91

29 8 0
                                    

Ella's POV:

Sinadya kong tumingin sa kanya.

Bakas sa mga mata niya yung tuwa, na may halong lungkot din.

It happened very fast, nagising nalang akong natauhan na. Sama pang mga naikwento ni Dwayne sa akin, nung dumalaw siya.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit di nila sinabi sa akin.

For so long, I looked like a piece of bullshit.

Hindi ko alam na andami ko na palang pagkukulang. Na andami kong nasasaktan.

Yet no one bothered to tell me what's really going on.

Sobrang nakakafrustrate. Nakakagalit.

Kaya naman pala ganito yung nararamdaman ko para sa kanya, because after all. Siya naman pala talaga.

"It wasn't us who ruined that relationship, Ella. It was you. Nang mabangga ka, unang tumawag si Venice samin, saying na yung matagal mo ng gustong sabihin samin, was that official na kayo ni Venice." Sumagot si Althea, galit na din sa akin.

"You remember nothing. Even you're name. Hindi namin alam kung kanino maniniwala dahil mismo kami, wala kaming alam. Kahit nung highschool pa naman tayo diba? Diyan ka naman magaling, ang maglihim. Now, you're blaming us for losing your memory? Tangina lang." Patuloy neto.

"Because I didn't felt the need to tell you everything. Hindi niyo naman problema yung mga nangyari satin nung highschool. For fucks sake! Move on! Highschool pa tayo non! I still have my damn memories back then! Tsaka wag na wag mong sasabihin na wala kayong alam dahil kayong dalawa ang mas labis na nakakakilala sa akin!" sagot ko.

"Bakit ha?! Ano bang gusto mong malaman dito? Dali, sabihin mo! Ng matapos na itong kangangal-ngal mo!" Nicole said, basically shouting at me.

Hindi ako agad nakasagot. Biglang sumakit yung ulo ko. But I managed to stop myself from wincing.

Bakit di niyo sinabi sakin na hindi naman pala talaga si Venice yung mahal ko?

Bakit di niyo sinabi sakin na may hinihintay ako?

No one even bothered to tell me about Kayla nung nagtagpo kami.

Bakit nagawa niyong manahimik nalang matapos sa lahat ng kaputanginang nangyari sa akin?

Gusto kong isigaw lahat ng yon. But I stayed silent.

Sabi ko nga, who knows? Baka purong kalokohan na naman ang sabihin sa akin pag nagtanong ako.

"Forget it. Ayoko na namang malaman. Tapos na naman, diba? Nangyari na ang mga nangyari. Wala ng magagawa yang mga putanginang sorry niyo." I grabbed my bag at lumabas na sa room.

Rinig kong pagtawag ni Leah sa akin. But I didn't went back.

Pumunta muna ako sa room ng mga faculty. Nagpaalam akong aalis muna, emergency sa bahay. Luckily, they bought it at pinaalis na ako.

Pagkalabas ko sa room, nakita ko si Venice.

She smiled as she rushed towards me.

Ngayong alam ko na yung totoo, she felt like a stranger.

"Baby. Kumusta ka? I heard galing kang clinic? Okay ka na ba?" Ramdam sa boses yung concern.

Naisip ko, kung diko pa alam yung totoo, siguro masayang masaya ako ngayon, dahil finally, totoong iniisip na niya ako. Nag-aalala na siya sa akin.

"Sino ka ba?" I blurted out.

Nakita kong nagulat siya, biglang kinabahan, but she quickly covered it with a smile.

THE THEORY OF US | [CHAPTER 86-109(ᴇᴘɪʟᴏɢᴜᴇ)] | SaTzu x DahMo x MiChaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon