Mula Kay Mayumi Habagat

1 0 0
                                    

#ElpízoPhotoPrompt3: Friendship

Hindi ko alam kung paano sisimulan,
Ang mga kamay ko'y tila nanginginig,
At puso'y kinakabahan.
Ang mga mata ay nakatanaw sa kawalan.

Nais ko lamang na magpasalamat
Sa mga taong bahagi na ng aking buhay.
Dahil sa kanilang mga dasal,
Ako ay patuloy na lumalaban.

Sa aking Ate Janet na mapagmahal,
Maraming salamat sa iyong mga pangaral.
Kailanman ay hindi mo ako binitawan,
Makailang ulit man kitang sinaktan.

Sa aking kapatid na si Vanessa,
Maraming salamat sa iyong matatamis na ngiti.
Ang iyong mapagkalingang kamay,
Ay nagdudulot ng kaginhawaan,
Sa mga taong patuloy na lumalaban sa epidemya.

Sa aking kapatid na si Jona,
Maraming salamat sa iyong taglay na katapangan.
Ang iyong mahinhin ngunit palaban na puso,
Ay nagbibigay ng lakas na tulad sa isang mandirigma.

Sa aking kapatid na si Lenie,
Maraming salamat sa iyong pagiging simple.
Tinuruan mo akong makontento sa buhay.
Ikaw ay tila sinag ng araw sa umaga,
At ang iyong mga halakhak ay nakakapawi ng kalungkutan.

At sa aking Nanay Emma,
Maraming salamat sa iyong pag aalaga.
Kahit lumisan na ang inang nagluwal sa akin dito sa sanlibutan,
Ay alam ko na ikaw ay nandiyan,
Na magsisilbing kanlungan ng pusong napapagal.

Binabayo man tayo ng samo't saring bagyo,
Ngunit alam kong hindi matitibag ang ating mga puso.
Ang ating pananampalataya sa Diyos,
Ay patuloy na mag aalab.
Patuloy na lalaban,
Sa kabila ng mga hamon ng buhay.

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.
Elpízo: Photo PromptsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant