Panimula (ᜉᜈᜒᜋᜓᜎ)

1.9K 59 2
                                    

Panimula
ᜉᜈᜒᜋᜓᜎ

Sa paglaho ng kaniyang mga mahal sa buhay, nanatiling matatag si Adamin na tumayo ng tuwid at hindi magpakita ng kahinaan

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Sa paglaho ng kaniyang mga mahal sa buhay, nanatiling matatag si Adamin na tumayo ng tuwid at hindi magpakita ng kahinaan. Kasing-tigas ng bato ang kaniyang puso dulot ng mga delubyong dinaanan niya. Ang tanging naiwan lang sa kaniya ay ang kasintahang si Kiron.

Ipinangako niya na hindi siya mabibigo na bigyan ng sapat na hustisya ang mga yumaon niyang kamag-anak. Hindi niya hahayaan na pati siya ay matangay rin ng hangin.

Bagsik, galit at hinanakit.

Paano ba niya magagantihan ang lalaking sumira sa buhay ng kaniyang mga minamahal? Hanggang kailan niya kayang umilag sa paparating na kagat ng pangil ni Tarim?

---

Book 2 of Bihag ni Dakum

Pangil Ni Tarim [MxM, SPG]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora