CHAPTER 5

368 20 17
                                    

NAGMADALI si Lavienzy na kinuha ang bag at lumabas ng kwarto. Late kasi siyang nagising at for sure, pagdating niya sa school, late na naman siya.

Napamura siya sa isip. Pangalawang araw pa lang pero ito siya at magkasunod na araw pa talaga siya laging na-le-late.

Malas!

Nagpahatid siya sa driver. Mabuti na lang din at hindi gaanong traffic dahil kung nagkataong traffic nga, super late na talaga siya. She arrived at the university 15 minutes late for her first subject.

"Salamat sa paghatid, manong! Balik na lang kayo later kapag uwian na namin!" nakangiting paalam niya sa driver.

Umiling naman ito. "Hindi puwede ma'am Lavie. Bilin po sa akin ni Boss na hintayin kayo hanggang matapos ang klase niyo. Ayos lang ako rito sa labas, ma'am."

"Manong naman! Boring dahil 6 hours pa ang klase ko! Maglibot ka muna kung gusto mo, ako ang bahala sa'yo!" nakangiti niya pa ring sabi.

"Sigurado ka po ba ma'am?"

Tumango tango siya. "Oo naman po. Sige po, una na ko manong! Super late na talaga ako."

Ngumiti pa siyang muli bago kumirapas ng takbo paalis. Kailangan niya na talagang magmadali at tumakbo dahil baka umabot pa siya ng 30 mins kung maglalakad lang siya.

Pero napahinto siya nang may makita na pamilyar na bulto ng lalaki. If she's not mistaken, it's one of her classmates.

She suddenly remembered the picture that Deeiane showed her. This guy is Darieous Jryzo Mondragon, Deeiane's cousin. Nakapamulsa ito habang naglalakad at iniikot ikot ang leeg.

Bumagal ang lakad niya at sinundan ang lalaki. Kung late ito, may kasama siya. Gumaan ang pakiramdam niya sa isiping iyon. Hindi siya ang nag iisang ma-ho-hotseat.

Sinundan niya si Darieous hanggang sa sumakay ito sa elevator. Dahil nabanggit naman ni Deeiane na all MA-1 students can use the elevator, sumakay rin siya kahit na hindi siya komportableng makasama sa iisang lugar itong si Darieous.

"Pwede naman siguro akong sumabay 'no?" alanganin niyang tanong.

Kumunot sandali ang noo ni Darieous at bumalik ulit sa usual nitong ekspresyon. Ekpresyong parang laging bored at walang gana sa lahat. Hindi ito umimik hanggang sa magsara ang elevator. Tanging repleksyon lang nilang dalawa ang nakita niya sa salamin ng elevator.

Medyo hindi rin siya mapakali dahil pa-minsan minsa'y tumitingin si Darieous sa gawi niya at iiwas tapos titingin ulit.

Hindi niya tuloy maiwasang diretsahin ito.

"Ahm, can I ask why do you keep on looking at me? May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya pa.

Tumikhim si Rieou. "Not your face. Your uniform is unorganized, fix it."

Napatingin siya sa vest at panloob na na long sleeve na ngayon ay gusot gusot dahil sa pagmamadali niya kanina. Ngayon niya lang napansin at iba pa ang nagsabi sa kaniya.

Nakakahiya, shuta!

Agad niyang inayos ang nagusot na polo kasabay nang pagbukas ng elevator. Naunang lumabas si Rieou at hindi siya nagpahuli. Ayaw niyang mapag initang mag isa, dapat may kasama siya tutal parehas naman silang late.

May guro nang nagtuturo sa harap. Pero nang dumating si Rieou, dire-diretso man lang ito at hindi humingi ng paumanhin. Until she remembered the rules Deeiane was talking about.

But still, "Sorry po, I'm late!" Humingi pa rin siya ng paumanhin sa guro.

Napailing iling na lang ang guro at para bang may nilista na kung ano. Siya naman ay umupo na sa upuan niya.

Triztan UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon