II

1.1K 57 9
                                    

ᜁᜃᜎᜏᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ
Ikalawang Kabanata

(Paalala: Maselang Nilalaman)

Dinama ko ang tronong dating pagmamay-ari ni Dakum. Humagod sa dulo ng aking mga daliri ang mga maninipis na detalyeng nakaukit sa matibay na kahoy. Mas maganda pa ang disenyo nito kumpara sa trono na pinagawa ko sa aking mga alagad.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na sinunod ng tadhana ang pagkamatay ni Dakum. Mukhang hindi niya kinaya ang pamamaalam ng aking kapatid kaya napag-isipan niyang sumunod na rin dito.

Hindi ako kailanman nabilib sa kaniyang naging pasya. Sa totoo lang, mas lalo lang akong nanlumo dahil sa pagiging makasarili niya. Hindi niya inisip ang kapakanan ng kaniyang nayon at basta-basta nalang niya itong nilisan upang sundan sa langit ang kaniyang pinakamamahal. Grabe, kailanman ay siya nababagay na ilathala bilang isang alamat. Hindi siya dapat hangaan ng kahit sino.

Sabi ng mga alagad dito, bihira lang upuan ni Dakum ang kaniyang trono. Ngunit tandang-tanda ko ang ma-otoridad niyang pag-upo habang pinaglilitisan kami ng aking kapatid. Marahil ginagamit niya lang ito sa mga okasyon. Ngunit mukhang magagamit ko naman ito ng madalas.

Kailanman ay hindi ko hinangad ang kapangyarihan, ngunit sa pagbibito ng tadhana ay mas lalo pa akong lumakas. Mas lumawak ang lupain na ang aking naging sakop ng aking kapangyarihan. Alam kong hindi ito magiging madali para sa akin sapagkat bago kang ako sa pagiging pinuno.

Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa'kin ang pagkawala ng aking kapatid, ang natatangi at natitira kong pamilya. Gumuhit ang kirot sa aking dibdib na pilit kong tinitiis. Madalas ko itong nararanasan sa tuwing nakatulala ako at walang ginagawa, sapagkat biglang bumabalik ang aking mga alaala kahit hindi ko man naisin.

Maya-maya ay may dumating na alipin sa aking harapan. Tumungo siya sa bulwagan upang magpakita.

"Pinunong Adamin, paparating po si kamahalang Kiron dito sa inyong tahanan," aniya. Yumuko pa siya sa harap ko.

"Ano raw ang sadya niya?" tanong ko.

"Wala po akong ideya, pinuno, ngunit nakita ko po siyang may hawak na pana at mga palaso."

Tumango lang ako sa alipin. Maya-maya pa ay dumating na ang kalaguyo kong si Kiron dala ang sandatang tinutukoy ng alipin sa akin. Nakangiti siyang tumungo sa aking harapan.

"Abala ka ba ngayon, Adamin? Nais lang sana kitang ayain upang mangaso sa kakahuyan," paanyaya niya. Wala naman akong naiisip na dapat kong gawin ngayong araw, kun'di ang maghintay ng maaaring magreklamo sa aking harapan.

Hindi talaga ako marunong mangaso. Gusto nanaman ni Kiron na ayain ako sa subukan ito.

"Sa tingin mo, mukha ba akong abala ngayon?" tanong ko sa kaniya ng pa-sarkastiko. Bahagya lang siyang tumawa. "Sige, papayag ako na samahan ka."

Bumaba na ako mula sa aking trono at pumunta sa kaniya. Dinaluhan niya ako ng isang mahigpit na yakap at halik sa noo. Pabiro ko lang siyang sinuntok sa dibdib.

"Ang tagal na kitang hindi nakikita. Ilang araw na nung umalis ka sa nayon natin," sabi niya sa malungkot na tono. Tinignan ko siya sa mata.

"Pasensya na. Nag-iisip pa ako ng paraan kung paano ko mapag-iisa ang dalawang lupain. Itong bahay ni Dakum ang napagpasyahan kong maging sentro ng ating komunidad," paliwanag ko sa kaniya.

"Sabihin mo sa'kin kung nahihirapan ka. Maaari naman kitang tulungan," alok niya sa akin, ngunit bigla akong umiling upang ipakita ang hindi pagsang-ayon.

"Kaya ko na 'to mag-isa," simple kong sambit. Kumawala na kami sa aming pagkakayakap. "Ano? Tara na?"

"Pumunta na tayo," aniya.

Pangil Ni Tarim [MxM, SPG]Where stories live. Discover now