Chapter 2

307 24 6
                                    

"Mukhang nagkakaintindihan na kayo ni Patrick, Ley."

Inilabas ko ang aking laptop at saglit tiningnan si Justin. Kakaupo pa lang namin sa bench, inasar na niya kami agad. Tinawanan lang naman siya ni Patrick, halatang walang pakialam sa sinasabi ni Justin.

In-open ko ang file na sinend sa akin ni Denise, bago kong ka-group sa Practical Research 1. Ngayon, mas gumagaan ang trabaho ko bilang isang leader. Dati kasi noong kagrupo ko pa sina Celene, halos ako lang lahat ang gumagawa. Ang hirap kayang mag-defense kapag ikaw lang ang may alam ng lahat ng part.

Pero kahit na inilipat ako ng group, may part sa 'king nanghihinayang dahil sayang 'yung pinaghirapan ko. Sayang 'yung pag-iisip ko ng topic… pati 'yung pag-construct ng title. Halos ako kasi lahat ang gumawa ng research namin kaya nakakapanlumo. Ilang araw din ang ginugol ko para doon. But at some point, medyo ayos lang din. Maganda at interesting naman ang topic nina Pat. Hindi ko nga alam kung bakit pinasa niya sa 'kin ang pagiging leader, e ang ganda ng pagli-lead niya.

"Naglagay ka na ba ng ointment?" tanong sa akin ni Patrick, ang tingin ay nasa laptop.

I shook my head. "Hindi pa, mamaya na lang siguro pagkatapos nito."

Noong Sabado, si Emcy ang kasama kong pumunta sa derma. Mabuti na nga lang at laging wala sina Mom at Dad sa bahay kaya 'di nila napapansin ang mga sugat ko.

Wala sana akong sugat ngayon kung hindi dahil kay Celene. Mabuti na lang at nailipat na siya ng section. Sa ABM 104 siya inilipat.

Tumango-tango si Pat at binasa ang file. Kailangan muna kasi naming i-proofread 'yon bago i-print.

"Alam niyo, ang hirap maging bobo. Kayo lang dalawa ang nagkakaintindihan," reklamo ni Justin, naka-kunot ang kaniyang noo habang nakanguso.

"ABM pa more," pang-aasar ni Patrick.

"Tigilan mo ako, kaibigan ni Spongebob. Lahat naman ng strand ay may research paper." Umirap pa si Justin.

"Sa langit walang research paper."

Tumawa si Justin ng sarkastiko. "Oo nga, eh. Akyat ka na."

Inilingan ko na lang silang dalawa at nagpatuloy sa pagbabasa. It took almost two hours after we finished it. Nakakita kami ng errors at agad naman namin 'yong in-edit. At dahil maraming bond papers at ink sa bahay nina Justin, siya na lang ang pinag-print namin.

Pagkatapos noon ay umuwi na ako sa bahay dahil dismissal na. Hindi ko nakita ang mga kaibigan ko sa buong maghapon. Abala siguro sila sa pagre-review dahil malapit na ang monthly exam. Nag-message na lang ako sa aming group chat ng 'goodluck to us, review well' bago nagsimulang maglagay ng ointment.

Siguro kaya di ko sila nakikita dahil iniiwasan ko si Chad. After what I saw, I felt so hurt. I don't want to see him nor to be with him. Seeing him reminds me of betrayal. I don't know why I felt so betrayed.

The next day, maaga akong pumasok sa school. I wore our P.E. uniform and a white Nike shoes. Papasok na ako sa gate nang makitang naglalakad si Patrick. Tumigil ako nang mapansing papalapit siya sa pwesto ko.

"Bakit 'di mo binasa ang message ko sa'yo?" tanong niya nang makalapit siya sa 'kin kaya nangunot ang noo ko. "Check mo ang Instagram mo."

Hinatak niya ako sa benches sa harap ng STEM building at doon pinaupo. May one hour pa naman kami bago magsimula ang una naming klase. Inirapan ko siya nang makitang nakatitig siya sa akin. Muli ko siyang inirapan bago kinuha ang phone ko.

I opened my Instagram and then I refreshed it to see his message. His username with his message immediately popped up on the screen. I tapped it and saw that his message was sent five hours ago.

Way Back Home (Rekindled Series #1)Where stories live. Discover now