Chapter 11

41 5 0
                                    

Chapter 11

Venus Klein

Hindi ko na talaga nakakausap ng matino ang kapatid ko. Simula noong kinausap ko siya, 'yon ang huling encounter namin sa isa't isa. In short, mas lalong umiwas siya sa amin.

Alam ko na nagtataka ang mga kasama ko. Kung dati, nararamdaman namin ang pag-distansya ni Jaime sa amin pero ngayon, hindi na pakiramdam dahil damang dama na namin ang kanyang pag-iwas.

Kung makikita ko man siya ngayong araw, ilang minuto. Minsan na lang siya pumapasok 'yong para bang nasa desisyon na niya iyon kung papasok ba siya o hindi. Papasok nga siya pero minsan late kaya napapagalitan siya ng mga guro namin.

Araw-araw ay lagi akong kinakausap ng guro namin sa behavior ng kapatid ko. Ramdam na ramdam ko ang disappointed nila kay Jaime, kulang na lang i-kick out nila iyon pero hindi nila magawa dahil may-ari ng eskwelahan itong si dad kaya para hindi magalit ang mga guro ay sinabi ko na lang na kakausap ko na lang ang kapatid ko para pumasok sa silid-aralan.

Pero kung kalian gusto kong makita ang kapatid ko saka ko siya hindi makita.

Where are you, Jaime?

Napasambunot ako sa inis na nararamdaman. Nilibot ko ang tingin sa paligid pero ni-anino ng kapatid ko ay hindi ko makita. Magpakita ka, Jaime. We need to talk!

Iniwan ko ang mga kaibigan ko sa cafeteria dahil hindi naman ako gutom at naintindihan nil ana kailangan ko hanapin ang kapatid ko. Lagi ko silang kasama sa opisina ng mga guro para idiskusyon ang tungkol sa kapatid ko kaya hindi malabong narinig nila ang pinag-uusapan namin ng mga guro.

Pero sa ngayon mukhang walang balak na magpakita si Jaime sa akin. Sa mansyon ay hindi pa umuuwi iyon sabi ng mayordoma namin. Maging ang gwardya ay hindi nila nakita si Jaime na pumasok sa mansyon. Sa silid-aralan naman ay hindi alam ng mga ka-blockmates namin kung nasaan siya.

Halos tatlumpung minuto na akong gumagala sa buong Coldwell Academy pero hindi ko talaga makita na pagala-gala ang kapatid ko. Sinilip ko na rin ang library o 'yong mga lugar na pinuntahan niya dati na nagkakaharap kami. Hindi naman ako male-late dahil absent ngayon ang aming afternoon first subject teacher kaya malaya kaming nakakalabas ngayon.

Bagsak ang mga balikat ko nang nakaupo ako sa bench, sa harap ng mermaid fountain. Hindi naman ako pinagpapawisan pero mas mabuting magpahinga ako rito dahil hindi ko naman mahanap ang kapatid ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko. I tried to communicate her using mind link pero wala akong naririnig na tugon sa kanya. Alam ko na naririnig niya ako pero mukhang wala siyang balak na kausapin ako. I already tried to locate her pero may kapangyarihan na pumipigil sa akin kaya wala na lang ako magawa kun'di hanapin siya sa buong eskwelahan.

Sa pagmumuni ko sa bench ay may narinig akong nag-meow. Napalinga-linga ako sa paligid at kunot-noong hinanap ng mga mata ko. Ano 'yon? Pusa? Wala akong makita. Guni-guni ko lang ba iyon? Sumandal ako sa backrest ng bench at muling bumuntong-hininga.

Otomatiko akong napadilat nang narinig ko na naman ang pag-meow ng pusa. Inulit ko na naman ang ginawa ko kanina pero wala talaga akong makitang pusa. Saan ba 'yon?

"Meow,"

Bumaba ang tingin ko sa damuhan. Napalobo ko ang aking magkabilang-pisnge nang nakita ko na nando'n ang kuting, malapit sa akin paa. Gusto ko tampalin ang sarili ko dahil sa katangahan.

Tumuwad ako para kunin ang pusa. Kinarga ko ito at pinantay sa mga mata ko. Kuting talaga siya. Nasaan ang ina nito? Kawawa naman. Naghahanap siya ng makakain. Nilagay ko ito sa lap ko at marahan hinaplos ang balahibo nito. Ang lambot.

Coldwell Academy: Queen of The Bad Blood Vampires | ✔Where stories live. Discover now