Chapter 12

32 5 0
                                    

Chapter 12

Venus Klein

Lugong-lugo akong pumasok sa mansyon at pabagsak na inupo ang sarili sa sofa, sa mismong living area. Nakita ko ang pagtatakang tingin ng mga katulong nang napansin nila ako na nakaupo sa sofa, nakauniporme.

"Hindi ako papasok," sagot ko at dahan-dahang hiniga ang sarili sa sofa.

Tila tamad na tamad akong kumilos. Wala rin akong ganang pumasok sa afternoon class kahit na pinaalala sa akin ni Beatrice ang oras ng pasok namin at sabay pa dapat kami pero sinabi ko sa kanila gamit ng telepathy na hindi ako papasok at uuwi na lang sa mansyon dahil masama ang pakiramdam kahit ang totoo ay wala akong gana pumasok.

Matapos naming mag-usap ng kapatid ko ay muli ko siyang hinanap dahil gusto kong tanungin siya sa mga huling katagang sinabi niya sa akin pero mukhang ayaw niya magpahanap dahil katulad kanina, inikot ko ang buong Coldwell Academy pero sa huli sumuko at tinamad na ko hanapin pa siya.

Alam ko na hindi siya magpapahanap lalo na't hinahanap ko siya. Ramdam niya na hinahanap ko siya, kakambal niya ako, maaaring ramdam niya iyon.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Venus," putol niya sa sasabihin ko. "'Yon lang ang matatanging salita ang maibibigay ko sa iyo, sa ngayon."

Naalala ko ang sinabi niya. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Iniisip ang bagay na maaari niyang itago sa akin, nangangapa at dahil doon ay sumasakit ang ulo ko kakaisip. Bakit hindi niya sinabi sa akin ng diretso?

"K-kakain ka po ba, ma'am Venus?" tanong ng katulong na nakapagbalik sa akin sa reyalidad.

Lumingon ako kung nasaan siya pero nang nagtama ang paningin namin ay mabilis niyang iniwas ang tingin sa akin at yumuko, senyales na nagbibigay ng galang.

"Iinom na lang ako," sagot ko, hindi diniretso ang sagot pero alam ko naman na alam nila ang ibig kong sabihin. Nahihiya lang ako dahil ang mga kasama ko rito ay hindi lahat bampira.

"K-kukuha po ako?" nag-aalangang tanong ng katulong.

"No, ako na bahala. By the way, thank you," nakangiti kong sagot at tinanguan siya.

Magalang siyang nagpaalam sa akin at umalis, ginawa ang trabaho niya. Huminga ako ng malalim at bumangon saka tinungo ang daan patungong kusina.

"Good afternoon, po, ma'am," sabay na bati sa akin ng mga katulong na nakatoka sa kusina.

"Good afternoon," nakangiting bati ko at naglakad papalapit sa ref.

"Kakain ka po ba, ma'am?" tanong ng isang taga-luto.

"Hindi na," sagot ko at kumuha ng blood bag. "Paghandaan niyo na lang mamaya ang mga kaibigan ko. Hindi ako kakain." dagdag ko.

"Opo, ma'am," magalang na tugon nila.

"Dumating na ba rito ang inyong ma'am Jaime?" tanong ko at humarap sa mga kasama ko sa kusina.

Sabay na napatingin sa akin ang tatlo pero mabilis silang umiwas at nagtinginan bago ibinalik ang tingin sa akin. Napabuga ako ng hangin nang nakita ko ang sabayang pag-iling nila, bilang sagot sa tanong ko.

As usual, wala na naman siya rito. Dapat hindi na ko magtaka.

"M-ma'am, may napapansin po ba kayo tuwing madaling araw?" nauutal na tanong ng isang katulong.

Napataas ang kilay ko sa tanong niya. Napansin niya rin 'yon?

"Ano 'yon?" tanong ko.

"May nakikita po kasi ako tuwing madaling araw na isang nakasuot na kapa pero hindi ko po makita ang mukha dahil natatakpan ito ng hood," napalunok ang katulong at tila takot na takot sa kwento niya. "Medyo creepy din po kasi nasa madilim na bahagi siya pero naaninag ko naman po kapag tinitingnang mabuti."

Coldwell Academy: Queen of The Bad Blood Vampires | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon