Chapter 4

189 17 8
                                    

"Kumain na ba kayo? Ayos lang bang maki-upo kami ni Rhianne sa tabi niyo?" tanong ni Chad nang makalapit silang dalawa sa amin.

Halatang hihindi si Erich Lyn dahil sa expression niya kaya pinandilatan ko siya ng mata. Baka kung ano pa ang masabi niya sa harap ng dalawa. Knowing Erich, sasabihin niya talaga ang gusto niyang sabihin! Napaka-straightforward!

"Oo naman, pwedeng-pwede," sabi ni Erich Lyn. Ang ngiti niya ay halatang napipilitan at pina-plastic lang ang dalawa. "Sige, upo na kayo, baka nangangalay na si Rina."

"Rina?" kunot-noong tanong ni Rhianne dahil hindi siya kilala ni Erich.

Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil baka makipag-sabunutan na 'tong si Rhianne kapag nakita niya akong tumatawa. She was offended. Buti nga sa kaniya. Charot!

"Ay, hindi ka ba si Rina?" kunwari'y gulat na tanong niya. "Oh my gosh, sorry! Akala ko kasi si Rina ka, medyo may similarities kasi kayo ng kakilala ko."

"It's Rhianne," pagtatama ni Rhianne ng pangalan niya. "Care to tell me kung anong similarities namin ng kakilala mo? Para may mapag-usapan tayo while eating." Ngumiti pa siya.

"Ay hindi mo gugustuhing malaman na ahas siya at mang-aagaw, tapos pa-victim pa," Erich Lyn said. She immediately covered her mouth when she saw Rhianne's reaction. "Ay sorry!"

"Tama na 'yan," pigil ni Chad.

Napatingin ako sa kaniya. He was very serious. He even looks like that he don't want what he heard. He was at Rhianne's side.

Nagsimula na silang kumain at kaming dalawa ni Erich Lyn ay walang gana. Sino ba naman kasing gaganahan kapag ganito ang nasa harap mo? Kinuha ko na lang ang phone ko at minessage si Pat.

leyzaneunize: PAAAAT

patrickortreat: oh ano?

leyzaneunize: NASAYO ANG NOTEBOOK KO?

patrickortreat: huh? wala bebegurl

leyzaneunize: WHAT THE HELL, I KNOW NA NASAYO

patrickortreat: ide-dare muna kita bago ko ibigay

Dare? Ang immature talaga ng isang 'to! Magre-reply na sana ako kay Pat nang tawagin ni Chad ang pangalan ko. Nilingon ko siya nang nakataas ang isang kilay. Itinuro naman niya ang aking pagkain at sinabing kumain na.

patrickortreat: seen??? what if sunugin ko ang notebook mo??? what if lang naman

Hindi ko pinansin si Chad at kaagad akong nag-type ng reply para kay Patrick. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Chad, pero hindi ko na lang siya pinansin. I pursed my lips as I typed a reply.

leyzaneunize: TANGEK, ANONG DARE BA KASI? PLS YUNG MADALI LANG HAHAHHAHA I NEED MY NOTEBOOK AFTER LUNCH :(( or gusto mo ay isusumbong na lang kita kay sir

Ibinaba ko ang phone ko dahil hindi na nag-delivered ang message ko kay Pat. Nagsimula na akong kumain at dinaldal na lang si Erich Lyn dahil ang dalawa naming kasama ay may sariling mundo. They were laughing together.

Saglit humina ang tawa nila, at nang maglaon ay wala na akong naririnig na ingay sa kanila. Napatingin ako sa kanila. Tapos na silang kumain. Hawak ni Chad ang phone niya, ganoon din si Rhianne.

Tumunog ang phone ko at agad kinuha dahil inaasang nag-reply na si Pat, pero mali ako. Palihim akong napamura nang mabasa 'yon.

chadrivas: halatang hindi ka comfortable kasama kaming dalawa ni rhianne, kaya aalis na kami

chadrivas: kain ka na, eatwell :))

I bit my lower lip as Chad smiled at me before they leave. Nagkatinginan kami ni Erich Lyn at ganoon na lang ang kaniyang tingin. Sinabi pa niyang mabuti na lang at umalis na ang dalawa.

Way Back Home (Rekindled Series #1)Where stories live. Discover now