ang order namin. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ang dalawa.

"Athena, right?" saad sa akin ng co-worker ko.

"Oo, bakit?" tanong ko.

"Pinapatawag ka sa opisina ni Mam Joyce." saad niya bago ako tinalikuran.

Agad akong nakaramdam ng kaba. Aminado akong matapang sa lahat dahil ilang beses na akong nakakapunta sa opisina ng guidance office dahil sa mga ginawa kong mga kabulastugan noong high school ako. Pero ibang usapin na kapag sa trabaho na at mismong may-ari pa.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan. Halo-halo ang nararamdaman ko dahil sa kaba at takot na mapatalsik sa mismong unang araw ko sa trabaho. Agad akong kumatok masuyo kong inayos ang bagsak kong bangs at tumikhim.

"Come in." tugon ni Mam Joyce. Agad kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nakaupong ginang at si Basti na masama ang tingin sa akin at kulang na lang ay hilahin niya ako at ipatapon sa labas.

"Pinatawag niyo raw po ako."saad ko sa mahinang boses.

"Yes, iha. But please, sit down first."saad niya sa malambing na paraan. Kaya naibsan ang kaba sa dibdib ko.

"First of all, humihingi ako ng pasensya sa ginawa ng anak ko sa'yo." saad nito.

Anak? Ibig sabihin...anak siya ng may-ari. Pagkakataon nga naman. Tadhana na ang gumagawa ng paraan para paglapitin kami ulit. Hindi na ako mahihirapan na hagilapin siya sa kung saan dahil naman sa laki ng university namin. Pero kapag nakikita ko siya lagi dito sa mismong restaurant nila ay hindi na ako mahihirapan na paamuhin siya. Ngumisi ako sa naiisip ko. Pero walang nabanggit sa akin si Basti may sarili silang negosyo. Hindi naman kasi ako nagtatanong that time kaya siguro hindi ko alam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SHADOWS IN THE PASTWhere stories live. Discover now