Chapter 40

57 5 0
                                    

Chapter 40

Jaime Grace Cortez

Titig na titig ako sa mga kamay ko. May bahid na tuyong dugo ito. Nakaupo ako sa bench, tulala at halos hindi makapaniwala.

"Jaime..."

Narinig ko ang pamilyar na boses ni Savannah mula sa gilid ko pero hindi ko siya magawang tingnan dahil nasa atensyon ko ay sa aking kamay. Hindi matigil ang panginginig nito.

"We need to go." saad ni Savannah at umupo sa tabi ko, hinawakan niya ang balikat ko. "Hindi maganda na mag-stay tayo ri—"

"H-hindi ako aalis dito. Kailangan ako ng pamilya ko." malamig kong sambit.

"Alam ko naman iyon, Jaime, pero sana isipin mo an—"

"Savannah, naman." mahinahon kong saad at nilingon siya. Nakita ko na tinikom niya ang kanyang bibig dahil sa pag-reak ko. "Intindihin mo naman ako. Kailangan ako ng pamilya ko at hindi ko sila hahayaan dito."

Hindi na nagawang magsalita ni Savannah habang si Kiesha ay nasa gilid lang niya, tahimik kaming pinagmamasdan. Sa kanilang bench naman ay nakaupo doon sina Beatrice, kumpleto silang apat at pare-parehong tahimik.

"How is he, doc?"

Otomatikong napatayo ako nang narinig ko ang pamilyar na boses ng aking kapatid. Sa kanilang harap ni mom ay kausap nila ang doctor na mukhang kakalabas lang mula sa operating room.

"Okay na po ba si dad?" tanong ni Venus.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Nararamdaman ko ang paglalakas loob nila sa kanilang sarili at hinihintay ang sagot ng doctor. Nakatingin lang ang doctor sa kanila, tila sinusuri silang dalawa.

"I'm sorry, Miss Cortez." naging malungkot ang mukha ng doctor. "But we can't make it. He's dead." dagdag ng doctor dahilan para gumuho ang mundo ko.

Napatigil ako papalapit sa kanilang tatlo. Halos hindi makapaniwala sa narinig. Naging blanko ang mukha.

"Ano pong sabi niyo. doc?" binasag ni mom ang katahimikan. Ramdam ko na papalapit na siya maging emosyonal. "P-palaban ang asawa ko... alam kong kaya niya iyon."

"I know, Queen Valerie." tugon ng doctor. "Pero sa puso nakatarak ang espada, makaka-survive pa siya kung ordinaryong espada iyon pero may halong poisonous iyon kaya kahit sabihin natin na makakalaban pa siya, hindi niya rin kakayanin dahil mabilis kumalat ang poison sa katawan ng hari." paliwanag ng doctor.

"Deepest condolence for your lost, Cortez Family." malungkot na saad ng doctor. Akmang maglalakad siya pero napahinto siya nang nakita ako sa likuran ng pamilya ko. "Condolence, Princess Jaime." huli niyang sinabi bago umalis sa harap namin.

"Hmm? V-venus..." mahina kong tawag sa kapatid ko.

Wala akong narinig na salita mula sa kapatid ko kaya naglakad ako papalapit sa kanila. Hahawakan ko sana ang balikat ng kapatid ko pero nagulat ako nang sa isang iglap ay nakasandal na ko sa pader at hawak hawak niya ang leeg ko.

"Venus!" sigawan ng mga kasama namin dito.

"Kung hindi ka lang sana tatanga-tanga, 'e 'di sana buhay pa si dad!" galit na galit na sabi ng kapatid ko.

"Venus, stop this." mahinahon kong sabi. Hindi ko tinatanggal ang kamay niya na nasa leeg ko dahil ayaw ko na mas lalong humigpit ito, mas mabuti 'yong nakakahinga pa ako. Pakakalmahin ko ang kapatid ko. "This is not you."

Ang mga mata niya ay nakikita ko ang galit. Her eyes glow in red. Sa sobrang galit. Nakikita ko na rin ang pangil niya at para bang sasaktan niya ako anytime.

Coldwell Academy: Queen of The Bad Blood Vampires | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon