Chapter 3

223 20 4
                                    

"Bakit, Chad? May kailangan ka?"

Tinanong ko ulit si Chad, pero wala siyang sinagot. Wala ring bakas na emosyon sa mukha niya. Hindi siya nagsalita at lumakad lang papalayo. Ngumiti sa akin sina Lucas at Kyle bago sinundan si Chad. Pati na rin ang ibang taga-STEM ay umalis na.

I was left dumbfounded.

I was watching them leave until they began to lose at my sight.

Hindi ko alam kung bakit ganoon si Chad. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ang layo na ng loob niya sa akin. Was it because of Rhianne? I wonder that they were now together after what I saw.

"Tara na," anyaya naman ni Justin nang kami na lang ang natira sa gym.

Inakbayan pa niya ako habang bitbit ang kaniyang bag. Pati bag ko ay siya rin ang nagbitbit. Nagbiruan pa sila nina Patrick kaya 'di ko mapigilang matawa habang tinatahak ang daan patungo sa room namin.

Katabi ko na ulit si Patrick dahil Earth and Life Science na. Hindi naman niya ako kinulit dahil seryosong-seryoso siya habang nagle-lecture si Ms. Castro. Tuwing may klase, napaka-seryoso ni Patrick. Hindi mo siya makakausap kahit makipag-bulungan lang.

Napatingin ako sa isunusulat ni Ms. Castro sa board. Napairap ako habang binabasa ang sinusulat niya. By pair activity na naman. Ngunit agad akong napangiti nang mabasa ang sunod niyang isinulat sa board.

Poster Making.

I love arts, kaya 'di ako mahihirapan. Dahil by pair ang activity, kung sino ang katabi namin ay 'yon na lang din ang aming ka-partner. Luckily, si Patrick ang katabi ko.

"Swerte mo naman at ako ang ka-partner mo," Patrick said when Ms. Castro left.

"Ganda ko pa lang, swerte ka na," I replied, smirking.

After the dismissal, umuwi na agad ako sa bahay. I decided to review since malapit na ang monthly exams. Naibigay na rin sa amin ang coverage nito.

Una kong ginawa ang reviewer ko sa math na subject. GenMath. Mga formula lang naman ang inilagay ko sa aking reviewer dahil marami akong examples sa aking notes.

Sa SHS, may pinaikling tawag sa mga subjects dahil masyadong mahahaba ang mga pangalan nito. Katulad na lamang ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Mas mahaba pa ang pangalan ng subject kesa sa pasensya ko, eh.

Pagkatapos kong gumawa ng reviewer ay nag-phone na agad ako. Wala naman din kasi akong magawa. I tapped the Instagram app, and browsed through my feed.

Nang magsawa ako sa kaka-tingin ng mga post ng mga pina-follow ko ay nagtingin naman ako ng stories. I was viewing some of my friends' stories when I saw Chad's. It was a picture of him with Rhianne.

Napanguso ako. Dapat 'di na lang ako nag-view ng stories! Nakakainis naman. Napa-chat tuloy ako sa group chat namin para yayain silang tumambay bukas since Saturday naman.

leyzaneunize: guys, free kayo?

erichlyn: nasa SM pa ako beh why

maicahcrizan: yess, ley

chadrivas: wow naman erichbong sarap buhay ah, pagala-gala lang

Way Back Home (Rekindled Series #1)Where stories live. Discover now