ⓣⓦⓞ [2]

4.6K 51 4
                                    

Chapter 2

Mahigit dalawang araw na rin noong huli kong makita si Cole. Weekend na kasi ngayon at alam kong hindi sa lahat ng oras makakasama ko siya. Besides, high school student lang ako. Isang menor de edad. Lagi akong pinapaalalahanan ng nanay ko na lahat ng bagay may limitasyon. Katulad ng pagkain ng junk foods or panonood ng paborito kong pelikula. Minsan kasi, pwede kang magimpatso sa pagkain ng marami. Sa panonood naman, pwede makalabo ng mata. Kaya kahit gustong gusto ko na siyang makita, tinitiis ko na lang para sa kabutihan ng lahat. Kung may isang bagay na walang limitasyon dito sa mundo, ito ay ang walang sawang imahinasyon ko. Madami akong bagay na naiisip. Mga scenario at future namin ni Cole. Medyo advance ba? Ganun talaga kapag isa kang certified na hopeless romantic. Lahat ng bagay maiisip mo.

As for my best friend, Rim, hindi kami gaanong nakakapag-usap. Pero kahit na ganoon, ramdam ko pa rin ang pag-aalala niya sa'kin. Pagkatapos ng araw ng pagsasagutan namin, hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niya sa'kin. Hinihintay niya pa rin ako sa bus station, sabay pa rain kaming pumapasok at inaalalayan niya pa rin ang bawat kilos ko na para bang may kung anong delikadong bomba sa dadaanan ko. I find it weird. Masyado na kasi kakaiba ang pagka-overprotective niya. Feeling ko tuloy siya ang clone ng tatay ko.

Si Rim, ang taong kasama ko mula sa pag inom ng gatas noong sanggol pa lang kami, ang kasama kong manood ng spongebob sa Nickelodeon, ang kasama kong magtampisaw sa ulan ng nakahubad noong mga paslit pa lang kami, ang kasa-kasama kong tumakas sa klase para kumain ng strawberry flavored ice cream sa cafeteria, ang kasama kong tumambay sa library at pasimpleng natutulog, ang lalaking napagsasabihan ko ng sikreto, ang lalaking pinagkakatuwalaan ko, ang lalaking laging nandyan para sa akin, ang lalaking umaastang tatay ko kapag nagiging pasaway ako, ang lalaking handang mag-absent maalagaan lang ako, ang lalaking alam kong hindi ako iiwan, at ang tanging lalaking tanggap ang ka-wierdo-han ko. Yan si Rim, my one and only BEST Friend.

Lagi akong pinapaalalahanan ni Rim about kay Cole. May kumakalat kasing balibalita na babaero daw siya. Pero malaki ang tiwala ko kay Cole. Alam kong hindi niya ako lolokohin. At isa pa, one month na kami at wala naman akong nakitang kakaiba sa kilos niya. Hindi niya rin ako binastos ni' minsan. Kahit chansing wala eh. Hug and kisses lang. Minsan nagpapatulong ng assignments or projects but that's fine, as long as hindi siya hihiling ng hindi ko kayang ibigay. Handa kong gawin lahat para sa kanya. Because that's what relationship was all about. Give and take lang. Mamahalin niya ako, at pagsisilbihan ko siya. Ang same goes for me.

Mula sa pagkakahiga sa malambot kong mattress, I fished out my phone and check for any possible message from Cole. Sadly, wala pa din text mula sa kanya. Hindi ko na mabilang kung ilang libong text na ang sinend ko. Kahapon ko pa siya tinetext but to my dismay, no response. Marahil busy lang siya sa pagpapractice. Miyembro kasi si Cole ng football team. Next week na ang game nila kaya alam kong nakafocus siya sa laban.

I almost jump in surprise when my phone suddenly rang. That's when I realize nakatulala na pala ako sa kawalan. 'Oh cole. You made me like this ..’ I sign dreamily before I hit the answer button. Ngunit bago pa man ako makapagsalita, agad na akong binungadan ng napakasiglang boses mula sa kabilang linya.

“Happy anniversary, Faye!” he exclaimed.

I blink. Anniversary? Hindi naman pwedeng si Cole ang nasa linya dahil one month palang kami. Sino to? I look at my phone to see the caller ID. ‘Rim’ it read.

