Chapter 1

51 2 0
                                    

Luisa

Hindi ko mapigilang maluha sa nasasaksihan ko ngayon, isa ito sa mga bagay na pinaka-inaasam ko.

My very own wedding.

Masayang nagkukumpulan ang mga bisita sa bawat sulok ng venue. Sa mga oras na ito ay ginaganap ang aming reception. Sana nga lang ay nandito ang mga magulang ko pero maaga silang binawian ng buhay. Pero kahit papaano ay umaapaw pa din ang saya sa puso ko.

"Are you okay?" Napalingon ako sa lalakeng nagsalita. Mapupungay ang mga mata niya at napaka-matangos ng ilong. He is beyond perfect and he is now my husband.

"Napakasaya ko lang kasi natupad na ang isa sa mga pangarap ko. At iyon ang makasal sa pinakamamahal ko." Sabi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Hindi niya naman pinigilan ang pag-ngiti niya. Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Me too, and you look stunning today love."

'Ding! Ding! Ding! Ding! Ding!'

Nabaling ang atensyon namin sa ingay ng baso.

"Attention everyone! I would like to give a toast to this beautiful couple here. I wish you a happy life and sana magka-pamangkin na ako agad." Malakas na sabi ni Marco sabay tawa.

Siya ang nakababatang kapatid ni Gabriel. Hindi ko mapigilang makaramdam ng pagka-dismaya dahil naaawa ako at nahihiya sa kanya. Malaki ang pagtingin ni Marco sa akin, bago pa man kami nagkakilala ni Gabriel ay nagtapat siya pero ano ang magagawa ko? Wala akong nararamdaman sa kanya at kalaunan ay nakilala ko ang kapatid niya. What are the odds, bakit kapatid niya pa?

Masyado siya'ng nasaktan at sa totoo lang ay dahil sa akin kaya siya lumipad papuntang Australia. Bumalik lang siya ngayon dahil kinasal kami ni Gabriel. I admit, isa itong malaking sampal para kay Marco. It takes a lot of courage to show up at my wedding but he just did. Na-gui-guilty ako na ewan.

Nagpalak-pakan naman ang mga bisita at agad nilang itinaas ang kanya-kanya nilang baso.

"Congratulations!" Sigaw nila.

Mahigpit pa rin akong naka-hawak sa kamay ni Gabriel.

Halos tumagal din nang ilang oras ang selebrasyon at hindi ko na mabilang ang mga tao na bumabati sa amin.

Ito ang pinaka-masayang gabi sa buong buhay ko. Wala na akong ibang mahihiling pa.

~~~~~

"Noong isang araw lang ay ikaw pa si Luisa Alcantara, aba akalain mo! Ngayon ikaw na si Luisa Alcantara Rodriguez! Bongga!" masayang sabi ni Abby. Siya ang kababata ko at syempre matalik na kaibigan. I was fifteen nang mamatay ang tatay ko dahil sa heart failure and I was nineteen nang sumunod naman ang nanay ko dahil sa hypertension. Naulila na akong lubos at isa si Abby sa mga taong nanatili sa tabi ko.

Kahit papaano ay may kaya kami at lahat ng properties nila mama at papa ay iniwan sa akin dahil nag iisa lang naman akong anak. Nagpursige ako na makatapos ng pag-aaral at nakapag-patayo ako ng hindi gaano kalaking flower shop. Mahilig kasi talaga ako sa mga bulaklak.

"Kahit ako ay hindi makapaniwala. It was so surreal." Sabat ko naman habang inaayos ang mga bulaklak. Totoo na hindi pa rin ako makapaniwala na parte na rin ako ng pamilyang Rodriguez. Sila lang naman ang isa sa mga kilalang pamilya dito sa Maynila.

"Jackpot ka na nga sa asawa mo, jackpot ka pa lalo dahil napakayaman nila." Dagdag niya pa.

"Ano ka ba Abby, hindi naman pera ang habol ko sa kanya. I can manage to earn my own money. I marry him because I love him." Sagot ko. Kahit kailan ay hindi ako nasilaw sa pera ni Gabriel. I am an independent woman and I can provide for myself. Noong una ay iyon ang akala ng mga magulang niya, nag-aalala sila na baka huthutan ko lang daw ang anak nila pero hindi ako ganong klaseng tao. Nang nalaman nila na isa akong business woman ay tanggap na nila ako para sa anak nila. Kung ako ang tatanungin ay hindi magandang ugali ang ganun. Sa tingin ko ay ganun talaga mag-isip ang mga mayayaman.

"Sa bagay. Ah basta ikaw na talaga. Ako kaya kailan ko makikita ang Gabriel ko?"

"Sa tingin ko, ngayon na." Napalingon naman siya sa akin at naguguluhan ang ekspresyon niya. Sumenyas ako sa may pinto at saktong papasok ang isang lalake na sabihin na nating gwapo. Kinindatan ko si Abby at bumalik na ako sa mga bulaklak. Abot tenga naman ang ngiti niya. Napa-iling nalang ako habang tumatawa. Kahit papaano ay gusto ko rin naman na maging masaya si Abby. Mahabang panahon na siya'ng single eh.

Hapon na nang naisipan naming  bumili ng meryenda medyo nagugutom na rin kasi kami dahil medyo madami ang customer kanina at hindi sumagi sa isip namin ang pagkain.

"Isa, anong gusto mong kainin?" tanong niya habang hinahanap ang pitaka sa bag niya.

"Kahit ano. Libre mo ba?" Natatawa kong sabi.

"Aba syempre, hindi. Ikaw ang mayaman kaya ikaw ang magbabayad ng sa'yo." Tinaasan niya ako ng kilay sabay tawa. Kahit kailan talaga napaka-mapang-asar ni Abby.

"Sayang, akala ko libre mo, kasi dumudukot ka na sa pitaka mo eh." Pang-aasar ko sa kanya.

"Hmm, total bagong kasal ka naman, sagot ko na. Baka kasi hindi ka pa nakakabawi sa gastos niyo." Sabi niya sabay lakad papuntang pinto. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Damihan mo ah! Gutom ako!" Sigaw ko at tuluyan na siya lumabas.

Habang naghihintay ay maigi kong inayos ang mga bulaklak na bagong deliver. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. Hindi ko nakita kung sino ang pumasok dahil natakpan ito ng mga bulaklak. Si Abby na yata iyon. Ang bilis niya naman.

"Ang bilis mo namang nakabalik, baka sandwich lang 'yang binili mo ah." Nakatuon pa rin ako sa mga halaman.
Hindi sumagot si Abby at nagulat ako ng may yumakap mula sa likod ko.

"I miss you." Bulong ni Gabriel.

"Ang aga mo naman yata." Humarap ako at ngayon ay nakatitig ako sa mga mata niya. His eyes are my weakness.  Everytime I look at those orbs ay parang na hi-hypnotize ako. Parang napupunta ako sa ibang mundo. Yung mundong kami lang ang nandoon at wala nang iba.

"Maagang natapos ang meeting kaya naisipan kong sunduin ka na lang. After all, we're still on our honeymoon. Diba?" Sabi niya. I rolled my eyes.

"Alam mo, madami pa naman tayong oras para sa honeymoon, for now just let me work." Hinawakan ko ang pisngi niya. Nang marinig niya iyon ay para siyang bata na ayaw bilhan ng lollipop. Ang cute niya.

"Okay, okay. Hintayin lang natin si Abby, kakain tayo tapos we'll leave." Niyakap ko siya ulit. We stayed like that for a couple of minutes.

Chasing YouWhere stories live. Discover now