Chapter 1

436 25 14
                                    

"Bilisan mong maglakad, Chad! Para kang pagong!"

Sandali kong nilingon ang mga kaibigan kong sina Emcy at Chad na nagbabangayan bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Alam kong magkapatid ang turingan nila sa isa't isa kahit adopted lang silang dalawa... pero minsan, 'di ko mapigilang magselos tuwing nagbibiruan sila. I shouldn't have felt this. Napailing na lang ako, kung ano-ano na ang naiisip ko.

Emcy and Chad were my friends. We met during junior high school. Sa kanilang dalawa, kay Chad ako mas close... kahit na lalaki siya. Siguro tinuturing niya akong kapatid tulad ni Emcy kaya ganoon ang trato niya. Despite that, despite his sibling treatment, I saw myself liking Richard Oliver Rivas.

I couldn't blame myself from liking him because Chad is a walking perfection. Chad is so good at everything. He is actually the best. Lalo na kapag usapang acads, napakagaling niya. Idagdag mo pa na maitsura siya. So tell me, who in this world would not like him?

I shook my head.

"Bakit ba ako masyadong affected sa kanilang dalawa?"

"Huh? Sinong kausap mo, Sansan?" takang tanong ni Wilson.

I immediately shook my head. Narinig niya pala 'yon.

On the other hand, Christian Wilson is my childhood friend. His mom is my mom's friend. Nasa sinapupunan pa lang kami ng aming mga ina ay pinagkasundo na agad kaming dalawa na maging magkaibigan. Our mothers really want us to continue their friendship. And we really did.

After ten minutes of walking, nakarating na kami sa school na pag-e-enrollan namin. Kanina kasi, habang nakasakay sa kotseng idina-drive ni Sonson, nasiraan kami. Wala tuloy kaming choice kung hindi ang maglakad.

"Good morning!" the guard greeted us.

"Good morning din po."

Inakbayan ni Chad si Kuya Guard na akala mo'y magkaibigan sila. Napairap na lang ako. Kahit may gusto ako kay Chad, aaminin kong nakakahiya siyang kasama. Grabe! Lalo na sa mga puntong ganito.

"Kuya, saan po ang STEM building?" tanong niya.

Itinuro naman ni Kuya Guard 'yung isang building. May touch of orange ang kulay noon. Sa harap nito ay ang mga benches.

"Ah, salamat po. Saan naman po ang sa ABM?" muling tanong ni Chad bago sumulyap sa amin.

"Iyon." Itinuro ni Manong ang katapat na building ng STEM. Kulay yellow naman ang kulay ng building na 'yon. "Magkatapat lang ang STEM at ABM, iho. At kung itatanong niyo naman ang sa HUMSS, dederetsuhin nyo ang daang iyon." Itinuro naman ni Manong ang daan malapit sa ABM. "Nandoon ang building ng HUMSS."

Napatango ako. Magkakaiba pala ang building ng bawat strand sa school na ito, dahil na rin suguro sa dami ng estudyanteng pumapasok.

Tumango rin si Chad at ngumiti. "Salamat po, Kuya, mauna na po kami," paalam niya.

Minsan mabait si Chad, minsan magalang, pero madalas ay hindi. 'Yung tipong mapapahiling ka na sana ay pinisil na lang ang ilong niya noong sanggol pa siya. Nakakainis din paminsan-minsan ang pagiging mapang-asar niya.

"Mga beh, mauna na ako sa inyo," paalam ni Erich Lyn.

Sa aming lima, sila ni Chad ang mahihiwalay sa amin. Naka-allign kasi sa HUMSS ang pangarap ni Erich Lyn, which is educator. Samantalang gusto ni Chad maging engineer, kaya sa STEM siya.

Way Back Home (Rekindled Series #1)Where stories live. Discover now