ⓣⓦⓔⓛⓥⓔ [12]

1.9K 22 0
                                    

Sometimes, running away is the best option. This isn't cowardness, ayoko lang may taong makakita ang kapalpakan ko. Nang pagkakamali ko. Nang bagay na mas pinili kong magpakatanga kahit na alam ko na ang nangyayari.

I was sitting at the lake malapit sa bahay namin. Ayoko munang umuwi nang ganito ako.

And I know for that fact na magang-maga ang mata ko dahil sa ilang oras na pag iyak.

Oo, ako na ang pinakatangang tao sa mundo. Mas pinili ko pang iwan ang best friend ko para lang sa taong hindi ko gaanong kakilala. Napaka tanga ko. I was a complete idiot for not listening to my one and only Best friend.

Si Rim. Ang lalaking hindi bumitaw kahit na sobrang sakit ng mga nasabi ko sa kanya. Ang lalaking pinagtabuyan ko pero mas piniling aminin sa akin ang totoong nararamdaman niya. Ang lalaking halos kasama ko buong buhay ko.

My tears started to fall again. I cant help it. I really really regret everything. I wish I can go back para maayos pa ang lahat. Sana may totoong time machine para maitama ko ang katangahan na ito.

My sweatshirt are now wet dahil sa napakaraming luha na nailabas ko. I need my hanky.

I grab my bag from behind me but then I notice na hindi ito ang bag ko.

Yes it was a bear design but it wasn't pink. It was black. It was his bag.

Oh my god. Napakatanga ko talaga. Now paano ko siya haharapin? Wala na akong mukhang maihaharap pa.

I mentally slap my head.

I wish lamunin nalang ako ng lupa mula sa kinauupuan ko.

Then I cry harder. Pano na ito?

Wala na akong choice kundi kalkalin ang bag niya. Kailangan ko ng tissue or handkerchief.

I unzip his bag and started to search for something na pwedeng ipunas sa luha ko.

I started to take out his notebook and some of his books when something caught my attention.

It was a blue notebook that has a hand written on it. "FayeRim" it read. I drop the other book ang grab the blue one.

What is it? Bakit may pangalan ko?

Out of curiosity, I open the first page. It has a photo. A picture of me and Rim who's eating my favorite chocolate cake noong fifth birthday ko.

Then I flip on the next page. It was me and Rim again. Nasa pool kami at nagppractise mag swimming. Sa gilid ng photo may naka sulat. "My cute 7 year old faye"

I flip on the next one. It was Us again. It was sixteenth birthday. We were grinning from ear-to-ear sa camera at hindi lang iyon, puro icing ang mukha namin. I remember that day. Bumili siya ng cake for me at pinasadya niya ipalagay ang favorite cartoon character ko. Si Lala-loopsy.

I flip on the other page. This time, it was my eighteenth birthday. Ang debut ko.

Natatandaan ko pa noong time na iyon. Nasa gitna kami ng crisis at wala akong panghanda sa debut. Nagmumukmok ako sa room ko noong araw na iyon pero bigla nalang siyang pumasok, hinila ako pasakay ng sasakyan at dinala ako sa park.

Nagrelamo pa ko noon dahil gabi na at may pasok pa kinabukasan. Nagalit pa nga ako sa kanya and I slap the back of his head in irritation. But the next thing he did made me felt somehow special.

Sa gilid ng park may mga candles na nakapaligid. sa gitna naman ay may seventeen people na mga kaibigan namin na nakatayo at may hawak na roses. At hindi lang iyon. Ang eighteenth roses ay hawak niya.

Naiyak talaga ako sa ginawa niya. My eyes are still puffy noong nagtake kami ng picture. Ayoko nga sana but he insisted.

My tears started to fall again. Mas lalo lang akong nasasaktan kapag nire-reminisce ko ang lahat.

Ang lahat ng kabutihan na ginawa niya para sa akin. Ang lahat ng effort niya para mapasaya ako.

I flip on the next page. But what I saw made fall on my knees with deep pain on my chest.

He's Into HerМесто, где живут истории. Откройте их для себя