CHAPTER 3

374 22 4
                                    

"GIRL una na ako ha. May next class pa ako!" paalam ni Liro kay Lavienzy.

Ngumiti naman si Lavienzy. "Sige! Salamat sa pagsama sa'kin at pagsagot sa tanong ko ha!" sagot niya.

Tumawa si Liro. "Alam mo, you're the first from your class who said thank you."

"Ano lang ba ang pwedeng sabihin ng mga taga MA-1 at parang ang daming words ang hindi nila sinasabi?" kunot noong tanong niya.

"Ganito yan. They never said sorry kahit sila ang may kasalanan. They never say please or begged for something dahil karamihan talaga sa kanila, spoiled brats. And they never say thank you even though you did something good for them," paliwanag nito sa kaniya.

Napasimangot siya. "Mapa-pride lang talaga sila!"

Natawa si Liro sa sinabi niya. "Let them hear you saying that, lagot ka!" pananakot nito.

"Takot ako!"

"Sige, una na talaga ako! Bye!" Saka ito parang hanging nawala sa harap niya.

Siya naman, hindi alam ang gagawin niya. Vacant niya ayon sa schedule niya. Unti unti na ring nagsibalikan ang mga estudyante ng bawat class sa mga classroom nito.

Kumunot ang noo niya nang mapansing parang tanging siya na lang ang nag iisang nagpapalakad lakad sa campus. Seryoso? Siya lang talaga ang vacant ang sched sa oras na 'to?

Nagkibit balikat siya. Mas mabuti na rin siguro para iwas kapahamakan lalo na at alam niyang mga basagulero ang nag aaral dito. Pero gano'n na lamang ang pagkagulat niya nang mamataang magkakasama ang mga estudyante buong section niya.

Nang makalabas ang mga ito mula sa mafiro building, saka lang ito naghiwa hiwalay.

As usual, magkakasama yung tatlo sa lalaki na nakita niya kanina sa cafe. Tapos yung dalawang lalaki kasama yung isa sa nanaksak sa braso niya, magkasama rin. Mukhang magkakaibigan. Yung apat na natitirang babae, nahati sa tatlong grupo. Yung isang babae na tahimik, humiwalay. Meron ding isang babae na pumasok ulit sa building. Habang yung dalawa pa sa mga babae ay nag uusap usap.

Ang ginawa niya, tumalikod siya. Tumalikod siya dahil ayaw niyang pansinin ang mga kaklase niyang weirdo. Nagmadali siyang bumalik sa bench na pinagtambayan nila kanina ni Liro.

"Hey." Naging bilog na bilog ang mata niya sa narinig.

Hindi niya inaasahang lalapitan siya nung isa sa kaklase niyang tahimik. Maputi ito at parang kasing kulay nito ang buhok. Maganda ang hugis ng mata, matangos ang ilong, manipis na labi. Mas matangkad siya ng kaunti rito.

The girl's very pretty that even though she's a girl, she can't help but to admire and appreciate at the girl's beauty.

"H-Hey..." she answered stuttering.

The girl isn't similing at all, hindi rin naman nakasimangot. This girl's keeping her poker face. But even though she's not smiling, she's still very pretty.

Gosh! Why do I keep on complimenting her face?

"I can sense some fear from you. Natatakot ka sa'kin?" tanong nito.

Even her voice sounds like music! Is it possible for someone to have that voice? Bakit yung kaniya parang naghahamon ng away? Hindi niya mapigilang mainggit dahil ang ganda pakinggan ng boses nito kahit nagsasalita lang.

"H-Hindi naman. Task mo rin ba ako kaya mo ako nilalapitan?" tanong niya at lumayo ng kaunti.

Amazement was visible on the girl's face. Para siyang may ginawang kakaiba na nakapagpa-amazed dito.

Triztan UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon