Chapter 3

20 1 2
                                    

Mataas na ang araw nang bumaba ako galing sa kwarto. Hindi na ako nakasabay kay Gab nang umalis siya papuntang trabaho kasi nagmamadali siya. Madami raw kasing kailangang asikasuhin sa opisina. Maganda na siguro iyon para naman magamit ko ang kotse ko. Simula kasi nung lumipat kami rito sa mansyon ay hindi ko na halos nagagamit ang sasakyan. Hatid sundo na kasi ako ni Gab.

"Kumain ka muna bago ka umalis." Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Marco na nanggagaling sa may bar counter. Umiinom ba siya?

"Sa shop na lang ako kakain." Sagot ko habang inuusisa ang baso na hawak-hawak niya. Medyo nakahalata yata siya kasi napansin niya'ng hindi umaalis ang paningin ko sa iniinom niya.

"Champagne. Want some?" alok niya.

"No thank you. Sige aalis na ako." Maiksi kong sagot. Napaka-aga pa para uminom at bakit naman ako iinom kasama niya?

Nagsimula akong maglakad papunta sa front door nang bigla siya'ng nagsalita.

"Luisa." Hindi gaanong malakas ang pagkaka-sambit niya pero rinig na rinig ko ito. Huminto ako at lumingon ako kung saan siya naka-upo. Nilagay niya muna ang baso sa bar counter at diretsong tumingin sa akin.

"I want to apologize for what happened last night." Inayos niya ang pagkaka-upo niya. "I know my brother well and I shouldn't have bite the bait." Dagdag niya pa. Buti naman at na realise niya iyon. Alam ko naman na mabuting tao si Marco at hindi siya gagawa ng mga bagay na ikakasama ng kapatid niya o ng sino man na malapit sa kanya.

Tumango na lang ako, indikasyon na tinatanggap ko ang apology niya.

"Sige na. You can go." Maikling sabi ni Marco pagkatapos kinuha niya ulit ang baso na may champagne at agad na tumayo. Pinagmasdan ko lang siya habang umaakyat sa may hagdanan papunta sa itaas. When he was out of my sight, lumabas na ako at umalis na papuntang trabaho.

Halos kalahating oras na akong naka-upo sa loob ng kotse at hanggang ngayon ay paunti-unti parin ang usad ng mga sasakyan. I glance at the digital clock and sighed.

9:40 am.. It says.

Sana naman ay nabuksan na ni Abby ang flower shop kasi sayang ang kita.

Pagkaraan ng ilan pang minuto ay nakarating din ako sa shop. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nadatnan kong bukas na ito at may mga customer na namimili.

"You're late. Kung ako ang may-ari, siguradong tanggal ka na. But sad to say, its the other way around." Bungad sa akin ni Abby. As usual, ngumunguya nanaman siya ng bubblegum habang nagsasalita. Hobby talaga niya ang pumapak ng bubblegum.

"Wag ka na po'ng magalit. Na traffic lang ako." Paliwanag ko.

"Can you make this into a bouquet please?" Napalingon naman kami nang biglang nagsalita ang isang customer.

"Ako na. Magpahinga ka muna, stress ka pa sa traffic eh." Bulong naman ni Abby sa akin. "Yes sir, pwedeng-pwede po." Dagdag niya.

Mabuti na lang talaga at nandito si Abby. Hindi ko talaga alam ang gagawin kung wala siya.

Habang busy si Abby sa pag-gawa ng bouquet ay umupo na ako sa may counter area.

Lumipas ang oras na halos wala kaming pahinga. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga customer kaya tuloy-tuloy din ang trabaho namin. Hindi ko nga namalayan na tumawag pala si Gab. Pauwi na ako ngayon at nakatuon ang pansin ko sa pagmamaneho. Medyo maluwag na ang usad ng mga sasakyan kaya hindi gaanong hastle ang daan.

Maaga akong naka-uwi sa mansyon. Pagpasok ko ay parang napakatahimik ng buong paligid. Umakyat naman ako kaagad sa kwarto at nagpalit ng damit, pagkatapos kong magpalit ay lumabas ako. Sakto naman na nakasalubong ko si Gab na paakyat.

"I called you many times, why didn't you pick up?" Bungad niya sa akin. Nasa kanang kamay niya ang coat at suitcase niya at maluwag na ang neck tie na nasa leeg niya.

"Madaming tao kanina sa shop. Hindi ko na check ang phone ko." Sabi ko. Kukunin ko na sana ang coat at suitcase niya nang bigla niya akong nilampasan.

"Right, I'm tired." Agad siyang naglakad papunta sa kwarto. I just sighed. Sinundan ko na lang siya. Pero bago pa man ako makapasok ulit ay napatingin ako kay Marco na ngayon ay nakatayo sa may hallway. Talo niya pa ang kabute, basta-basta na lang siyang sumusulpot.

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko.

"He's such a jerk." Sabi niya. Hindi na ako nakapagsalita pa kasi naman umalis siya kaagad. Mababaliw talaga ako sa bahay na ito. Napa-iling na lang ako.

Pagpasok ko sa kwarto ay nadatnan ko na naka-upo si Gab sa kama at inaayos ang laman ng suitcase niya.

"Akala ko ba pagod ka?" Umupo ako sa tabi niya.

"I need to fix my things." Maikli niyang sagot. Galit ba siya dahil hindi ko nasagot ang mga tawag niya kanina? Bakit ang cold niya? Hindi naman siya ganito. Hindi ako sanay na ganito siya makitungo sa akin.

"Galit ka ba sa akin? Busy lang talaga ako kanina kaya hindi ko nasagot ang tawag mo." Paliwanag ko.

"I'm going to Australia and I don't know when I'm going back." Hindi iyon ang gusto kong sagot mula sa kanya. Para akong dinaganan ng malalaking bato. Is this a prank?

"A-australia?"

"Yes Luisa and I'm upset. Ayokong iwan ka dito. But the board told me that I need to go alone." He burst out.
"Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang gusto nilang ipadala doon. Why not Marco? Siya naman ang naka assign doon. They didn't even give me an exact date kung kailan ako babalik. Are they out of their minds?" Galit niyang sabi. Habang ako naman ay hindi alam kung anong sasabihin. I'm speechless.

"I'm not going." Pahabol niya.

"Pag-isipan mo munang mabuti Gab." Sabi ko habang hawak-hawak ang kamay niya.

Ayoko ko kasing mag desisyon siya ng hindi niya pinag-iisipan. What if, importante talaga na siya ang pumunta doon, ayokong maging hadlang sa kompanya nila. Baka sabihin ng mga magulang niya na mina-manipulate ko si Gab. Oo, ayokong umalis siya pero kung kailangan I'm fine with it. Babalik din naman siya.

"No. I'm not going." Sabi niya at tumayo siya papuntang banyo.

Alam kung magbabago pa ang isip niya. Masyado lang siyang galit ngayon.

Chasing YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu