Dear Bestfriend

179 32 9
                                    

Dear bestfriend, sabi mo bestfriend kita
Hindi tayo maghihiwalay na dalawa
sa saya't lungkot dadamayan ang isa't- isa
pero bakit nung dumating siya , ako na lamang mag-isa?

Dear bestfriend,alam mo nagseselos na ko
mas may oras ka pa kase dyan sa boyfriend mo
samantalang ako nandito sa sulok nakaupo
naghihintay lamang na muling tabihan mo

Dear bestfriend, nag-away daw kayo sabi nia?
Wag ka ng umiyak magkakaayos din kayong dalawa
Tahan na, sige na, ngumiti ka na
Nandito lamang ako dadamayan kita

Dear bestfriend, sabi ko naman sayo diba?
Na magkakaayos din kayong dalawa
ngayon masaya ka na ulit kasama siya
samantalang ako, heto nalulungkot kase nalimutan mo na

Dear bestfriend, may problema ako.
Nasaan ka? kailangan kita!
Dear bestfriend, nasasaktan ako.
Nasaan ka? kasama mo nanaman ba siya?

Dear bestfriend, kailangan kita.
Masakit na.Hindi ko na kaya.
Malungkot ako pero wala akong kasama
nasaan ka na? bestfriend pa ba kita?

**

Ganun ba talaga?kapag may boyfriend na ang bestfriend mo? Konti na lang ang bonding time niyo?I miss her.Oo,kasama ko pa rin siya.Nakikita sa araw-araw,pero alam niyo yung feeling na parang may kahati ka sa atensyon ng bestfriend mo?there are times kase na ganun yung nafifeel ko.Pero I still love my bestfriend:) I love all of my bestfriends....

(No, I'm not reading this again.)

**

Rebel ☠️

Dark sideWhere stories live. Discover now