After a brief moment of staring at his name, it slowly dawn at me. I nearly forgot. Ngayon pala ang anniversary ng friendship namin.

“Happy anniversary din, Rimejio!” I greeted back.

Silence ....

I heard him took a heavy sigh before saying, “Faye. I told you not to call me by that,” he grouched.

Ngayon naalala ko na. Ayaw pala niyang tinatawag siya sa buong guven name niya. Masyado daw kasing makaluma which is I highly agree. Kabaliktaran kasi ang itsura niya sa pangalan niya. Kapag kasi naririnig ko ang pangalang Rimejio, ang unang naiisip ako ay matandang may soot na Hawaiian shirt, nakapaa na naglalakad sa pampang ng dagat at nagtataglay na nakakapanayong balahibo na ngiti. Hindi rin ako sigurado kung masyado lang over ang imahinasyon ko. Pero sa susunod siguro kukunin ko din ang pahayag ng mga kakilala ko sa school. Anyways, let's forget about it for a moment and focus on our conversation.

“Okay fine, sorry–“ Madami pa sana akong sasabihin pero bigla siyang nagsalita.

“Apology accepted!” Masigasig na sabi niya. “So can I come over?”

I raised my eyebrow. “Seriously Rim? It’s already late. May bukas pa naman,”

“Now na. Please?” I swear to god nagpo-pout siya sa other line.

“Gabi na,” I said dryly.

“Sandali lang please? May bibigay lang ako,”

“Ano?” I ask curiously.

“Gift ko sayo,” He simply replied.

Oo nga pala. Everytime na anniversary ng friendship namin lagi niya nalang akong binibigyan ng gift. I felt sorry for him. Kadalasan kasi bear hug lang ang naisusukli ko sa kanya. But he seems fine with it kaya hindi ako medyo nagi-guilty.

“Pwede mo naman ibigay sa akin bukas,” I stated.

“Bukas na nga natin gagamitin, eh.” I heard him stomp his foot. Hindi ako tuloy mapagilang matawa.

“Kelangan talaga magmaktol?”

“Sige na? Please? Please? Please?”

Ang kulet talaga ang lalaking ito. Hindi matatahimik hanggat hindi naibibigay sakin yung ‘gift’ daw niya. Kaya sa huli, wala na kong nagawa kundi payagan siya.

“Yehey! Can you open the gate?”

My eyes widen. “Whoa. Don't tell me the whole time na magkausap tayo nasa gate ka na?”

He chuckled shyly and said, “Yup” he pops the 'P'.

I snorted. “Baliw ka talaga! Pwede ka naman tumawag muna bago ka pumunta. Pano nalang pala kung hindi ako pumayag? Edi nganga ka?”

“Sorry na faye. Galing kasi kami sa mall then napadaan kami dito kaya sabi ko ibibigay ko na sayo yung gift ko since andito na din naman ako,” He reasoned.

“Fine. But next time tumawag kag muna bago ka pumunta. Intyendes?”

“Yes boss!” he click his tongue. I laugh. Nakakatuwa talaga siya. Everytime na malungkot ako lagi nalang siyang andyan at pinapangiti ako. Bigla ko tuloy nakalimutan na magkagalit pala kami. Kapag magkaaway kasi kami, siya ang laging lumalapit at humingi ng paumanhin.

Kadalasan gumagawa siya ng mga nakakahiyang bagay para lang magkaayos kami. Katulad nalang ng pagsosoot ng gown last year sa prom at pag-awit ng kanta ni Miley Cyrus sa stage habang soot niya ang nakakahiyang damit na iyon. Naging center of attraction nga siya nun, but even so, he manage to ignore them. Instead, he just stared into my eyes as he waited for me to forgive him. At sino ba naman ako para hindi patawarin ang lalaking nagperform sa stage habang inaawit ang kantang Wrecking Ball? It took him a lot of courage to do such a thing. And I salute him for that.

Kapag naiisip ko na mayroon akong isang kaibigan na katulad niya, hindi ko mapigilang mapangiti. Si Rim, ang nag-iisang pasaway at mapagmahal kong best friend.

He's Into HerWhere stories live. Discover now