Chapter 5

13 0 0
                                    

Luisa

"I changed my mind. Tutuloy ako." Napahinto ako sa pag-aayos ng mga bagong tuping damit namin sa cabinet nang marinig ko ang sinabi ni Gab. At first I was surprised pero mas nanaig ang pag-intindi ko sa desisyon niya. He needs to do it for their company. Minsan may mga bagay talaga na kailangan ng konting sakripisyo.

"Good." Iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Habang patuloy pa din sa ginagawa ko.

"I've thought this through and I guess it's really best to take the job, I can't let them get disappointed with me, and besides, it won't take long." Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko. Hindi na ako nagsalita dahil sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko. There's something in Gab's words that always make me assured and comfortable. It's like music to my ear.

"I promise. Okay." Sabi niya ulit.

"Hindi mo kailangang mag-alala. I support your decision all the way Gab. I really do." Sabat ko naman. Hindi ako tutol sa gusto niya. As his wife I have to be there every step of the way. Alam ko na magiging magandang panimula ito sa kanya, so I'm not going to be a hindrance.

"Kailan ba ang alis mo? Nang matulungan kitang mag-impake." Tanong ko habang nakahawak parin siya sa kamay ko. Matagal pa bago siya sumagot. Binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti.

"What's with the smile?" Nagtataka kong tanong.

"Do we really need to rush the packing? Why don't we just skip to the honeymoon part?" His smile became more wide and seducing. Sa totoo lang ay nakalimutan ko na na nasa honeymoon stage pa pala kami. Masyado akong nakatuon sa flower shop kaya hindi na ito sumasagi sa isipan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumayo si Gab at hinila niya ako papunta sa kanya. Agad naman akong napatayo sa kina-uupuan ko.

"You look fabulous tonight." He slowly whispered through my ear, and it sent shivers down my spine. Alam ko kung anong gusto niya'ng mangyari. He's trying to turn the situation into something wild.

"Kahit kailan talaga ay napaka bolero mo." Natatawa kong sabi habang nakayakap sa kanya. 

"No I'm not. Nagsasabi ako ng totoo." Sagot niya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at tumitig sa mga mata ko. Hindi pa man ako nagsasalita ay agad niya akong hinalikan. The kiss was so passionate. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumigay ako sa halik na iyon. His hands roam around my body. I was so into him that I didn't notice we were already laying on the bed. Parang may mga sariling pag-iisip ang mga kamay ko dahil hindi ko napigilan na alisin ang suot na polo ni Gab. I was struggling with the buttons and when he noticed it, he stop kissing me. We were barely catching our breaths. Napailing siya at tinulungan niya ako. Ni minsan ay hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. Hindi ko mapigilang tumawa. I mean, we were doing this thing for quite sometime now but I still struggle on the undressing part. Nakakahiya. Nang ma-alis ko na ang damit niya ay agad niya ulit akong hinalikan.

"You're doing fine love." He said between the kisses.

We continue what we're doing hanggang sa lumalim ang gabi.

~~~~~~~~~

Nagising ako at napansin na wala na si Gab sa tabi ko. Agad ko namang tiningnan ang digital clock sa may bedside table.

*7:25 am*

Bumangon ako at agad na tinakpan nang kumot ang katawan ko. Wala kasi akong suot na damit.

"Good morning love." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Gab. Lumabas siya sa walk-in-closet, nakasuot na siya ng damit pang opisina. Nakaharap siya sa akin at inaayos ang neck tie niya. May nagawa ba akong magandang bagay sa past life ko para biyayaan ako ng ganito ka gwapo na asawa? He looks so dreamy. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Kahit sino sigurong babae ay mababaliw sa kanya kapag nakita siya'ng ganito sa umaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing YouWhere stories live. Discover now