Kabanata 10

236K 7K 7.9K
                                    

Kabanata 10

Tuwang-tuwa sila sa celebration ng graduation ni Adira pero ako'y tulala rito sa upuan ko. I was craving for really sweet desserts earlier but now, kagat-kagat ko na ang labi.

"Okay ka lang?" Clyte asked when she realized I am not laughing with them while listening to Zion's corny jokes.

"Huh?" I glanced at her.

"I said, are you okay, Crest-Crest? Tulala ka, 'yong dessert mo hindi mo nagagalaw." She said.

Sumulyap ako sa pagkain sa harapan ko at napailing.

"Ayaw ko na." I pouted, tinulak ko ng bahagya ang platito kay Chiel at kinalabit siya. "Kambal, sa'yo na." I said.

He glanced at me, I saw how he frowned, his blue eyes giving me that weird look.

"Ang hilig mo kumuha ng pagkain tapos sa'kin mo ipapaubos." Reklamo niya.

"Kaysa sayangin?" I said. "Sa'yo na, gusto mo naman 'yan."

"I don't eat sweet that much." He even explained kaya mas sumimangot na ako.

"Akin na nga." Ani Clyte, mabilis na inabot ang platito pero hinila lang pabalik ng kambal ko.

"Gusto mo, Clytey?" tila maamong tipa niyang sabi.

"Yes, akin na. Ayaw mo naman ng matamis, eh. Akin na lang." She said.

"Ah, gusto ko na rin ngayon, eh. Hati na lang tayo?" Alchiel smiled like a fool and I frowned at him.

"Alam mo, Alchiel, pangit ka na nga, mas pumangit pa ngayon." I said and he glared at me. Narinig ko ang tawa nina Zion sa sinabi ko.

"Alchiel-taba niyo pangit daw." He said and chuckled.

"Mas pangit ka, gago." Laban din ng kambal ko at nang magsimula na silang magbatuhan ng tissue paper ay umentrada na si Clyte.

"Akin na, kakainin ko." She said and took the plate pero binalingan siya ng kambal ko.

"Gusto ko rin nito, hati na sabi tayo." He said and I saw Clyte glared at him. Chiel grinned like a dog kaya ngumiwi na ako at binatukan siya.

"Pag-umpugin ko kaya kayong dalawa." I said and stood from my seat, "oh, magtabi nga kayo at kumain at lalabas lang ako."

"Saan ka punta?" ani Clyte sa akin at muli kong naalala si Locket kaya tumikhim ako at umiling.

"Diyan lang...ano, papahangin." I smiled at her.

They let me go, I even noticed Chiel's weird look at me pero tinaasan ko lang siya ng kilay at ngumisi at tumalikod.

I went outside the resto, kaagad akong sumilip sa phone ko at nagulat nang makita ang text ni Earn.

From: Earn

Madame!!! Si Lt. Padlock galet na galet, gusto manaket!!!

My forehead creased, nag-swipe pa ng messages at nakita ang message ng dalawa.

From: Brent

Mama Crest!!! Seryoso kami bigla niyang hinampas yung lamesa tapos nag-walk out! Tinanong namin saan punta, sabi niya kay Pinga! Ikaw ba si Pinga?

From: Adam

Madame!!! Be ready parang pupuntahan ka ni Padlock!

"Is he serious?" I muttered, mabilis na nagtipa ulit ng message para i-send kay Locket.

To: Lt. Pingu

That's just a typo, Pingu!!! It's TITO and not Titi!!!!!

I received no reply like earlier kaya suminghap na ako at muling nag-type pero nag-vibrate ang phone ko.

Chaining LocketsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon