CHAPTER 4

355 20 4
                                    

MATAPOS ang pagpapakilala ni Deeiane kay Lavienzy ng iba pang mga estudyante ng MA-1, dinala siya nito sa sinasabi nitong Den. Pumasok silang muli sa building ng Mafiro at ngayon niya lang nalamang may elevator sa building na yon.

Kinuha ni Deeiane ang sariling ID at itinapat sa kung ano para magsara ang elevator. Namangha naman siya. She finds it cool!

"Teka... bakit 4th floor and basement lang ang button?" tanong niya sa tahimik na si Deeiane.

"Only students from MA-1 have an access to this elevator."

Natahimik siya after non. She finds it cool at the same time unfair for those who are not from MA-1. Napaka unfair sa ibang estudyante...

"Ingatan mo iyang ID mo. That will be your access to the Den, elevator and to the cafeteria."

Kumunot ang noo niya. "Cafeteria?"

"Yes. Hindi mo na kailangang magbayad dahil nakacharged yung pagkain mo sa Dad mo."

Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na yon. Pag uwi niya mamaya, kailangan niya talagang makausap ang Dad niya. Ang dami niyang kailangang sabihin at itanong.

Nang huminto ang elevator sa basement, namangha siya sa sumalubong. Sakto kasi na pagbukas ng elevator, isang napakalawak na sala ang sumalubong sa kaniya. Everything in this Den screams wealth!

Bukod sa napakalinis, napakaayos at nagkikintaban ang mga gamit. Halatang hindi pinapabayaan. May nakita siyang tatlong pinto kaya hindi niya mapigilang ma-curious.

"Welcome to our Den. If ever you want to relax, sleep and spend your free time, the Den's open for you. Kumpleto sa lahat. May entertainment room, bedrooms, bathroom, kitchen and study room. You can come here anytime you want," sabi ni Deeiane.

"Anong nasa likod ng tatlong pintuan na yan?" Tinuro niya ang pintong nakita niya.

Deeiane went to one of the doors and opened it. "This is the kitchen. If ever you want to eat something or cook something, you can come here."

Pagbukas ng pinto ng kitchen, nakita niya ang isa sa classmates niya. Ito yung isa sa tatlong lalaking magkakasama. Sa natatandaan niya, ito yung pinakilala ni Deeiane na Styler.

"Hey Style! The new student's here." Humarap ito at kumaway sa kaniya.

"Hey, Miss Villamor! Welcome to MA's Den! Feel at home! Styler Montañano at your service. You can call me Style," sabi nito at ngumiti nang malawak sa kaniya.

Ngumiti siya nang alanganin pabalik. "Lavienzy na lang din. And hello!"

Natawa si Styler sa kaniya. "Don't worry about that forbidden rules. Kapag nandito ka sa Den, you're free. You can smile, laugh or be yourself in here. Huwag nga lang sa labas."

She just gave him a small smile in return. Sinenyasan siya ni Deeiane na sumunod muli rito kaya kumaway siya kay Styler na kumaway rin pabalik sa kaniya. Sumunod siya kay Deeiane na pumunta naman sa isa pang pinto.

Binuksan ni Deeiane yon at bumungad sa kaniya ang medyo dim na room. Nakita niya sa loob ang tatlong bulto ng taong naglalaro ng billiards. Sa pagkakatanda niya, it's Zionn Vin, Efren and Yander.

Sa isang table naman, dalawang babae na nanonood lang at kumakain ng cake. It is Aeriza and Mauie.

"This is the entertainment room. Sila sila lagi ang laman nito. Kilala mo naman na sila di ba?" sabi ni Deeiane.

Tumango si Lavienzy. "Natatandaan ko naman..."

"Hey everyone! The new student's here!" Tumingin ang lahat sa kaniya dahil sa sinigaw ni Deeiane.

Triztan UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon